Chapter 25

1.3K 101 36
                                    

Nagulat man si Justinne sa  ibinulong ni Oakley na isang Scout Ranger ay pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili. Hindi siya dapat mag-alala, maaari lang dahil sa training nito ay malakas ang pakiramdam ni Oakley kaya nabisto nito ang pagpapanggap niya, alam niya na si Brandon ay hindi pa rin nakikita ang babae sa likod ni Justin. Dahil kung alam na nito, aya alam niyang magagalit ito ng husto sa kanya dahil sa ginawa niyang panloloko. At sa ipinapakita na ugali sa kanya ni Brandon, mukhang hindi pa nahuhubaran si Justin sa mga mata nito.

“Gutom ka na ba?” ang tanong ni Brandon sa kanya na pumutol sa  kanyang pag-iisip.

At ang mga mata niyang nakatuon sa labas ng bintana ng passenger side ay nabaling ang kanyang mga mata kay Brandon na nagmamaneho ng sasakyan nito.

Pagkatapos nilang makumpleto ang kanilang mga dapat na gawin sa construction site ay nagpasya na silang bumalik para maipakita ang bagong model nila at ang mga materyales na gagamitin. Sila na mismo ang kukuha ng mga kakailanganin nila at ang sabi nga ni Brandon na ilang araw lang ang hihinatyin nila, para makuha at makumpleto ang  materyales. Ang importante, ay makuha muna nila ang equipment na pambutas ng lupa at ang caissons na ibabaon sa ilalim ng lupa.

Kailangan muna nilang maitanim iyun para sa pinakapundasyon ng kanilang itatayo na tore na hahawak sa mga kable na ikokonekta sa mga deck.

“Uhm, medyo” ang sagot niya at ilang oras na rin kasi silang bumibiyahe at dahil sa tanghali na sila umalis sa site ay aabutan na sila ng dilim.

“Maghanap na muna tayo ng makakainan bago pa tuluyan na lumubog ang araw” ang sagot ni Brandon sa kanya.

“Oo sige” ang matipid na sagot niya kay Brandon at ilang minuto pa ang kanilang inilagak sa loob ng sasakyan nito bago sila nakahanap ng isang makakainan. Ipinarada ni Brandon ang sasakyan nito sa harapan ng isang two storey building na restaurant. Sabay silang lumabas ng sasakyan at naglakad papasok sa loob kung saan binati sila ng isa sa mga serbidor roon.

At pagkatapos ay nakita na lamang nila ang kanilang mga sarili na nakaupo sa pandalawahang lamesa, sa may balcony ng restaurant na may view ng mga bulubundukin at mga malalawak na palayan. Nakadagdag pa sa ganda ng paligid ang sinag ng araw na unti-unting nagiging kulay kahel ang sinag nito, tila ba senyales na maya-maya lamang ay magpapahinga na rin ito, para sa maghapon na pagbibigay sa kanila ng init at liwanag.

“Grabe ang ganda ng view rito” ang sambit niya habang nakatingin ang kanyang mga mata sa malawak na bukirin na hinahalikan ng nagtatalong kahel at dilaw na liwanag ng araw ang mga malagintong kulay ng bukirin na yumuyukod na sa lupa ang mga mabibigat na palay, na handa ng anihin.

At ang liwanag na humahalik sa malawak na kaparangan ay humahalik din sa kanyang buhok at mga pisngi.

Sinundan ng mga mata ni Brandon kung saan nakatuon ang atensyon ni Justin at bumungad nga sa kanya ang napakagandang tanawin ng kabukiran.

Hindi kayang tumbasan ng mga ipinintang litrato o kuha sa mga camera ang view na minamalas ng kanilang mga mata, ng mga sandali na iyun. Iba talaga ang kalikasan, kapag tunay mo itong nasaksihan, kaya nitong pigilan kahit ang iyong hininga, ang sabi ng isipan niya habang pinagmamasdan niya ang malawak na tanawin. Hindi na masakit sa mata ang liwanag ng araw, ang kulay bughaw na kalangitan na tinapunan ng mga kulay puti na kaulapan na tila pinahiran ng mga kulay kahel, dilaw, at rosas ang mga ito, mula sa sinag ng araw na nagbabadya nang magtago.

“Oo nga” ang sambit niya, at nang muli niyang ituon ang kanyang mga mata kay Justin ay tila ba nalunok niya ang kanyang hininga.

Ang malamlam na sinag ng araw na dumadampi sa buhok ni Justin, na nagbibigay ng malagintong repleksiyon sa bawat hibla ng buhok nito ay tila ba nang-eenganyo na kanyang suklayin ang buhok nito gamit ang kanyang mga daliri.

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon