Chapter 40

1.4K 103 36
                                    

Iba ang pakiramdam ni Brandon ng mga sandali na iyun habang ibinubuhos niya ang kanyang saloobin kay Justin. Kakaiba talaga si Justin sa kanya, dahil, dito lang niya nabuksan ang nilalaman ng kanyang puso.
Parang dam ang kanyang damdamin na naipon ang mga emosyon na ngayon lang niya napakawalan, at dumaloy ang mga iyun, habang si Justin ang sumalo ng kanyang emosyon at buong puso siyang pinakinggan.

At laking pasalamat niya dahil, nabuksan niya ang kanyang saloobin kay Justin, dahil, sa tulong nito, ay naliwanagan ang isipan niya. Tila ba si Justin lang ang hinihintay niya na hahawi ng mga makakapal na ulap na bumabalot sa kanyang puso sa isipan. Si Justin nga ang liwanag sa kanyang buhay ng sandali na iyun.

Pinagmasdan niya ito, mula sa malamlam na liwanag na mula sa kandila. Kung paanong nagrereflect ang liwanag sa mga mata nito. Kung paanong halikan ng kulay kahel at dilaw na liwanag na ilaw ang mga pisngi nito.
Oo nga at may pagkakahawig ito kay May, pero, hindi niya minahal si Justin dahil sa kamukha nito si May. Attracted siya kay May, hindi niya ikakaila iyun, pero kay Justin? Minahal niya si Justin dahil sa buong pagkatao nito sa kabila ng pagkakapareho ng kanilang kasarian.

At mas lalo pa niya itong minahal nang buksan niya ang kanyang sarili at mataimtim itong nakinig sa kanya at pinaliwanagan nito ang kanyang sarado at magulo na isipan.

At dahil sa payo ni Justin to make-up with his brothers ay may naisip siya ng sandali na iyun, ang isang family dinner at isasama niya si Justin. Alam niya na hindi pa iyun ang oras para umamin sa mga pamilya niya dahil sa hindi pa naman sinasagot ni Justin ang pagmamahal niya rito, at ayaw naman niya maipit si Justin sa isang sitwasyon na ayaw nito, kaya naman, ipakikilala muna niya si Justin sa pamilya bilang isang partner sa proyekto at kaibigan.

“A-anong makilala ng family mo?” ang gulat na tanong sa kanya ni Justin at halata sa mukha nito ang kaba nang marinig ang kanyang sinabi.

“Oo, I was planning a family dinner bukas, isasama kita para makilala ka ng family” ang masayang sabi niya kay Justin na mas lalong nag-mukhang kabado.

“A-ayoko nga saka, kilala na naman ako ni Sir Lewis, hindi mo na ako kailangan na ipakilala pa” ang sagot nito sa kanya.

“Oo kilala ka ng daddy pero, hindi ka kilala ng mga kapatid ko at ni mommy, sige na please?” ang pagmamakaawa niya rito.

“Tsk Brandon” ang kunot noo na sambit nito ng kanyang pangalan at inilapag nito ang hawak na beer.

“Sige na, luluhod ako rito, luluhod ako sa harapan mo” ang sabi niya rito at itinuro niya ang sahig.

“Huwag mong gawin yan” ang banta ni Justin sa kanya at itinuro pa nito sa kanya ang hintuturo nito sa kanya.

Pero balewala sa kanya iyun, inilapag niya ang lata ng beer sa lamesa at hindi na siya tumayo pa at mula sa pagkakaupo ay diretsong lumapat ang kanyang mga tuhod sa sahig ng salas at lumuhod siya sa harapan ni Justin.

“Brandon ano ba” ang gulat na sambit nito sa kanya at pinanlakihan siya nito ng mga mata habang nakayuko ito sa kanya.

Pinagdaop niya ang kanyang mga kamay na tila ba nananalangin siya sa harapan ni Justin, na umiwas sa kanya.

“Please, please, pleeeeeeeease” ang sambit niya kay Justin at ang mga magkadaop na kamay niya ay inilagay niya sa ilalim ng kanyang baba at kumurap-kurap ang kanyang mga pilikmata habang nanulis ang kanyang mga nguso.

“Pero Brandon” ang alangan pa rin na sagot sa kanya ni Justin at kumunot ang noo at kilay nito.

“Ipagpapaalam kita sa mommy mo” ang giit ni Brandon, “kapag pumayag si tita, sasama ka sa akin bukas para sa dinner” ang dugtong pa niya.

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon