Chapter 35

1.4K 111 56
                                    

Brandon was in front of his steering wheel again, his expert hands maneuver it, as he made his way back to his apartment. Kagagaling lang niya sa bahay ng kanyang mga magulang pagkatapos ng isang family dinner. Kumpleto silang lahat, at napag-usapan nila ang mga pangyayari sa kanilang mga hawak na proyekto at sa mukha at tono ng pananalita ng kanyang daddy at mukhang masaya itong marinig ang progress sa hawak niyang humanitarian project.

The dinner went well, pero nang nagkaroon na sila ng pagkakataon na mag-usap ng kanyang mommy tungkol sa personal niyang buhay ay doon na siya nakaramdam ng kaba. Naalala niya ang kanilang naging usapan.

“What happened?” ang paunang tanong ng mommy niya habang nasa veranda silang dalawa at ang mga kapatid naman niya ay nasa patio while drinking wine with his daddy.

“What happened what?” ang balik tanong niya sa mommy niya at isang irap na may singasing ang kanyang narinig mula sa kanyang mommy.

“Mukhang humina na yata ang pick-up mo ah, nang magpunta ka sa Aurora” ang pabirong sagot ng mommy niya sa kanya.

Ngumiti siya bago humigop ng kape, at ganun din ang ginawa ng kanyang mommy at matiyaga itong naghintay sa kanyang sasabihin.

“She broke-up with me mommy” ang malumanay niyang saad habang ang mga mata niya ay nakatuon sa kanyang tasa at sa itim na likido ng laman nito.

“You didn’t argue”  ang saad ng kanyang mommy at hindi iyun isang tanong, tila alam ng mommy niya na hindi siya gagawa ng anumang hakbang para hindi mauwi sa break-up ang relasyon nila ni Cassie.

Tumangu-tango lang siya at hindi na siya sumagot , at muli siyang humigop ng kape.

“I’m sorry kung nakialam kami sa mga love life ninyo, Cassie was an ideal girl for me” ang sabi ng kanyang mommy.

Muntik na niyang maibuga ang kape sa kanyang bibig nang marinig niya ang salitang ideal girl. Paano kasi, kung hindi naman girl ang gusto ng bunsong anak nito? Ang tanong niya sa sarili habang nilulunok ang mainit na kape sa kanyang lalamunan.

“But it doesn’t mean na, ideal siya para sa iyo, o vice versa ikaw para sa kanya, now we realised that, we made the both of your lives miserable” ang malungkot na sabi ng mommy  niya sa kanya.

“Kaya ka siguro nambababae” ang dugtong pa nito sabay taas ng isang kilay nito sa kanya.

Napailing siya “hindi naman sa ganun ma” ang malumanay niyang sagot at binalot ng kanyang dalawang kamay ang mainit na katawan ng tasa habang pareho silang nakaupo sa sofa sa veranda  at nakaharap sila sa tahimik na kalsada ng village.

“I’m sorry iho” ang malumanay na paghingi ng pumanhin ng mommy niya na hinawakan ang kanyang hita at pinisil pa iyun.

Hinuli niya ang malambot na kamay ng mommy niya at hinagkan niya ang likod ng palad nito. At saka niya inilapat iyun sa kanyang pisngi.

“You don’t have to say sorry mommy” ang malambing na sabi niya sa kanyang mommy.

“Alam ko naman na, para sa ikabubuti ko lang ang gusto ninyong mangyari” ang dugtong pa niya.

He held his mommy’s hand for a while, and they quietly sipped their coffee and they stayed that way for a while, hanggang sa may mga tanong nang pumasok sa kanyang isipan.

Tatanungin ba niya ang kanyang mommy? Para lang malaman niya ang magiging saloobin ng kanyang magulang atleast sa view ng kanyang mommy? Ang tanong niya. He has to try lalo pa at nalaman niyang si Justin ang naghatid sa kanya sa kanyang unit at ibig sabihin ay si Justin ang kanyang pinuntahan at ang itinitibok ng kanyang puso. Ayaw na niyang ideny pa iyun, alam niya na sa kabila ng pag- iwas niya kay Justin ay kay Justin pa rin siya babalik. Ang pagtanong niya ay gusto lang niyang malaman ang magiging saloobin ng kanyang mommy sa kanya kung malaman nito na lalaki  ang kanyang nagugustuhan,

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon