Chapter 44

1.3K 96 23
                                    

Nanlaki ang mga mata ni Justinne at nanlamig ang buo niyang katawan, nang makita niya ang kanilang foreman na nakatayo sa tabi ng jeep at nakamalag ito sa kanila. Itinulak niya papalayo si Brandon at umayos siya ng upo. Parang mga paa ng kabayo ang kanyang puso sa loob ng kanyang dibdib, na anumang oras ay lalabas na sa kanyang dibdib, dahil sa kaba na nadama niya dahil sa pagkakahuli sa kanila ng kanilang foreman. Nakita pa niya na ilang beses pa itong kumurap-kurap sa kanila bago ito umiwas ng tingin at patay-malisya na nagsalita.

Narinig niya na malakas na nilinaw ni Brandon ang lalamunan nito bago ito nagsalita.

“Uh, bakit Dennis?”, ang tanong ni Brandon sa foreman na hindi mapakali kung anong tayo ang gagawin nito habang nakatayo sa labas ng sasakyan.

“Uh, ehem, sir, uh, dumating na po yung mga gagamitin para sa decks sir, magsisimula na po kami bukas”, ang sagot nito kay Brandon.

“Okey, tapos doon na kami sa kabila bukas para sa tower”, ang sagot ni Brandon dito.

“Uh, s-sige sir, engineer Santillana”, ang pagpapaalam nito sa kanila bago mabilis na pumihit ang katawan nito para maglakad papalayo sa kanila. At nang makalayo na ito ay saka niya malakas ibinuga ang hininga na kanina pa niya pinipigilan.

“Yan na sinasabi ko Brandon!”, ang sabi niya kay Brandon at lubos ang pag-aalala niya dahil sa nahuli sila ng foreman sa akong halos dikit na ang kanilang mga labi.

“Ano bang problema?”, ang kunot noo na tanong ni Brandon sa kanya na mas ikinainis niya.

“Huwag ka ngang magmaang-maangan”, ang inis na sagot niya rito, isang buntong-hininga na may pagkainis ang pinakawalan niya at mabilis siyang bumaba sa jeep para maglakad pabalik sa bahay na kanilang inuupahan.

“Justin”, ang habol na pagtawag ni Brandon sa kanyang pangalan pero hindi siya lumingon dito. Labis ang inis na kanyang nadarama para kay Brandon at para sa kanyang sarili. They were both careless, at ang napagkasunduan na isikreto muna o maging discreet muna sa relasyon na mayron sila ay nnabalewala nang dahil sa isang halik.

Ano na lamang ang sasabihin ng foreman na nakakita sa kanila? Paano kung kumalat ang tungkol sa senaryo na nakita nito  kanina? Ang mga agam-agam na tanong ni Justinne sa kanyang isipan, habang inilulusot niya ang susi sa kandado ng pinto ng bahay, at doon na siya inabutan ni Brandon.

“Justin”, ang mahinang sabi nito sa kanyang pangalan pero hindi siya sumagot hanggang sa tuluyan na niyang mabuksan ang lock at itinulak na niya ang pinto ng bahay saka siya mabilis na pumasok sa loob.

At muli siyang hinawakan ni Brandon sa kanyang bisig para pigilan siya at wala na siyang nagawa kundi ang huminto at tumayo sa gitna ng bahay sa pagitan ng salas at ng kusina.

“I’m sorry sa nangyari”, ang paghingi ni Brandon ng paumanhin sa kanya at mula sa kanyang likuran ay humakbang ito sa kanyang harapan saka napunta ang mga kamay nito sa magkabila niyang mga balikat at pilit na hinanap ng mga mata nito ang kanyang mga mata up ang magtama at mangusap ang mga iyun.

“Justin I’m sorry for my carelessness”, ang sinsero na paghingi nito ng paumanhin sa kanya.

“Please look at me Justin”, ang sumamo nito at unti-unting umangat ang kanyang mga mata para tingnan ng diretso sa mga mata nito si Brandon.

“What will happen now?”, ang alala na tanong niya kay Brandon at muling umiwas siya ng tingin kay Brandon na sa kabila ng inis na ipinapakita niya rito ay mahinahon at mapagpasensiya pa rin ito sa kanya. At ang mga mata nito ay naghuhumiyaw pa rin ng labis na pagmamahal sa kanya.

Pero, labis ang pag-aalala niya hindi niya alam kung anong magiging consequence ng kanilang relasyon ni Brandon siya bilang isang lalaki.

“We will  continue with what we’ve started”, ang giit ni Brandon sa kanya at muling gumalaw ang ulo nito para hanapin ang kanyang mga mata na iniiwas niya rito.

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon