Chapter 29

1.3K 106 77
                                    

Hindi na malaman ni Justinne kung anong gagawin niya nang araw na iyun. Nang dumating ang oras ng pananghalian ay bumalik na sila ni Brandon sa inuupahan nilang bahay at, tulad ng inaasahan, naging at home na si Lei sa loob ng bahay.

Kinakabahan man dahil sa baka hindi tumupad sa pangako si Lei na hindi nito gagalawin ang mga damit niya ay, malapad pa rin na pagkakangiti nito sa kanya nang makita siya nito, at mukhang hindi pa nito nabubuko ang tinatago niyang sikreto.

Excited na binati sila, ah, hindi SIYA ni Lei, hindi pa nga niya naaalis ang suot na sapatos at kasalukuyan pa lang niyang hinuhubad nang hawakan ni Lei ang kanyang braso at hilahin siya nito papasok. Pakandirit siyang pumasok sa loob ng bahay, habang humihiyaw naman si Brandon na galit na galit kay Lei.

“Lei! F*ck! Gusto mo bang mabalda si Justin?” ang galit na sigaw ni Brandon kay Lei habang nakasunod din ito na naglakad papasok ng bahay.

Brandon was able to caught up with them and he too, grabbed hold of her arm and pulled her towards him.

“Dahan-dahan naman Lei! Kapag napilayan si Justin, malalagot ka sa akin” ang galit na sabi ni Brandon kay Lei, pagkahila nito sa kanyang kaliwang braso palapit sa  direksyon nito.

“Uh” ang tanging sambit niya, pero hindi na niya naituloy ang sasabihin nang hilahin naman ni Lei ang kanan na braso niya sa direksyon naman nito.

“Mapipilayan si Justin, kung panay ang hila  mo!” ang galit naman na sagot ni Lei kay Brandon at mukhang di rin ito papatalo.

“Mapipilayan siya kung hindi mo aalisin yang mga malilikot mong kamay kay Justin!” ang  galit na angil ni Brandon at muli siyang hinila nito sa kabilang direksyon.

“Aw! Sandali!” ang sigaw niya at napapangiwi na siya sa dalawang, parang mga bata na nag-aagawan sa laruan.

“Let go of him BRANDON!” ang mariin na sabi ni Lei kay Brandon na nakatiis ang mga labi at nakita niya ang pagkislot ng buto sa panga nito.

“No YOU, remove your hands off him Lei” ang giit ni Brandon kay Lei na naniningkit naman ang mga mata sa lalaking dating kinababaliwan nito.

“Let go!”

“Hands – off!”

“Pwede ba?! Pareho kayong bumitiw sa akin?!” ang galit at pasigaw niyang sabi sa dalawa na natigilan sa pag-sigaw niya. Pero tumigil man ang dalawa sa malalakas na bulyawan ng mga ito ay hindi pa rin tuluyan na binitiwan ng mga kamay nito ang pagkakahawak sa  kanyang magkabilang braso, tila ba naghihintay ang dalawa kung sino sa dalawa ang unang susuko sa pagkakahawak sa kanyang braso.

“Will you two, please, let go of my arm? You’re already cutting my blood circulation, sakalin niyo na lang kaya ako?” ang galit nasabi niya sa dalawa at nagpabaling-baling ang kanyang ulo sa dalawa para tingnan ang mga mukha nito. Si Lei na napayuko sa hiya at si Brandon na nanatili na tikom ang mga labi.

At dahil sa mukhang walang gustong patalo at isuko ang kanyang mga braso, siya na mismo ang humila sa kanyang mga braso, para maalis sa mahigpit na pagkakahawak ng dalawang, dati ay mag-jowa pero ng mga sandali na iyun ay naging magkatunggali sa hindi pa niya alam na kadahilanan. Alam naman niya na kaibigan lang ang gusto ni Lei sa kanya, ang di niya mawari ay ang ugali ng inaasal ni Brandon ng mga nakalipas na araw at hanggang sa mga sandali na iyun.

“We don’t have to waste time bickering and playing tug of war na ako ang gagamitin ninyong tali! Pwede ba? Gutom na ako at pagod, pwede bang kumain na muna tayo? At mamaya nyo na ituloy ang kung, anuman ang problema ninyong dalawa at ako ang ginagawa ninyong pamato!” ang mariin na sabi niya sa dalawa ngunit mas malumanay na ang kanyang boses.

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon