Chapter 24

1.4K 117 46
                                    

Napangiwi ang mga labi ni Justinne, nang makaramdam ng pananakit ang kanyang leeg, dahil sa pagkakangalay mula sa matagal na pagkakahilig nito sa matigas na kawayan ng sandal an ng upuan. Hindi niya pa maimulat ang kanyang mga mata, habang dahan-dahan niyang iniaangat ang kanyang ulo  sa pagkakalapat nito.

It was a bit of a challenge for her, dahil na rin sa sakit at dahil na rin sa parang nanigas ang kanyang leeg at di niya agad maigalaw ang kanyang ulo.

Napanganga ang kanyang bibig habang dahan-dahan niyang iginalaw ang ulo para iangat mula sa pagkakahilig at tiniis niya ang kirot na gumapang sa kaliwang bahagi ng kanyang leeg hanggang sa maiangat na niya ang ulo at nakaupo na siya ng tuwid at naimulat na niya ang kanyang mga mata. Ang kanyang kanan na kamay ay mabilis na hinawakan at minasahe ang kaliwang balikat at iginalaw-galaw niya ang ulo at leeg para maalis ang pagkakangalay.

Biglang kumunot ang kanyang noo, nang mapagtanto niya kung nasaan siya at saka rin lang niya napansin ang nahulog na kumot sa kanyang bewang. Tiningnan niya ang lamesa na nasa kanyang harapan ang laptop, mga papel, tasa ng pinagkapihan at ang kanyang salamin sa mata. Saka mabilis na bumaling ang kanyang mga mata sa kanyang kaliwa sa kanyang tabi at nakita niya si Brandon.

Nakahiga ang kalahati ng katawan nito  sa upuan na kawayan at ang mga tuhod at binti naman nito ay nakapatong sa armrest ng upuan, habang ang mga braso nito ay magka-ekis na nakapatong sa malapad nitong dibdib. Ang ibabaw ng ulo nito ay sumasagi sa kanyang kaliwang hita.

At hindi niya namalayan ang kanyang  ginawa, bumaba ang kaliwang kamay niya at parang hangin na idinaan ang kanyang mga daliri sa malambot na buhok nito.

She loves how they feel in her fingers, malambot kasi ang makakapal na hibla ng mga nagtatalong itim at brown nitong buhok. Tiningnan din niya ang matangos nitong ilong, at nag-init ang kanyang mga pisngi nang maalala niya kung saang bahagi ng katawan niya nakarating ilong nito. At nang magawi na ang kanyang mata sa bahagyang nabuka nitong mga labi ay muling nanumbalik sa kanya kung gaano kaeskperto ang mga labi nito, sa pagbibigay ng init sa kanyang katawan. Kung paanong buhayin ng mga labi nito ang apoy sa kanyang kalooban.

At ng mga sandali na iyun, ay iyun nga ang kanyang nadama. Maisip niya lamang ang mga nangyari nang magdamag na iyun ay tila ba inaapuyan ang kanyang katawan. Ang mga kamay nito sa kanyang buhok na mahigpit na nakahawak habang ito’y nasa kanyang likuran, ang mga labi nito sa kanyang balikat, habang ang…

Napapikit ang kanyang mga mata ng mahigpit, “shit” ang mahinang sambit niya. Tiningnan niya ang oras, it was three in the morning, witching hour, ang tawag ng iba, pero ng mga sandali na iyun ay walang kinalaman sa katatakutan ang nadarama niya.

Dahan-dahan siyang tumayo habang hawak ang kumot at sa kulay nito, alam niyang hindi iyun ang kumot na ginagamit niya. Tumayo siya sa tabi ng upuan at tumungo siya para pagmasdan ang tulog na tulog na si Brandon. At saka niya marahan na inilapat ang kumot sa katawan nito.

Bahagya itong gumalaw at huminga ng malalim at natigilan siya sa kanyang kinatatayuan, hinintay niyang dumilat ang mga mata nito at mahuli siyang nakatayo at nakatitig sa tabi nito.

Pero laking pasalamat niya nang hindi ito gumising at siya naman ay dahan-dahan at tahimik na pumasok sa kanyang silid para kumuha ng kanyang mga isusuot para maagang makaligo at makapagbihis.

“Uh good morning” ang bati niya kay Brandon na lumabas ng kwarto nito. Pa simpleng sumulyapa ng kanyang mga mata sa hubad na katawan nito at tanging ang kupas na pantalon ang takip sa pang-ibabang bahagi ng katawan nito.

“Pang-ilang bati mo na sa kin yan ah” ang natatawang sabi ni Brandon sa kanya na kumikislap pa ang mga hibla ng buhok nito dahil sa mga butil ng tubig.

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon