Chapter 11

1.6K 96 39
                                    

Justinne saw it coming, why? Dahil sa tingin ng lalaking si Brandon sa kanyang mga labi. She tried to insult him and she wanted to insult him, dahil para sa kanya, isang kahihiyan si Brandon Burke sa tanyag na kumpanya na itinatag ng ama nito na Burke Construction Firm. Si Brandon ang sumasalamin at ang sumisimbulo sa lalaking kinamumuhian niya, babaero, masyadong bilib sa sarili na akala mo ba ay lahat makukuha nito, at parang isang bagay lamang kung tratuhin ang mga babae.
And she hated him more, na inakala nito na isa siyang tsismosa ng babae na ikakalat ang baho nito, at manghihingi ng kabayaran, kapalit ng kanyang pa nanahimik.
Pero bakit hinayaan niya lang na lumapat ang mga labi nito sa kanya ng mga sandali na iyun? Bakit hinayaan niyang isandal siya ni Brandon sa pinto ng kanyang sasakyan at pininid ang katawan nito sa kanya, habang ang mga ekspertong mga labi nito ay nakalapat sa kanyang mga labi.
Her head  started to spin, she didn’t expect na magiging ganun ang reaksyon ng kanyang sarili sa halik ni Brandon. She tasted beer in his mouth, and when she felt his tongue skimmed her lower lip, she too ran her tongue on her lower lip, and Brandon quickly tasted her pink tongue. And she felt the electric like sensation, flowed through her body.
Ganito rin ba niya hinalikan ang babaeng nasa apartment? Ang sumagi na tanong sa kanyang isipan, at doon ay bigla siyang natauhan. At para siyang sinampal sa kanyang pisngi nang mapagtanto niya ang kanyang hinayaan na mangyari, kaya naman, buong lakas niyang itinulak si Brandon at sinuntok niya ang pisngi nito.
“Ouch! What the hell!” ang hiyaw nito sa kanya habang hawak nito ang sinuntok niyang kanan nito na pisngi. Hindi man siya ganun kalakas, pero sa hitsura ni Brandon na nagulat at nagalit sa kanyang ginawa habang sapo nito ang pisngi, ay batid niyang nasaktan niya ito, at masaya siyang malaman iyun.
“Lumapit ka pa sa akin, kung gusto mong tadyakan ko yang pagmumukha mo, huh, ewan ko lang kung ma magka gusto pa sa pagmumukha mong basag-basag” ang banta niya rito saka niya mabilis na binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan. Pero bago pa niya isinara ang pinto ay pinagbantaan pa muna niya ito.
“Tantanan mo ako kung ayaw mong sumingaw ang baho mo Brandon Burke” ang huling salita pa niya rito na nanatiling nakatayo na hawak ang masakit nitong pisngi. Saka niya isinara ang driver’s door at mabilis niyang pinaandar  ang kanyang sasakyan papalayo rito.
She was fuming with anger, at hindi lang sa babaeng si Lei, hindi rin kay Brandon, pero mas higit pa sa kanyang sarili, dahil sa hinayaan niyang mangyari iyun sa kanya.
She was never kissed before, sa cheeks lang siya nahahalikan ng kanyang daddy, kakambal at mga kaibigan para makipag-batian, pero dahil nga sa no BF since birth siya, ay nananatiling birhen ang kanyang mga labi, hanggang sa kanina.
She’s not angry about that! The kiss was delicious, great even, na para bang ayaw na niyang matapos, pero ang ikinagagalit niya ay ang lalaking nagpa-experience sa kanya ng kanyang unang halik.
Sa dinami-rami ng lalaking mahahalikan siya, yung babaero pang iyun na anak ng firm na gusto niyang pagtrabahuan! Bakit ba napaka swerte ng Brandon na yun? Ang galit na sabi niya sa kanyang sarili.
Halos nasa kanya na ang lahat, pero ginagawa lang nitong laro ang lahat at parang walang pakialam na masira ang magandang pangalan na itinatag ng ama nito. She can’t say anything para sa mga kapatid nito, dahil ang mga iyun ay tahimik at nanatiling pribado ang mga buhay, hindi katulad ng BWISIT  na BRANDON na iyun na akala mo, isang batang naglalaro lang sa buhay at walang kaseryosohan!
He has everything she ever wanted! Pero hirap at hindi niya makuha, dahil sa mga lalaking katulad ni Brandon na maliit ang tingin sa mga babae at tingin ay pangapartment lang na ang alam ay magpaseksi at umorder online! Ang galit na sabi ng kanyang isipan, halos sumikip ang dibdib niya sa sama ng kanyang loob dahil sa pagiging unfair minsan ng buhay para sa mga katulad niya.
Siya na may abilidad, kakayanan, at talino ay kailangan pang magkunwari na lalaki para lamang makapasok sa isang larangan na para lang daw sa mga babae, at dahil iyun sa mga lalaking katulad ni Brandon! Ang ngitngit ng kanyang kalooban.
Pero hindi lang iyun ang ikinagagalit niya, at yun ang hindi niya matanggap na nasarapan siya sa ginawang  paghaik sa kanya ni Brandon.
“Don’t be stupid Justinne May” ang malakas na sabi niya sa kanyang sarili, at pilit niyang pinagaan ang kanyang mood dahil na rin sa marami pa siyang idedeliver. Pero, mukhang, sinakluban na siya ng inis mula nang manggaling siya sa bwisit na apartment ng bwisit na mag jowa na yun, ang ngitngit niya, dahil sa literal na nanakit na ang kanyang pisngi at bibig, dahil sa pilit na pagkakabanat ng mga iyun para sa pilit niyang pagngiti, para sa mga huling customers nila.
Justinne sighed, habang inililiko niya ang manibela para maniubrahin ang kanyang sasakyan sa parking lot ng isang supermarket. Kailangan pa kasi niyang mamili ng mga ibinilin na ingredients ng kanyang mommy sa kanya.
“And don’t let that kiss, get into you, it’s just a stupid kiss” ang malakas na giit pa niya sa kanyang sarili, habang ipinaparada niya ang kanyang sasakyan.
Of course, it was just a stupid kiss, from a stupid person at yun lang iyun, and it’s no big deal and she has to go on with her life, na para bang walang nangyari.
Galit niyang itinulak ang pinto ng kotse para makalabas siya, she slammed shut the car door, na tila ba maaalis sa pagdadabog ang inis na nadarama niya ng mga sandali na iyun sa lalaking nuknukan ng yabang at sa kanyang sarili.
Mabibigat man ang bawat hakbang ng kanyang mga paa kahalintulad ng bigat sa kanyang dibdib, ay naglakad na siya papasok sa loob ng supermarket. Tiningnan niya ang oras sa kanyang suot na itim na panlalaking digital watch, at isang malakas at buntong-hininga ang pinakawalan niya nang makita niya ang oras. Kailangan na niyang makabalik sa bahay dahil ka kailangan in na ng kanyang mommy ang mga ingredients na pinabibili nito, para sa kitchen testing na gagawin, para sa isang recipe na idadagdag ng mommy niya sa mga varieties ng Sweet Tooth.
Hmm,paano na kaya ang magiging delivery service ng mommy niya kapag, IF EVER and she was HOPING SO BADLY, na matanggap na siya sa kanyang trabaho, hindi naman niya mapigilan ang mommy  niya na magbake, ito na rin kasi ang pinagkakaabalahan ng mommy niya, hmm, mukhang kailangan na nilang mag hire ng mga movers for delivery at kailangan na rin nila na magkaroon ng delivery charge, ang sabi niya sa kanyang sarili habang tulak-tulak niya ang isang push-cart.
Inilabas niya ang ginawang listahan ng kanyang mommy mula sa kanyang belt bag, saka niya sinuyod ang mga aisles para hanapin ang mga nakalista. She was at the chocolate aisle nang isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya.
“Justinne!”ang masayang pagbanggit nito sa kanyang pangalan at mabilis na pumihit ang kanyang katawan, para harapin ang tumawag ng kanyang pangalan sa kanyang likuran. At ang mukha ng kaibigan ang bumungad sa kanya.
“Frances” ang masayang bati niya rito, matagal na niya itong hindi nakita at balita nga niya na sa isang condominium na ito nakatira simula nang humiwalay na ito sa bahay ng mga magulang at nagkatrabaho na bilang isang stewardess.
“Justinne!” ang pag-ulit na pagbanggit nito ng kanyang pangalan kasabay ng mabibilis na paghakbang nito papalapit sa kanya at sinalubong niya ito ng isang mahigpit na yakap.
Isa si Frances sa malala pit niyang kaibigan noong high-school siya, silang tatlo noon ang laging magkakasama. Siya, ang kanyang kakambal at si Frances, na noon ay umamin sa kanya na crush nito si Justin, at naalala niya kung paano siyang kinilabutan nang malaman niya iyun, pero hindi naman niya masabi na, wala siyang mahihita sa kakambal, dahil parehong lalaki ang hanap nilang dalawa.
At mas nakakatawa pa ang naging reaksyon noon ni Justin nang sabihin niya sa kakambal ang inamin sa kanya ng kaibigan. Kitang-kita ang pamumutla ng mukha nito at panginginig ng katawan dahil sa pandidiri. It was not because Frances is not pretty, she’s very beautiful, kaya nga ang trio nila noon ang makaagaw pansin dahil sa dalawa silang maganda ni Frances at si Justin naman ay nagpapakita na ng kagandahang lalaki nito, eww, kagandahang babae pala.
“Kamusta ka na?” ang excited na tanong nito sa kanya while she gave her a surprised look, at tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa niya, which she didn’t take offense, sanay na siya sa kaibigan.
“Ito, engineer na walang trabaho, taga-deliver ng mga bake goodies ni mommy, ikaw? Balita ko natupad mo na ang pangarap mo, stewardess ka na? nakapag-asawa ka na ba ng pilot?” ang masayang tanong niya sa kaibigan.
“Oo stewardess na ako, pero still single pa rin, kakambal mo kamusta na?” ang tanong nito sa kanya at napangiwi siya sa tanong nito.
“Uhm, nasa Germany na si Justin, mag-three months na siya doon” ang sagot niya.
“Talaga? Anong address niya doon? Ay kontakin ko na lang siya, pangalan ba niya ang gamit niya sa FB or messenger? Dalawin ko siya doon kapag may flight ako pa Gerrmany” ang excited na sagot nito sa kanya.
“Oo pangalan niya ang gamit niya ang sagot niya kay Frances na may pilit na ngiti sa mga labi niya.
“Ang tagal nating hindi nagkausap, may one year na yata, nawala kasi yung phone ko, tapos bihira na rin ako magpunta doon sa atin, dahil nga sa probinsiya na nagretiro sina mommy at daddy kaya naman ibinnenta na namin yung bahay namin doon then ako, kumuha na lang ng unit” ang kwento nito sa kanya.
Nakaramdam ng inggit si Justinne, hindi sa ayaw niya ang narating ng kaibigan, kundi sa, she’s living the life that she’d dreamt of, habang siya ay, napabuntong- hininga na lang siya.
“Ang layo naman ng pinagbilhan mo?” ang tanong ni Frances sa kanya.
“Uhm, nagdeliver kasi ako, tapos dumaan na ako rito, mga pinabibili ni mommy” ang sagot niya sa kaibigan.
“Yayayain pa naman sana kita, kahit na mag-coffee lang, pero, alam ko na, may lakad kami, mag-clubbing kami, bukas ng gabi, we should catch-up naman” ang pagyaya nito sa kanya, “don’t worry tatlo lang tayo” ang dugtong pa nito sa kanya.
“Uhm, hindi ko pa sure” ang nag- a alangan niyang sagot dito.
“Ipagpapaalam kita kay tita, tapos diretso na tayo sa unit ko, doon na tayo matulog, actually malapit lang dito ang condominium na tinutuluyan ko, walking distance lang, sige na” ang pamimilit nito sa kanya.
Alam ni Justinne na papayagan siya ng kanyang mommy, lalo pa at si Frances ang kasama niya, pero siya ang nagdadalawang-isip.
“Kunin ko number mo, kapag walang delivery si mommy, tawagan kita” ang sagot niya sa kaibigan.
Nagliwanag ang mukha nito sa kanyang sinabi, “okey” ang sagot nito, bago nito ibinigay ang numero ng telepono nito sa kanya.

“Oh? Bakit busangot na naman yang mukha mo?” ang tanong ng mommy niya pagkapasok niya ng bahay.
“kasi naman mommy, nakaaway ko yung isang umorder sa iyo, ipinagpipilitan nito na butterscotch daw ang inorder niya at hindi brownie” ang inis na sagot niya sa kanyang mommy pagkalapag niya ng kanyang mga bitbit na plastic bag sa sahig ng sala sa tabi ng sofa at siya naman ay pasalampak na naupo sa sofa at nakabuka pa ang kanyang mga hita.
Napabuntong-hininga na lang ang kanyang mommy sa kanyang iginawi, kasabay ng pag-irap sa kanya dahil sa hindi nagustuhan ang ikinilos niya.
“Wala namang umorder ng butterscotch sa akin” ang sagot ng mommy niya sa kanya.
“I know, dahil lahat ng kulay ng box  na nasa sasakyan ko ay dark brown, at walang yellowish brown para sa butterscotch” ang sagot niya sa kanyang mommy.
“Eh anong nangyari?” ang tanong ng mommy  niya sa kanya.
“Eh di ipinagpilitan niya na nagkamali tayo” ang giit niya at umayos siya ng kanyang upo, inalis niya ang suot na cap sa kanyang ulo at inilapag niya iyun sa kanyang tabi.
“What did you do?” ang kinakabahan na tanong ng mommy niya sa kanya and she was eyeing her suspiciously.
“Eh di, hindi ako pumayag na tayo ang mali” ang sagot niya at iniiwas niya ang kanyang mga mata, dahil baka mag-hysterical ang mommy niya kapag nalaman ang kanyang ginawa sa mukha ng Lei na iyun.
PWHAT DID YOU DO?” ang mariin na tanong ng mommy niya sa kanya, dahil na rin sa kilala nito ang kanyang ugali.
“Kinuskos ko yung brownie sa mukha niya” ang malumanay niyang sagot and she saw the horrified look in her mom’s face.
“You.. Did.. Wha?”-
“Sinabihan kasi niya na tanga daw yung kumuha ng order niya mommy, and ikaw yun, kaya nagpantig ang mga tenga ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko” ang giit niya.
“She said that?” her mommy hissed, “paano ako magkaka mali, eh nakatext lahat ng orders at walang umorder na butterscotch sa akin” ang giit ng mommy niya na halatang hindi nagustuhan ang narinig mula sa kanya.
“That’s what I told her, and that, bitch” –
“Justinne May!” ang saway ng kanyang mommy sa kanya.
“Pinagpilitan pa rin na tayo ang mali” ang pagpapatuloy niya.
“Hayaan mo na iyun, kaso lang baka, magbigay ng bad review yung umorder” ang nag-aalalang sabi ng mommy nya sa kanya, pero mabilis siyang umiling at ngumiti sa kanyang mommy.
“Hindi niya gagawin iyun mom” ang sagot niya, saka niya itinulak ang sarili patayo, mula sa malambot na kutson ng sofa at dinampot niya ang kanyang cap.
“How can you say that?” ang takang tanong ng kanyang mommy sa kanya na nakasunod ang mga mata sa kanya habang naglalakad siya patungo sa hagdan.
“Trust me mom, hindi yun gagawa ng bad review, akayat na muna ako mommy, mamaya na ako mag-remit ng napagbentahan” ang sagot pa niya habang papaakyat na siya ng hagdan.
Mabilis siyang pumasok sa loob ng kanyang kwarto at padapa siyang nahiga sa ibabaw ng kanyang kama. Muli na naman niyang naisip ang nangyari, se turned herself and lie down on her back at hindi niya namalayan na ang mga daliri ng kanyang kanan na kamay ay nasa kanyang mga labi.
Her fingers traced her soft lips at naalala niya kung paanong pinaadanan ng dila ni Brandon ang kanyang mga labi.
“Uggh” she groaned out loud at bigla siyang napaupo, hindi niya makalimutan! Ang sigaw ng isipan niya. Paano kung magtrabaho na siya sa Burke Construction Firm? Hindi malayo ng mangyari na magkita sila nito, although hindi sila nito magiging magkatrabaho dahil baguhan pa lamang siya.
Tumayo siya mula sa kanyang kama, at humakbang siya patungo sa kanyang working table para buksan ang kanyang laptop. She’s going to check her mails.
At pagbukas nga niya at nakita niya ang isang new message sa kanyang inbox. Kinakabahan ang kanyang dibdib na binuksan niya ang email. At halos lumuwa ang kanyang mga mata sa kanyang nabasa, natanggap na siya sa Burke Construction Company.
Halos tumalon siya sa kanyang kinauupuan, hindi pa siya makapaniwala, at napansin niya na nanginginig nag kanyang mga kamay.
Totoo ba ito? O baka naman nananaginip na naman siya? O baka malabo lang ang pagkakabasa niya? Agad niyang dinampot ang kanyang reading glasses na nakapatong sa tabi sa ibabaw ng kanyang lamesa at isinuot niya iyun at muli niyang binasa ang nakasulat sa natanggap niyang email mula sa Burke Construction.
Pero hindi, totoo ang kanyang mga nabasa, totoong natanggap na siya! Well, literally not her, si Justin Rey ang kanyang kakambal, pero, wala na siyang pakialam ang importante, ay tanggap na siya.
“Thank you Lord” ang bulong niya at nangilid pa ang luha sa kanyang mga mata.
Saka niya muling tiningnan ang nakasulat, may interview siya, three days from now, for formality at para na rin kausapin siya para sa project na maisasama siya. Oh God! May project siya agad! Ang kinikilig na sabi niya sa kanyang sarili.
Tumayo siya mula  sa kanyang kinauupuan, and she expelled a deep sigh of joy, kailangan niyang mag celebrate, she needed to celebrate, ang pagkatanggap niya sa kanyang dream job sa kanyang dream company, and also to celebrate the remaining days of her being Justinne May.
At naalala niya si Frances, agad niyang dinukot ang kanyang phone sa loob ng kanyang beltbag and she dialled Frances number.
“Frances hi! I’m in, tomorrow night? Saan?” ang masayang tanong niya sa kaibigan.


I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon