Chapter 5

1.7K 99 19
                                    

It took two days for Justinne to perfect her plan, she had to make a 3D image of the bridge na isasubmit niya together with the descriptions. Lahat nakahanda na, maliban na lang sa kanyang resume and other credentials. Somehow may agam-agam siya. Ang kanyang isipan ay gumugulo sa kanya ng mga sandali na iyun. Her enthusiasm dissolved the moment na kailangan na niyang gumawa ng kanyang resume. Ang mga katanungan at agam-agam ay isa-isa nang sagsulputan sa kanyang isipan na tila ba binubuyo siya. She has the perfect plan, ang wala na lang siya ay ang perfect resume, she have a perfect credentials pero wala siyang perfect na gender para sa inaaplayan niya na trabaho. Bigla kasi siyang nakaramdam ng takot or kaba sa dibdib na baka, hindi na naman siya matanggap, at kapag nangyari iyun, she would be devastated. Though natanggap naman siya sa mga inaplayan niya ay hindi naman sa trabaho na gusto niya.
Napabuntong-hininga siya, ito ang kanyang dream job sa kanyang dream company, hindi taon-taon ay naghahanap ng mga bagong engineers ang Burke Construction dahil na rin sa ang mga anak ng pamosong engineer Lewis Burke ay puro engineer. Kaya naman ang paghahanap ng bagong inhinyero at kahit pa hindi eksperyensado ay handang tanggapin ng kumpanya, kaya naman, kapag hindi niya nakuha ang trabaho na iyun, baka magpakamatay na lang siya, she thought to herself feeling frustrated. Dahil sa mga nakaraang nangyari sa mga inaplayan niya ay nagkarun siya ng uncertainty sa kanyang sarili. Pakiramdam niya kasi na mayron pa rin talagang gender inequality lalo na sa larangan na kanyang kinabibilangan. At pagkatapos nga ng mga failed application niya nitong mga nakaraan na linggo, ay nagkaroon na naman siya ng pagdadalawang-isip.
Inis na inalis niya ang kanyang salamin sa mata, and she pressed her palms on her eyes. Saka siya nagpakawala ng malalim na hininga. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa kanyang silya na nakaharap sa kanyang working table, she stretched her arms at naglakad siya palapit sa bintana at hinawi niya ang kurtina na nakatabing roon, saka siya tumanaw sa mga kaganapan sa kanilang neighborhood.
Dito na siya lumaki, dito na sila lumaki ng kanyang kakambal na si Justin, dito na nabuo ang kanilang mga pangarap ng kanyang kakambal na si Justin na hindi lang niya kakambal, kundi ang natatanging kaibigan niya dahil silang dalawa lamang ang nakakaintindi sa isa’t isa.
She thought of her dad, na miss niya ngayon ang mga encouraging at wise words nito sa kanya sa tuwing nakaka ramdam siya ng kawalan ng pag-asa lalo pa noong nag-aaral pa lamang siya. Gusto niyang marinig ang mababa ng boses nito, na laging malumanay na magsalita sa kanilang magkapatid, ano kayang sasabihin ng kanyang daddy sa kanya ngayong, nakakaramdam siya ng uncertainty? Ang tanong niya sa sarili.
Naalala rin niya ang kakambal niya na si Justin, sa tuwing, ito rin ang naging sandigan at sandal an niya, lalo na nga mga panahon na kamamatay lang ng kanyang daddy. She was do devastated, at si Justin ang humila sa kanya pabalik mula sa kalungkutan na kanyang kinasadlakan. She missed him, lalo na ngayon na may mga gam-agam siyang nadarama. Kahit pa halos araw-araw silang nag-uusap ay iba pa rin yun nararamdaman mo ang pisikal na presensiya nito.
Naalala niya ang box nilang dalawang magkapatid. Pumihit ang kanyang katawan para tingnan ang ang ibabaw ng kanyang closet kung saan naroon ang maliit na kahon na ginawa nila ni Justin. Naglakad siya palapit sa closet and she raised her hands to reached for the box, that was placed on top of her closet.
Pagkakuha niya ng kahon ay isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. Naupos siya sa gitna ng kanyang kama at habang pinagmamasdan ang makulay na kahon na ginawa nila noong sampung taong gulang palang silang dalawa ni Justin.
Ginawa nila  iyun, nang mabully si Justin sa school nila dahil nga sa pagiging malamya nito at noon pa lang ay nakitaan na ng pagiging puso na babae. Siya ang naging tagapagtanggol ni Justin at siya ang nakipagsapakan sa mga lalaking nambully dito. Umuwi siya sa bahay na puro sugat ang kanyang mga kamay at kinabukasan ay ipinatawag ang mga magulang nila sa school.
Napagalitan sila noon ng kanyang mommy at grounded silang pareho, pero nang dahil sa nangyari na iyun ay mas naging mas malapit silang dalawa ni Justin at nangako sila na ipagtatanggol nila ang isa’t isa. At nagsimula nilang gawin ang kahon na iyun, doon nila inilalagay ni Justin ang mga bagay na kailangan na nilang i- let go.
Binuksan niya ang kahon, iba-ibang bagay ang nasa loob niyun, ang paborito niyang bracelet, ang picture ng crush ni Justin noong high school sila, may mga cards at mga sulat ni Justin para sana sa crush nito. At ang huling nilet-go ni Justin ay ang litrato nito, nang magtapat na siya sa mga magulang niya na isa siyang gay. He let go of his old self and embraced the new Justin.
Tiningnan niya ang dinampot niya ang luma nitong litrato at kanyang iniangat niya iyun, to level with her eyes. Mabuti pa si Justin, he was living the life the way he wanted to kasama ang partner nito sa Germany.
Justinne sighed, she envied Justin, mabuti pa ang kapatid niya, namumuhay sa paraang gusto nito. Isang lalaki na may pusong babae, habang siya?
Tinitigan niya ang litrato ni Justin, kamukhang- kamukha niya talaga si Justin, siguro nga kung magpagupit lang siya ng buhok at magbihis lalaki ay mapagkakamalan siyang si Justin. Bakit ba kasi di na lang  siya naging lalaki?! Ang inis na tanong ni Justinne sa sarili. And then it hit her!
Tinitigan niyang muli ang litrato ni Justin na hawak ng kanyang kamay, of course! Ang excited na sabi niya sa kanyang sarili at naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.
Kung si Justin ay namuhay bilang babae, bakit siya ay hindi pwedeng mamuhay bilang lalaki? Of course! They were so identical! Hihiramin niya ang katauhan ng kakambal at mamumuhay siya sa katauhan ng kanyang kakambal. Gagamitin niya ang katauhan ni Justin Rey Santillana. Yes the idea was ridiculous but feasible. Nasa ibang bansa si Justin, so the chance of being caught would be fifty percent, the possibility of being caught was still high, but she has that fifty percent na pwede siyang makalusot, kakailanganin lang niyang mag-ingat ng todo.
She got excited, naalala niya ang mga papeles ng kanyang kapatid na naipon dito sa bahay nila at iniwan na nito dahil sa tingin ni Justin na hindi na nito kakailanganin. Agad siyang tumayo at tumakbo siya sa kabilang kwarto, sa dating silid ni Justin. Itinulak niya ang pinto at mabilis ang mga hakbang niya papasok sa loob at agad niyang hinila ang isang drawer. Siya ang nag-ayos ng gamit ng kakambal kaya naman alam niya na kumpleto ang mga naiwan nito. Puro mga scanned documents lang ang ipinadala ni Justin sa inaplayan nitong trabaho sa Germany kaya naman iniwan na nito ang mga papeles sa kanya, dahil nga sa, may tendency ang kakambal na maiwala ang mga iyun, dahil na rin sa pagiging disorganised nito, na mukhang pareho nilang ugali. At iyun ang pilit niyang binabago lalo pa at young adult na siya.
Inilabas niya ang isang plastic envelope mula sa wooden drawers. At naupo siya sa dating kama ni Justin. She open the flap and pulled out several papers. Ang diploma nito, ang transcript, birth certificate, postal ID na next year pa mag expired, at ang NBI clearance nito na multipurpose. Naalala niya nang dalawang beses na kumuha ng NBI clearance ang kanyang kakambal, dahil inakala nito na nawala na ang unang kinuha nito na clearance dahil nga sa pagiging makakalimutin nito at makalat sa gamit. Pero nang papaalis na ito, two months ago, habang nag-iimpake si Justin ng mga damit nito, ay nahanap nila ang nawawalang NBI clearance nito na nakaipit sa isang lumang folder. Napakaswerte talaga niya ng mga sandali na iyun! Dahil sa one year ang expiration nito at kakukuha lang ni Justin four months ago ay magagamit pa niya ang hawak na NBI clearance.
At laking pasalamat pa talaga niya dahil sa parehong kurso ang kinuha nila ni Justin. Mukhang magandang senyales ito para sa kanya! Ang masayang sabi niya sa sarili. Umaayon kasi ang lahat para sa kanya ng mga sandali na iyun. Ang kailangan na lang niya, ay ang makausap si Justin, para sabihin ang kanyang plano. Muli niyang ibinalik ang mga papeles sa loob ng envelope at mabilis siyang lumabas ng silid ng kakambal.
What are the odds, na lahat ng pagkakakilanlan ni Justin ay iniwan nito, at ang ID at NBI clearance nito ay naiwan at next year pa ang expiration. Madali nalang niyang gawan ng paraan ang renewal ng NBI niya, ang importante muna ay makalusot siya sa papasukan  niya. She’s confident na ang idinisenyo niyang tulay would get noticed, ang tanging agam-agam niya ay baka hindi siya mapansin dahil sa gender niya. She’ll face the consequences later, ang importante ay matanggap na muna siya. Napakarami ng tao na gumagawa nito, ang iba ay nakakalusot naman, at ang iba ay nabubuko kapag ang taong ninakawan which is hindi naman mangyayari sa kanya dahil hihingin niya ang consent ng kakambal, so hindi ito magrereklamo, kaya malaki ang tsansa na makalusot siya.
Justinne got super excited, pagbalik niya sa kanyang kwarto ay agad siyang nagmessage sa kapatid.
“Call me ASAP” ang malakas na sabi niya sa sarili habang pinipindot ang mga letra sa screen ng kanyang phone. Napabuntong-hininga siya, it was only nine in the morning, nang tingnan niya ang wall clock, na nakasabit sa dingding sa itaas ng kanyang working table, ibig sabihin mga one or two pa lang ng madaling-araw sa Germany. Baka natutulog pa ito, oh, sigurado na natutulog pa lang ito, ang sabi niya sa sarili. Nahiga na lamang siya sa kanyang kama at doon ay nagpalipas siya ng oras ng kanyang paghihintay. At halos di siya mapakali sa kahihintay na sagutin o tawagan siya ng kanyang kakambal.

Lahat yata ng pampalipas oras ay ginawa na ni Justinne, pero parang hindi man lang gumagalaw ang relo. Ang tagal na niyang naghihintay pero wala pa ring sagot ang kanyang kakambal. She already sent dozens of messages na nakasulat ay "call me please ASAP".
Maya-maya ay kinatok ng kanyang mommy ang pinto ng kanyang kwarto at pumasok ito sa loob. Bihira naman kasi siyang mag lock ng pinto maliban na lamang kapag matutulog siya.
“Anak, may mga orders ako, ideliver mo na, heto ang address, C.O.D. lahat yun, mga limang boxes, dalawang customer” ang utos ng mommy niya sa kanya. Siya ang taga-deliver ng mga orders sa online business ng kanyang mommy na Sweet Tooth, kung saan ay may mga umoorder sa kanya online ng mga cupcakes and bars. Matagal ng business ito ng mommy niya, na nagsimula para mabawasan ang lungkot nito noong nawala ang daddy nila at hanggang sa kumikita na ang mommy nila at mula sa pampalipas ng oras ay naging negosyo na ito ng tuluyan ng kanyang mommy. At siya naman ay may porsyento na ibinibigay sa kanya ang kanyang mommy para sa pagdeliver niya ng goods kaya kahit papaano ay kumikita siya.
Tumayo na siya mula sa pagkakahiga, and she welcomed the task at hand, at kahit papaano ay makakapagpalipas siya ng oras. Pero, nakapagdeliver na siya at pagbalik nga niya mula sa paghahatid ng mga orders ay napansin niya na halos dalawang oras pa lang ang nakalipas. Kaya naman nagpasya na lang siya na bumalik muli sa kanyang silid para doon na lang muli na maghintay.
Pati sana ang isang buwan nang karelasyon ni Justin, na si Wilhelm ay kokontakin na sana niya kung di lang niya napigilan ang sarili. Siguradong pagagalitan siya ni Justin at baka di pa pumayag ito sa gusto niyang mangyari. Kaya nanatili na lang siyang nakahiga sa kanyang kama at naghintay.
******

Hindi makapaniwala si Justinne, she just received an email, telling her that she got her dream job at kailangan na niyang magreport agad sa opisina. Hindi niya akalain na hindi na pala niya kailangan na mag-disguise na isang lalaki. Probably, they have seen her potential beyond her looks and her, being a woman. She was so ecstatic! And excited! Isang regalo mula sa langit ang trabaho na iyun sa kanya. Her patience has finally paid off!
And because it was her first day, kailangan niyang magpaimpress sa kanyang boss. Kahit pa hindi niya gawain ang magpaganda at ayos na sa kanya ang tamang presentable ang kanyang hitsura. Sa mga sandali na iyun, ay, binali niya ang kanyang habit. She would take extra effort para magmukha siyang maganda sa mga mata ng kanyang boss.
She wore her new business suit, na magkaternong slim suit jacket at pencil cut skirt na parehong kulay navy blue. Isang kulay dilaw na jersey sleeveless top ang ipinang-ilalim niya. At kung dati ay naka neat bun ang kanyang buhok, she dicided to wear her hair up, but into a neat and tight ponytail. At nag-extra effort siya sa paglalagay ng make-up sa mukha, though hindi ganun kakapal ay kita pa rin ang coral coloured cheek and lips niya. She let her eyelids bare, pero, bumawi siya sa curl lash at mascara. And instead of wearing her prescriptive glasses na kailangan niya kapag nagbabasa siya at gumagamit ng computer, she wore contact lenses instead.
Kung dati ay hindi niya gustong mag-mukhang maganda, today she wanted to look gorgeous sa mata ng matandang founder ng Burke Construction Company, she wanted to make a good impression.

Feeling elated and positive she walked towards the Burke's Construction Company on a winged feet. She saw the main office of the chairman, she tried to composed herself, before knocking three times at the door.
“Com’in” ang sagot mula sa loob and she pushed open the door. And her eyeballs almost popped out from her eyesockets, and she was surprised to see the old Lewis Burke, the founder of the company, lying on a bed naked, and smiling widely at her.
“Come here baby” ang nakangising tawag nito sa kanya. And a scream, went out of her sexy lips.



I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon