Chapter 41

1.3K 108 54
                                    

Nakatayo si Justinne sa harapan ng nakabukas na closet ni Justin. Mag-iisang oras na yata siyang nakatayo sa harapan ng nakabukas na lalagyan ng damit ng kanyang kapatid habang ang kanyang mga mata ay nakatitig sa linya ng mga damit na nakasabit sa closet ng kakambal.

Hindi siya makapag-desisyon kung anong isusuot niya, dahil hindi rin siya makapag-deisyon kung pupunta ba siya sa dinner na naisipan ng brilliant mind ni Brandon. Ang sinabi lang naman niya ay ayusin ang kung anumang lamat ang namuo sa pagitan nilang magkakapatid, pero bakit kailangan na idamay pa siya? Ang naguguluhan na tanong ni Justinne sa sarili.

Walang problema sa kanya ang humarap sa grupo ng kalalakihan sa site, na wala namang pakialam kung sino siya at hindi siya ha harap ng matagal sa mga mapanuring mga mata ng mga ito.

Pero iba na dinner na naisipan ni Brandon, she’ll be sitting with Brandon’s family sa isang dinner table habang nagpapanggap siya na maging isang lalaki sa harapan ng mga magulang at kapatid nito.

“Ano ba ito?” ang bulong niya sa kanyang sarili, bakit ba sa halip na nagtatayo siya ng tulay, ay nagtatayo siya ng relasyon sa pamilya ni Brandon? Wala sanang problema kung si Brandon ay nahulog kay Justinne May at kung hindi siya nagpapanggap baka siya, no, alam niya na siya na ang pinakamasayang babae sa mundo, dahil sa mahal siya ng lalaking mahal nito. Pero, hindi, si Brandon ay minamahal si Justin Rey, at gusto nitong ipakilala si Justin Rey sa pamilya nito.

Naalala niya ang  naging usapan nila ni Brandon kanina bago ito umalis ng kanilang bahay, ayaw talagang umalis nito hanggat hindi siya kasama, mukhang kinukutuban ito na wala siyang balak na pumunta.

“Justin hihintayin kita rito kahit gaano ka tagal, tatawagan ko na lang sina mommy na magpapa-dinner ako, magpapa-deliver na lang ako ng pagkain sa restaurant para sa dinner natin, basta gusto ko kasama na kita papunta sa bahay namin” ang pakiusap ni Brandon sa kanya.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago siya sumagot.

“Brandon, ganito” ang paunang sabi niya kay Brandon na nakatayo sa kanyang harapan na may umaasang mga mata na nakatingin sa kanya.

“Mauna ka na”-

Justin” ang mariin na tutol nito sa kanyang sinabi at parang batang bumagsak ang mga balikat nito at ngumuso pa ito sa kanya.

“Brandon tumigil ka nga” ang inis na sambit niya sa parang batang pagmamaktol ni Brandon sa kanya.

“Bakit ayaw mo kasing sumabay na sa akin?” ang mariin na tanong ni Brandon sa kanya.

“Marami pa akong gagawin, may mga aasikasuhin pa kami ni mommy, kaya susunod na lang ako” ang giit niya kay Brandon.

“Baka kasi di ka magpunta” ang alangan na sagot ni Brandon sa kanya at halata sa gwapong mukha nito ang pangamba.

Susunod ako” ang mariin na sagot niya kay Brandon.

“Sigurado ka?”, ang paninigurado na tanong ni Brandon sa kanya.

Oo” ang mariin na sagot niya kasabay ng pagtango pero di siya makatingin kay Brandon.

“Sunduin na lang kaya kita?” ang suhestiyon pa nito sa kanya.

Mabilis naman na umiling ang kanyang ulo, “hindi na, pangako susunod ako, ibigay mo na lang sa akin yung address ninyo, mag-book na lang ako ng ride” ang sagot niya kay Brandon na hindi muna agad sumagot sa sinabi niya, at matagal siyang tinitigan nito.

“Susunod ka talaga?” ang seryoso at umaasang tanong ni Brandon sa kanya na humaplos sa kanyang puso.

“Oo susunod ako Brandon” ang pangako niya rito.

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon