Chapter 22

1.2K 102 29
                                    

Galit na binuksan ni Justinne ng pinto ng inuupahan na bahay, ang tinutuluyan nilang dalawa ni Brandon. Galit niyang inalis ang sapatos at iniwan niya iyun sa labas ng pintuan. She was fuming with anger.

Bwisit na lalaki na iyun! Ang sigaw ng isipan niya. She knew that Brandon realised the situation, pero masyadong mataas ang ego nito para tumanggap ng pagkakamali, at kahit pa na, binalaan na siya ng ama nito at kahit pa nangako siya sa daddy nito na siya ang tipo ng tao na gagawin ang lahat para sa success ng proyekto ay hindi niya pa rin maiwasan ang hindi mag-walk-out, dahil na rin sa frustration niya. At para hindi siya magwala o maiyak sa galit sa harapan nito and give that Mr. High and Mighty the satisfaction of  seeing her humiliate herself, ay mas minabuti pa niya ang umalis na  lang at bumalik sa bahay para magpalipas ng galit.

“Bwisit na yun!” ang malakas na sabi niya sa kanyang sarili.

Tumalikod siya at sinuklay ng dalawang kamay niya ang kanyang magaspang na ulo dahil sa mga maninipis na buhok.

Isang inis na hininga ang pinakawalan niya at nagpamewang siya.

“Nakuuu, huh, sarap SAPAKIN! Para mabura ang yabang sa mukha ng bwis”-

“Pwede mo akong sapakin kung gusto mo”

Ang narinig niyang boses, at mabilis na pumihit ang kanyang katawan sa direksyon ng pintuan mula sa kanyang likuran at nakita niya si Brandon na nakatayo sa may harapan ng bukas na pintuan. Hindi nga pala niya iyun naisara dahil sa inis niya.

She didn’t apologise, and she only rolled her eyes at him at mabilis siyang humakbang papasok ng kanyang kwarto at agad niyang isinara ang pinto, inilusot niya ang hook sa eye nito at galit na naupo siya sa katre  na lumangitngit nang pabagsak siyang naupo kasabay ng paghalukipkip ng kanyang mga braso at galit niyang tiningnan ang nakapinid na pinto.

At bigla siyang nagitla, nang may kumatok sa labas ng pintuan. At hindi lang iyun ang ikinagulat niya na may kumatok, kundi ang marahan na pagkatok nito. She was expecting na, he would somehow, bang his fist hard on the thin plywood of a door hanggang sa mawasak ang pinto dahil sa galit nito sa kanya nang marinig ang kanyang sinabi.

Sa ego nito, alam niya na hindi nito matatanggap ang kanyang sinabi. At Nagpatuloy ang marahan na pagkatok nito, but that time, narinig na niya ang pagbanggit nito sa kanyang pangalan.

“Justin?” ang pagtawag nito sa labas.

Kunot ang noo na nakatingin siya sa nakapinid na pinto at umirap lang siya at ngumuso. Pero mukhang, katulad niya, ay hindi rin ito susuko ng mga sandali na iyun, dahil nagpatuloy ang pagkatok nito.

“Engineer Justin Rey Santillana, will you please open the door?” ang muling paki usap nito.

“PLEASE” ang sambit nito.

Bumagsak ang kanyang mga balikat at inalis niya ang mga braso na naka-ekis sa kanyang dibdib, saka siya tumayo at naglakad palapit sa may pintuan, iniangat niya ang hook at saka hinila ang pinto.

“Ano?” ang galit niyang tanong kay Brandon na kahit pa galit siya rito ay hindi pumapalya na pabilisin nito ang tibok ng kanyang puso sa tuwing masisilayan ito ng kanyang mga mata. Nakahilig ang kaliwang braso nito sa may hamba ng pintuan at nakatungo ito na tumingin sa kanya.

“Pwede ba.. Tayo na mag-usap?” ang tanong nito sa kanya at umiwas ito ng tingin sa kanyang mga mata. Mukhang hindi ito sanay na, makiusap.

“Nag-uusap na tayo” ang pilosopong sagot niya at sa pagtiim ng mga labi nito alam niya na, talagang sinusukat at hinahamon niya ang pasensiya nito.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito sabay yuko at nagpamewang ito.

“Please, I just.” He sighed, “I just wanted to talk to you, tungkol kanina” ang seryoso na sagot nito sa kanya at humanga siya sa pinakita nitong self control, kahit pa alam niyang gigil na gigil na ito  sa kanya.

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon