Chapter 9

1.4K 99 19
                                    

“Justinne” ang bungad na pagbanggit  ng kanyang mommy sa kanyang pangalan, pagbukas nito ng pinto
Nanatili pa rin siyang nakahiga at nakapikit sa kabila nang pagtawag ng pangalan niya ng kanyang mommy.
“Justinne” ang mas malakas at mas mariin na pagbanggit ng kanyang mommy sa kanyang pangalan pero nananatili pa rin siyang nakahiga at hindi gumagalaw. Dinig niya ang pagtawag ng kanyang mommy pero antok na antok pa rin siya.
“Justinne” ang pag-uulit nitong pagbanggit sa kanyang pangalan at sa tingin niya na lumapit na ito sa tabi ng kanyang kama dahil na rin sa mas malapit na ang boses nito.
“Uhh” ang tanging sagot niya sa kanyang mommy, at nanatili pa rin siyang nakadapa sa ibabaw ng kanyang kama.
“Justinne May!” ang malakas nang pagtawag nito sa kanya, at napilitan na niyang idilat ang kanyang mga mata.
“Bumangon ka na nga riyan aba! Tanghali na, alas nuebe na ng umaga” ang inis na sabi sa kanya ng kanyang mommy, na nakatayo sa may paanan ng kanyang kama at nakapamewang ang mga kamay nito.
“mom, ngayon lang ako tinanghali ng gising” ang angal niya sa kanyang mommy at tinakpan pa niya ang kanyang ulo ng unan, para sana ituloy ang kanyang pagtulog.
“Bumangon ka na, ideliver mo muna yung mga orders sa akin, tapos mamili ka na rin ng mga kakailanganin ko Justinne May at may mga humabol na orders sa akin kagabi, kinulang yung nasa pantry na stocks ko, sige na” ang pagsuyo ng kanyang mommy sa kanya at hindi na boses na galit ang ginamit nito sa kanya, kundi ang mas effective na malambing na boses nito.
Kaya naman mas napalakas ang pag-ungol niya na pagpapakita niya ng pag-angal sa kagustuhan nito ngunit wala siyang magawa kundi ang sumunod.
Naramdaman niyang marahan na bumaba ang tagiliran ng kanyang kama sa kanyang kanan na bahagi at batid niyang naupo ang kanyang mommy sa kanyang tabi. At hindi nga siya nagkamali, dahil sa, maya-maya lamang ay naramdaman na niya ang kamay nito na humahaplos sa kanyang likod at sa kanyang mahabang buhok.
“Sige na anak” ang malambing na sabi nito sa kanya, “naghanda na ako ng almusal natin, paborito mo, tapsilog, yung tuyo ang baka at walang sauce, may atsara pang kasama” ang pagtatakam nito sa kanya.
“Uhhh, mooom” ang angal niya pero alam niyang panalo na ang kanyang mommy sa sandali na iyun, dahil sa, hindi naman talaga ito na tatalo, kapag ginamit na nito sa kanila ang paglalambing nito.
Naramdaman niya ang banayad na paghalik nito sa ibabaw ng kanyang ulo, at muli nitong hinimas ang kanyang mahabang buhok.
“Hintayin na kita sa baba, maligo ka na, bumili pala ako online ng pang-brew na kape, sagada raw, mukhang masarap at matagal na rin nating di nagagamit ang coffee maker at panay ang instant natin na kape kaya, bumili ako at alam ko naman paborito mo ang kape” ang sabi pa ng mommy niya sa kanya at alam na niya na nanalo na ang mommy niya. Hindi lang paglalambing ang ginawa nito, kundi pati na rin ang pag-bribe nito ng mga paborito niya.
“Okey-okey! Mom!” ang sagot niya sa kanyang mommy at itinulak niya ang kanyang sarili para bumangon siya mula sa kanyang pagkakadapa at sinuportahan niya ang sarili gamit ang kanyang mga braso.
Pinihit niya ang kanyang katawan para makaupo siya sakay nya hinawi ang kanyang buhok na tumatakip sa kanyang mukha. At with her still, sleepy and half-opened eyes ay sinundan niya ng tingin ang kanyang mommy na palabas na ng pintuan ng kanyang kwarto.
Napabuntong-hininga siya, hindi naman siya madalas na magising ng tanghali na, pero dahil sa excitement kahapon ay mukhang na-drain ang lahat ng energy niya. Nakuha na kasi niya ang kanyang pina-customised na corset-like contraption o binder na pinasadya niya sa Bewitched, tatlong araw na ang lumipas at talaga namang on time ito. Sulit ang extra na binayad niya para sa rush ng kanyang garment dahil sa nang isukat na niya at ipina ilalim niya sa suot niyang maluwag na t-shirt ni Justin, ay halos na itago na nito ang umbok ng kanyang dibdib.
Nag-suggest pa sa kanya si Nikita, na para  sa extra na pag-flatten ng kanyang dibdib, ay pwede niya munang balut ang ng benda ang kanyang boobies, bago nya lagyan ng corset. At sa sobrang galak niya ay agad niyang kinontak si Justin para ibalita ang tungkol sa corset niya at pagpapainject niya ng pills.
Napuyat na nga siya dahil sa mahabang kwentuhan nila ng kanyang kakambal, na sobra ang excitement na nadarama para sa kanya, at, mukhang ang ikinatuwa pa nito ay nang malaman nito na nagpa-inject na siya.
Pinayuhan na siya nito na magpa WASAK at di naman na siya mabubuntis, nawindang siya sa kanyang kakambal nang sabihan siya nito. Pero, wala pa sa isipan niya ang sinasabi ng kanyang kapatid, hindi lang dahil sa conservative siya, at hindi ein dahil sa paniniwala na ang virginity ay para sa mapapangasawa mo lang, kundi dahil sa wala pa siyang nameet na lalaki, na magpaparamdam sa kanya ng desire o magpapataas ng kanyang libido, at sa kanyang tinatahak ng mga panahon na iyun, ay mukhang, malabo at matatagalan pa iyun na mangyari, dahil sa magpapanggap na siyang lalaki.
Wala na siyang nagawa kundi ang bumangon, naghikab pa  siya at nag-inat bago niya inilapag ang mga paa at inilapat ang kanyang talampakan sa sahig.
Kinamot pa niya ang kanyang tiyan at muling nanlaki ang kanyang bibig sa paghikab. Kinuha na niya ang kanyang tuwalya at pumasok na siya sa loob ng adjacent toilet and bath nila ni Justin. Hinubad niya ang suot na pantulog at saka niya binuksan ang shower.
“Ahhh!” ang tili niya, nang bumagsak na sa kanyang katawan ang malamig na tubig mula sa shower. Bakit ba kasi walang heater ang shower nila eh, ang ngitngit niya sa sarili.
Agad niyang pinatay ang shower, para magshampoo at magsabon ng katawan, hindi  naman siya katulad ng ibang babaeng in aabot ng ilang minuto sa paliligo, basta nagawa na niya ang kanyang morning rituals ay halos thirty minutes lang ang kailangan niya para maihanda niya ang kanyang sarili.
Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na siya, at dahil sa magdedeliver lang naman siya, at mamimili kaya ang nakagawian niyang t-shirt at shorts na tinernuhan ng chucks ang isinuot niya. Saka siya bumaba ng bahay para mag-almusal at gawin ang ipinapagawa ng kanyang mommy.

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon