Chapter 28

1.3K 110 94
                                    

Laking pasalamat ni Justinne at nagsimula na ang pagtatayo ng kanilang proyekto ni Brandon m. At least kahit papaano ay nawawala ang tension sa kanila ni Brandon. Parang cable wires na kasi ang naging relasyon nilang dalawa na binanat ng husto at malapit nang mapigtal, simula nang maabutan siya nito sa bahay ni Lei, na wala naman silang ginawa ng “Babe” nito kundi ang kumain ng niluto nitong bicol express.
At nang habang nagsasalin si Lei ng ulam ay natapunan ng nagmamantikang sarsa nito ang suot na dress, kaya naman napilitan ito na magpalit muna ng robe habang kumakain sila.

She was so surprised and puzzled by Brandon’s actions, kung bakit halos sakalin siya nito sa galit, nang maabutan siya nito sa apartment ng babe number forgotten nito? Eh, samantalang ito pa ang nagbuyo sa kanya na i- check-in si Lei, tapos nang abutan siya nito sa apartment gusto siyang lagutan ng hininga? Sus! Lalaki nga naman sobrang laki ng EGO na ayaw madaplisan ng kahit kaunti.

Mabuti na lang at back to Aurora na sila at balik sa pagtatrabaho. Pero, kung bakit, parang binabakuran pa rin siya nitong Brandon na ito.

Ni hindi siya maiwan na mag-isa na nakikipag-usap sa mga crew at foreman habang nagbibigay siya ng instructions. Naalala niya dati, halos iwan siya nito sa pagmamadali sa paglalakad at di siya pinapansin, ngayon naman ay halos itali na siya ni Brandon sa bewang nito, at bukambibig pa nito ang, "engineer come here" , "engineer I need you here", ni hindi na siya maka-kilos ng mag-isa!

Threatened pa rin ba si Brandon ng presensiya niya? Ayaw pa rin ba nito na may ibang mag-take over sa project kaya gusto nito na, ito lamang ang nakikipag-usap o kung siya man ay laging kabuntot niya si Brandon, at sa kabila ba ng partnership nila ay wala pa rin itong tiwala sa kanya?

Huh, akala siguro ni Brandon na susulutin niya ang proyekto gaya ng pasulot kunwari niya sa babe nito. Napakakitid ng utak ang inis na sabi ng kanyang isipan.

Abala na sila ng araw na iyun sa paglalagay ng base ng kanilang tower. Pagkatapos na maabot nila ang tamang lalim ng hukay sa  lupa ay kanila nang ini-ready ang crane para sa paglalagay ng caissons.

They were busy giving orders and instructions sa foreman nang may tumawag ng kanilang atensyon sa kanilang likuran at sabay pa sila ni Brandon na napailingon sa pinanggalingan ng boses ng isang crew nila at nang makita nila kung sino ang kasama nito ay parehong nanlaki ang mga mata nila ni Brandon.

“Hi!” ang masayang bati ni Lei sa kanila at napansin niya ang bitbit na bag nito at isang malaking grocery bag na dala naman ng kanilang crew.

“Anong ginagawa niyan dito” ang tanong ni Brandon na hindi man lang bumuka ang bibig.

“Aba malay ko, ikaw ang boyfriend niyan di’ba?” ang tanong na sagot niya kay Brandon at hinintay nila na makalapit sa kanila si Lei at ang crew na naghatid dito.

“Thank you” ang magiliw na sabi ni Lei sa lalaking worker na ngumiti ng malapad kay Lei. Tahimik itong nagpaalam sa kanila bago parang bulkan na sumabog si Brandon.

“Sige na simulan nyo na” ang nagtitimpi na sabi ni Brandon sa foreman at sa ibang crew na kausap nila at pagkaalis ng mga ito ay siya namang angil ni Brandon kay Lei pero mabilis niya itong pinigilan. Hinawakan niya ang braso ni Brandon at napatingin sa kanya si Brandon at saka siya umiling. Ayaw niyang mapahiya si Lei. Alam niya na maganda ang intensyon ni Lei sa pagpunta sa lugar na iyon at siya ang may kasalanan dahil siya ang nagkwento kay Lei ng location nila.

Napabuntong-hininga si Brandon at naging guhit na lamang ang mga labi nito sa pagkakatiim.

“Lei, uhm, ang dami mong dala” ang saad niya rito at isang pilit na ngiti ang iginawad niya kay Lei.

“Pasensiya ka na ha, hindi ko kasi matiis na maghintay sa bahay kung kailan ulit ang balik mo, kaya, sinadya na kita, uh saan ko pwedeng ilagay itong mga dala ko?” ang tanong ni Lei.

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon