Chapter 16

1.5K 101 13
                                    

“Mahabaging Diyos!” ang hiyaw ng mommy ni Justinne, napahawak pa ang mga kamay nito sa dibdib dahil sa gulat nang paglingon nito ay nakatayo siya sa likuran nito.
“Justin? Justin Rey?” ang pagbanggit nito sa pangalan ng kapatid.
“A- anong ginagawa mo rito? Kailan ka umuwi?”  ang gulat at taka na tanong ng mommy niya sa kanya.
“Mom, ako ito si Justinne May” ang mariin na sagot niya sa kanyang mommy na mas lalong lumaki ang pagkakabuka ng bibig nito at ang pagkakamulat ng mga gulat nitong mga mata.
“Juntinne May?” ang taka nitong tanong sa kanya at ang mga gulat nitong mga mata ay pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa niya at pabalik sa kanyang mukha.
“A- anong pumasok sa isipan mo at nakaganyan ka?!” ang tanong nito sa kanya.
“Mom”ang sambit  niya.
“Kaya ba hindi ka nagpapaligaw ?” ang muling tanong nito sa kanya.
Umiling ang kanyang ulo, bago muling nagsalita.
“Mom”-
“Diyos ko, ang anak kong lalaki ay naging babae, ang anak ko naman na babae ay naging lalaki” ang nagdadalmhati na sabi ng kanyang mommy at tinakpan nito ang bibig ng mga kamay nito.
“Nagkapalit yata kayo ng kasarian ni Justin Rey habang nasa tiyan ko pa kayo” ang sambit pa nito. Hinila nito ang silya ng dining table at nanlalambot ito na naupo.
Napabuntong-hininga siya at bumagsak ang kanyang mga balikat, dapat nga siguro ay kinausap niya muna ang kanyang mommy patungkol sa mga nangyari. Humakbang siya palapit sa lamesa, at kanya rin hinila ang silya at naupo sa tabi ng kanyang mommy na nakapatong ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa at batid niyang naluluha na ito, ngunit pinipigilan lang ang sarili.
Hinawakan niya ang mga kamay ng kanyang mommy na nasa ibabaw ng lamesa at isang buntong- hininga na naman ang pinakawalan niya.
“Mom, please, hayaan nyo po akong magpaliwanag at sana po ay unawain ninyo ako, please po mommy” ang pakiusap niya.
At mukhang nadama ng kanyang mommy ang mabigat na dinadala niya, kaya naman dahan-dahan na umangat ang mga mata nito sa kanya at napako ang kanilang mga mata, at mula sa kanyang mga mata ay naipahatid niya ang pagsusumamo sa ina na intindihin siya nito.
Napabuntong-hininga ang kanyang mommy at dahan-dahan na tumangu-tango ito.
“Mommy, I – I pretended to be Justin Rey” ang panimula niya sa kanyang mommy. At nakita niya ang gulat sa mukha ng kanyang mommy  at di makapaniwala ito sa narinig sa kanya.
“Why? !” ang malakas na pag-usisa nito sa kanya.
“Mom, I’m desperate!” ang giit niya sa kanyang mommy, mababakas ang desperasyon sa boses niya.
“Sa lahat na lang ng inaplayan ko ay, puro, assistant o secretary ang ibinibigay sa akin, they see me as a woman, as an object, hindi nila binigyan ng pansin ang kakayanan ko, dahil sa babae ako, and” Justinne sighed.
“Nakita ko ang, dream job ko sa dream, sa dream construction firm ko, at- at natakot ako na, hindi na naman ako matatanggap, dahil sa babae ako” ang mariin na paliwanag niya sa kanyang mommy na mukhang, nawala na ang galit sa kanya at nakaramdam na ito ng awa sa kanya.
“At, nakuha ko ang trabaho mommy, pero, nagpanggap ako na Justin Rey”-
“Alam ba ito ni Justin?” ang tanong ng kanyang mommy at tumangu-tango siya.
“Nagpaalam muna ako sa kanya mommy, bago ako nagpadala ng application ko” ang sagot niya.
Napabuntong-hininga ang mommy niya at naramdaman nito ang mga mapanuring mga mata nito sa kanya at pinagmasdan siyang mabuti nito.
Ang mahabang buhok niya na kanyang inaalagaan ay nawala na, at isang sadsad na kulay brown na buhok na lamang ang natira sa kanyang ulo. Isinuot din niya ang kanyang salamin, para magdagdag ng disguise sa kanya.
Sinuot na rin niya ang customised na contraption na ipinagawa niya sa Bewitched, at isinuot na rin niya ang damit na iniwan ng kakambal. She wore a white polo layered with a brown knitted vest and camel colored slacks and a deep brown colored leather loafers. She looked preppy, at iyun ang gusto niyang iportray, young, fresh, and driven.
“Tsk, ano pa ba ang magagawa ko? Eh nandiyan na iyan, hindi naman ako, bilang ina mo, na maging hadlang sa pangarap mo” ang saad ng kanyang mommy saa kanya, mababakas na hindi nito, tuluyan na gusto ang ginagawa niya, pero, handa itong tanggapin ang lahat at suportahan siya.
“Salamat po mommy” ang mahinang saad niya.
Muling napabuntong-hininga ang kanyang mommy bago ito muling tumayo at naglakad palapit sa kitchen counter para ipagpatuloy ang ginagawa nitong paghahanda ng almusal nila.
“Ngayon ang interview mo hindi ba?” ang tanong ng mommy niya sa kanya habang nakatalikod ito.
“Opo mommy, hindi ko po pwedeng gamitin yung sasakyan ko at magbook na lang po ako ng sasakyan para ihatid ako sa Burkes Tower” ang sagot niya sa kanyang mommy.
“Oo nga at hindi mo na pwedeng gamitin ang lisensiya mo” ang saad ng mommy niya sa kanya, “paano iyan, ni wala kang ID” ang saad pa ng kanyang mommy at bumalik ito sa lamesa dala ang mga plato na may laman na itlog at ham, at saka nito inilapag sa lamesa.
Tumayo na siyang muli at naglakad palapit din sa kitchen counter para magsalin ng kape, paminsan-minsan ay ginagamit nila ang coffee maker kapag may extra na pambili ng coffee ground.
“Tulungan kita mommy?” ang alok niya sa kanyang mommy na mabilis na umiling.
“Hindi na at baka marumihan ka pa, nga pala saan mo inilagay ang boobs mo?” ang kunot noo na tanong ng mommy niya sabay lapag naman nito ng malaking bowl ng sinangag.
Bumalik na siya sa kanyang upuan at ngumiti siya ng malapad, naninibago nga siya dahil sa sanay siya sa maluluwag na t-shirt, ng mga sandali na iyun ay parang  nakabalot siya ng mahigpit, at ramdam na niya ang pakiramdam ng saging sa loob ng pambalot ng lumpia.
At ganun na rin ang ulo niya, gumaan ang pakiramdam ng kanyang ulo.
“Nagpasadya ako mommy ng parang corset?” ang sagot niya sa kanyang mommy.
“Hay naku, mukhang pasado ka naman sa hitsura, ako nga naloko mo eh, ayusin mo lang ang boses mo” ang sabi ng mommy niya sa kanya.
“Oo nga pala, anong sasabihin ko kapag hinanap ka?” ang tanong ng mommy niya sa kanya.
“Uhm, kasi mommy, isasama po ako sa isang out of town na project diba? Kaya sabihin nyo na lang po na nasa isang project” ang sagot niya sa kanyang mommy habang sumusubo siya ng sinangag at ham.
“Ilang buwan ka naman kaya roon?” ang tanong ng mommy niya habang naglalagay ito ng pagkain sa sarili nitong plato.
“Hindi ko pa po sure mommy pero, baka po sabihin sa akin sa interview ko mamaya” ang sagot niya.
Tumangu-tango ang kanyang mommy at alam niya na malulungkot ito, dahil sa mag-isa na lamang ito sa bahay.
“Uhm mom, pasensiya na po pala kung hindi ko na po kayo matutulungan sa business ninyo”-
“Hayaan mo na yun, ang mahalaga ay, nakuha mo na ang gustong mong trabaho” ang sagot ng mommy niya.
“Uhm, siguro, kukuha na lang ako ng kakilala natin dito na may motor at gusto kumita ng extra” ang sagot ng mommy niya sa kanya.
Isang ngiti na lang ang isinagot niya sa kanyang mommy at nagpatuloy siya sa kanyang pagkain.
“Oo nga pala, ano nga palang mga ginawa ninyo sa apartment ni Frances?” ang biglang tanong ng mommy niya at pinigilan niya ang kanyang sarili na ibuga ang kanin na nasa loob ng kanyang bibig, at kahit masakit ay pilit niya iyong nilunok.
“Parang ang saya-saya mo kasi pag-uwi mo kaso, nagkulong ka lang sa kwarto at natulog ka lang ng buong araw,nga pala may pasa ka pa sa braso, ano nga palang nangyari sa iyo? Nadisgrasya ka ba?” ang sunud-sunod na tanong ng mommy niya. At naramdaman na niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi.
At ang pasa na sinasabi ng mommy niya? Naala niya ang mga nangyari sa maliit na kitchen ni Brandon.
“Uhm wala yun mommy, nabangga ako sa lamesa ni Frances” ang pagsisinungaling niya.
******
“Good morning! Sir Lewis Burke” ang magalang at magiliw na bati ni Justinne sa barotino ng boses na kanyang prinaktis ng paulit-ulit. Binati niya ang taong hindi niya inakala na makaka- face to face niya, at ang maging empleyado nito. Si Engineer Lewis Burke, na pumasok sa pintuan ng conference room kung saan siya pinadiretso ng secretary nito.
“Good morning” ang magiliw din na sagot nito sa kanya habang naglalakad ito palapit sa paikot na lamesa. Hinila nito ang isang swivel chair, isang upuan ang agwat nito sa kanya.
“Have a seat please, Engineer Santillana” ang saad nito sa kanya, at mas lalong humanga si Justinne, dahil sa kinilala talaga siya nito through her application.
Naupo siyang muli, at hinintay niya na magsalita ito, ang dala nitong folder ay ipinatong nito sa ibabaw lamesa ngunit hindi nito binuklat iyun.
“So I’m really impressed with that bridge model of yours, kaya naman ikaw ang napili ko and I think that it is much suited of a design para sa tulay na itatayo natin sa province of Aurora” ang saad ng matandang engineer sa kanya.
“Thank you sir”-
“But sadly, it was not the model that we’re going to construct for our humanitarian project” ang diretsang sagot nito sa kanya.
“It’s okey sir, Burke Construction, is known for its designs and long lasting projects, it only means that there’s a much better design than mine” ang sagot niya sa matanda na tiningnan lang siya ng maigi.
“Uhm, Engineer, magtatrabaho ka na sa aking kumpanya, ibig sabihin ay dadalhin mo ang pangalan ng aking firm na Burke, gagawin mo ba ang lahat para mapangalagaan ang pangalan ng company?” ang tanong sa kanya ng hinahangaan niyang engineer.
Mabilis siyang tumangu-tango bilang kasagutan, “yes sir, if course, its my dream to work in your company, and I’ll give my best of service for the company” ang sagot niya, at nakita niya ang malapad na ngiti na gumuhit sa maaliwalas na mukha ng matandang inhinyero.
“You’ll do anything?” ang mariin na tanong sa kanya nito at muli siyang tumangu-tango bilang kasagutan.
“Yes sir, I’ll do everything” ang mariin na sagot niya rito at muling ngumiti ito.
“Kahit pa, kasalungatin mo ang superior mo kung alam mo na mali ito?” ang tanong pa nito sa kanya na kanya nang ipinagtaka. Bakit kailangan niyang kasalungatin ang superior ko? Pero kung mali nga naman ito? Siyempre itatama niya ang lahat.
“If I saw it fit to argue with my superior for the betterment of the project at kung nakita ko po talaga na may mali, na ikasasama at ikapapahamak ng ng kumpanya o proyekto, handa po akong makipag argumento” ang matapat na sagot niya at hindi niya alam kung dahil ba sa sagot niya ay hindi na niya bigla na lang magbago ang isipan nito pauwiin na lang siya.
“Then, hindi ako nagkamali sa pagpili sa iyo” ang masayang sagot nito sa kanya.
“Obviously you passed the interview, and you’ll start with your job, are you ready to leave the metro anytime soon?” ang tanong nito sa kanya.
“Yes sir I’m ready” ang sagot niya.
“Okey, and you’re going to be an apprentice, ikaw ang magiging partner ni Engineer Brandon Burke sa gagawin na project sa Aurora, you’ll work as a team and you’ll work combining your two minds, kaya naman kita tinanong tungkol sa kung kaya mong salungatin ang superior mo, because I have to warn you that engineer Brandon Burke, was, hmm, how can I say this, uhm, unmovable, mahirap baguhin ang nasa isipan nito at gusto ko na magkaroon ng magandang atmosphere sa site para hindi rin mahirapan ang crews” ang paliwanag ni Engineer Lewis sa kanya at humanga siya sa kabaitan at pagiging maalahanin ng matandang engineer.
Pero hindi niya maiwasan ang biglang kabahan, at bumilis ang tibok ng kanyang puso, nang malaman niya kung sino ang makakatrabaho niya.
“Si Brandon? Si Brandon Burke? Na nangako sila sa isa’t isa na hindi hahanapin ang isa’t isa? That they won’t bother each other? Bakit? Ang tanong niya sa kanyang isipan.
“Uh, y-yes sir, I-ill keep that in mind sir, thank you po” ang sagot niya sa matandang engineer.

Pagkatapos na ipaliwanag ni Engineer Lewis Burke sa kanya ang lahat ay tinapos na nito ang meeting nila at nagsabi ito na may meeting ito pagkatapos ng kanilang interview.
Tumayo na siya at magalang siya na nagpaalam, saka siya naglakad patungo sa pinto, ngunit napahinto siya ng muling tawagin nito ang kanyang pangalan.
“Engineer Justin Santillana?” ang pagtawag nito sa kanya kaya huminto siya sa paglalakad at muling humarap sa matanda.
“Yes sir?” ang tanong niya.
“Huwag mo sanang masamain ang sasabihin ko engineer, pero, I am really hoping na na ang mag – aaplay sa akin ay ang kapatid mo na si Justinne May, mahilig kasi ako na magtingin ng mga fresh graduates na maganda ang records, kaya ko nga binuksan na muli ang pagkuha ng mga bagong engineer, hindi nga lang naging gawain ng company na mag – approach sa mga bagong engineers, dahil sa gusto ko na paghihirapan ng aplikante ang position, umaasa ako na mag-aaplay siya sa company, pero, ikaw ang nag-apply sa akin, kakambal mo siya sa nabasa ko sa records mo, where is she?” ang interisado na tanong nito sa kanya.
Biglang bumagsak ang mga balikat ni Justinne sa kanyang narinig, ang dream job niya sa dream company niya ay willing na tumanggap ng isang babaeng engineer. Bigla siyang nanlumo, at para siyang sinakluban ng langit. Pilit niyang nilunok ang mabigat na emosyon sa kanyang lalamunan bago siya sumagot.
“Uhm, n-nasa abroad na po siya” ang pagsisinungaling niya. Alam niya na kapag inamin niya na siya si Justinne May, kahit pa siya ang gusto nito na mag-aplay ay hindi siya nito tatanggapin o baka iterminate na nito ang pagkuha sa kanya, dahil sa panloloko at pagsisinungaling niya.
“Oh, sayang, mukhang ang galing niya ay ibang bansa ang makikinabang, okey then, hindi ko sinasabi na hindi ka magaling engineer, I hope you won’t find me rude, I'm just straight forward” ang sagot nito sa kanya.
“No, it’s okey sir” ang sagot niya at tumango na lang ito sa kanya, a sign that she’s being dismissed. Mabigat ang loob niya na naglakad palabas ng conference room, nanghihinayang siya nang husto, hindi siya nagtiwala.
Gusto sana niyang maiyak ng mga sandali na iyun pero natigilan siya nang makita niya na papalapit sa kanyang direksyon si Brandon.





I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon