Chapter 42

1.3K 92 24
                                    

Parang sasabog ang ulo ni Brandon nang maglapat ang kanilang mga labi, parang may fireworks na nakita at narinig siya sa paligid. Ang mga labi nila ni Justin ay nadarama na ng mga labi niya. Hindi man iyun, matatawag na pagniniig ng mga labi nila, pero, nangusap na rin ang kanilang mga labi kahit sa simpleng pagdikit ng mga ito. Pangungusap ng kanilang mga nadarama para sa isa’t isa.

Napakalambot ng mga labi nito, napakasarap, napakatamis, at napaka-pamilyar. Biglang pumasok sa isip niya si May, ang palitan ng mga halik nila noong gabi na iyun. Ang mapang-akit ngunit inosente na mukha ni May, bago niya kinuha ang pagkababae nito. At nagulat siya sa kanyang naisip, kaya mabilis niyang hinila ang kanyang ulo at napatitig siya sa mga mata ni Justin na hindi halos maibuka.

Napalunok siya, at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso, no, hindi, nagkakamali siya, hindi maaring maging pamilyar ang mga labi ni Justin sa kanya.

“B-Brandon?” ang takang tanong ni Justin sa kanya at pati ang mga mata nito sa likod ng suot nitong salamin na tila ba inaantok, ay nagtatanong sa kanyang naging reaksyon.

Mabilis niyang binura ang imahe ni May sa kanyang isipan, ano bang iniisip niya? Ang tanong niya sa sarili. Si May lang siguro ang pumasok sa kanyang isipan dahil sa ito ang nagmamay-ari ng mga labi na huli niyang natikman. Hindi na dapat pa niya guluhin ang isipan, lalo pa at hinayaan siya ni Justin na mahalikan niya ito. Si Justin ang kasama niya, si Justin na kanyang iniibig at hindi si May.

At mukhang napansin ni Justin ang pagkabigla niya, nang makita niya na nagulat din ito sa nangyari at sa kanyang iginawi.

“Ah, uhm”, ang sambit ni Justin at akmang bubuksan na nito ang pinto ng passenger side pero mabilis niyang nahawakan ang kaliwang pulsuhan nito para ito ay pigilan na makalabas ng sasakyan.

“Justin wait please, mag-usap muna tayo”, ang pakiusap niya kay Justin. Tiningnan nito ang kanyang kamay na nakahawak sa kaliwang pulsuhan nito, at saka ito mabagal na tumangu-tango, ngunit nanatili na nakayuko ang mukha nito at umiiwas ng tingin sa kanya.

“You let me kiss you”, ang mahinang sabi niya ay hindi iyun isang tanong. Mula sa pulsuhan ni Justin ay bumaba ang kanyang kamay sa para idaop ang kanyang kaliwang kamay sa kaliwang kamay ni Justin at nagdaop ang kanilang mga palad, at ng sandali na iyun, ay gusto niyang maluha sa labis na sayang nadarama.

Pinagmasdan ni Justinne, ang mga magkadaop nilang mga palad at mas lalo pang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Oo, hinayaan niya si Brandon na halikan siya nito, dahil, gusto niyang mahalikan ni Brandon. Nagtatago man siya sa katauhan ng kakambal na si Justin Rey ay siya pa rin si Justinne May, ang babaeng labis na nagmamahal kay Brandon. Kaya kanina, ay hinayaan niyang mamayani Si Justinne ng sandaling iyun, si Justinne ang babaeng umiibig.

“Justin?” ang patanong na pagtawag ni Brandon sa  kanyang pangalan at mabagal siyang tumangu-tango.

“Justin, ang ibig sabihin ba nito?” ang tanong ni Brandon sa kanya at mababakas na hindi ito makapaniwala at ag lubos na pananabik sa boses ni Brandon.

“Justin please, look at me, please”, ang pagsumamo ni Brandon sa kanya at dahan-dahan na umangat ang kanyang mukha mula sa pagkakatungo nito, at sinalubong niya ang mga mata ni Brandon na nag-uumapaw sa labis na pagmamahal sa kanya.

“Justin, mahal mo ba ako?”, ang puno ng pagsusumamo na tanong ni Brandon sa kanya.

Mahal? Hindi niya mahal si Brandon, kundi mahal na mahal niya ito, hindi dahil sa ito ang unang lalaki na nakakuha ng kanyang pagka-birhen, hindi dahil sa ito ang nagbigay ng labis na kaligayahan sa kanya bilang isang babae, kundi dahil sa, si Brandon ay katulad niya.

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon