Chapter 30

1.4K 94 47
                                    

Aminado si Brandon na pumalakpak ang kanyang mga tenga nang sabihin ni Justin na wala itong gusto sa kanyang ex- side chick babe na si Lei. Gumaan ang pakiramdam sa kanyang dibdib na tila ba may mabigat na nakadagan doon.

Hindi siya nakaramdam ng kaluwagan sa kanyang dibdib dahil sa nalaman niyang walang gusto si Justin kay Lei at dahil sa, may gusto pa rin siya kay Lei? NO! Hindi iyun ang dahilan, pero ang dahilan niya ay ang lubos na ikinababagabag ng kanyang isipan.

Oo magaan ang kanyang damdamin pero ang kanyang isipan ay mabigat pa rin ang isipin, lalo pa kapag inamin o tinanggap niya ang dahilan kung bakit, isang kaluwagaan sa kanyang dibdib ang narinig na sinabi ni Justin, ay nangangahulugan, na, siya ay nagbabago na nang kasarian?

No, no, not literally na nagkakaroon siya ng, woman’s sex organ pero, ang ibig niyang sabihin ay sa damdamin. Nagiging pusong babae na ba siya? Dahil sa nararamdaman niya para kay Justin? Ang natatakot niyang tanong sa kanyang sarili.

Naguguluhan ang kanyang isipan, pero, buhat nang bumalik sila sa Maynila at tumigil sila sa isang kainan sa daan pauwi, at makita niya ang imahe ni Justin na hinahalikan ng malamlam at ginintuan na sinag ng papalubog na araw ay nagbago na ang lahat sa kanya.

Hindi niya mawari kung paghanga ba ang nadarama niya kay Justin dahil sa angking talino nito? O paghanga dahil sa isa itong lalaki.

At iyun ang isipin na parang buto ng halaman na natanim sa kanyang puso at isipan.

Nang bumalik sila ng inuupahan na bahay pagkatapos ng maghapon na trabaho sa field though it was fulfilling on his part as an engineer, dahil mabilis ang progress ng construction, ay naramdaman na niya ang pagod ng isip at katawan sa maghapon, nang bumalik na sila sa bahay.

Marahil, iyun na rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng cease fire sa pagitan nila ni Lei, na mukhang nabasa rin ang pagod sa kanila ni Justin at tahimik din ito na inasikaso sila. Mukhang pati si Lei ay nakaramdam ng pagod sa bangayan nilang dalawa na, ngayon lang niya nakita sa babaeng, noon ay halos halikan ang mga paa niya, dahil sa lubos siyang sinasamba nito. Mukhang mabilis na nabura ni Justin ang pagtingin ni Lei sa kanya. It was okey for him tho, kaso nga lang, ang mga mata nila ni Lei ay parehong nakatuon sa iisang tao. Kay Justin.

Tahimik silang naghugas ng mga kamay ni Justin, habang si Lei ay naghain ng kanilang kakainin sa lamesa. Nilagang baka naman ang niluto nito, kasama ang paluto nila na pritong isda at ensaladang talong.

At marahil sa pagod at gutom ay halos maubos nila ang pagkain at nag-usap din sila sa harapan ng hapag. Napag-usapan nila ang mga nangyari sa construction kaya naman malayo ang topic kay Justin, at iyun na rin siguro ang dahilan kung bakit, payapa silang kumain ng kanilang hapunan.

Sa pagliligpit naman ng pinagkainan ay tinulungan nila si Lei, sila ni Justin ang naglipit at naglinis ng lamesa at ganun na rin sa pagwawalis ng loob ng bahay. Habang si Lei ang naghugas ng pinagkainan nila.

Nang oras na para maglinis ay, nagturuan pa sila ni Justin kung sino ang mauuna na gumamit ng banyo, at iyun ang ipinagtataka niyang lagi. Sa mga araw at gabi na nagkasama sila ni Justin sa bahay na iyun ay napansin niya na sa tuwing maliligo ito sa gabi, ito ang laging nagpapahuli at hinihintay pa na makapasok na siya sa loob ng kanyang silid, pero kung ano naman ang late nito na maligo sa gabi iyun naman ang aga ng paliligo nito sa umaga. Kung matatawag ba niyang umaga ang alas-tres o alas – kwatro ng madaling araw. Nahihiya ba ito na makita niya? Ang takang tanong ng isipan ni Brandon.

“Mauna ka na maligo Justin” ang sabi niya kay Justin na nakaupo sa may pang-isahan na upuang kawayan. Halata sa mukha nito ang pagod.

Tumingala ito sa kanya at kumurap-kurap ang mga mata nito sa likod ng salamin, tila ba pinipilit nitong ibuka ang talukap ng mga mata nito na mabibigat na.

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon