Chapter 38

1.3K 104 52
                                    

Excited na nagmaneho ng sasakyan nito si Brandon. Hindi niya alintana ang malakas na buhos ng ulan at bayo ng hangin sa kanyang sasakyan. Isang magandang ideya ang kanyang naisipan.

Kung hindi makakaalis si Justin dahil sa kailangan nitong makasama ang mommy nito at dahil na rin sa sama ng panahon ay siya ang pupunta kay Justin, ang masayang sabi niya sa sarili.

Nanulis pa ang kanyang nguso at patipa-tipa ang kanyang mga daliri sa manibela ng kanyang sasakyan. Habang iniisip ang kanyang plano. Magandang pagkakataon na rin kasi iyun para makilala niya ang mommy ni Justin at maligawan na rin ito ng kaunti ang sabi pa ng isipan niya.

Kaya naman laking pasalamat niya ng may makita pa siyang bukas na flower shop sa isang mall na kanyang pinuntahan. Bumili siya ng bouquet of baby pink colored peonies para sa mommy ni Justin. Namili na rin siya ng mga takeout foods, gaya ng steak at baked potatoes at isang box ng cake.

He even bought several cans of beer sa isang convenient store na nadaanan niya habang papunta na siya sa bahay ni Justin. At dahil na rin sa bagyo ay maluwag ang kalsada dahil siya lang yata ang nababaliw na lumabas ng bahay.

Hmm, mas mababaliw siya kung mag-stay siya sa bahay, ang sabi ng kanyang isipan. His heart was beating wildly inside his chest, lalo na at natatanaw na niya ang bahay nito.

Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa tabi ng bahay nito, dinampot niya ang dalang mga pasalubong niya mula sa passenger seat at saka niya kinuha ang kanyang telepono para i- dial ang numero ni Justin.

"Brandon?" ang bati na tanong nito sa kanya sa kabilang linya.

"Nasa harapan ako ng bahay ninyo" ang masayang sagot niya. Marinig lang niya ang boses ni Justin ay kakaiba na ang tuwa na dulot nito sa kanya.

"What? You can't be serious!" ang hindi makapaniwala na tanong nito sa kanya, and for a moment there he thought na nag-boses babae si Justin, huh, sa gulat siguro.

"I'm serious lalabas na ako ng kotse, pagbuksan mo ako ng gate" ang sagot niya at pinatay na niya ang kanyang phone.

"Patay! Mommy! Itago mo muna yung deliveries please!" ang natataranta niyang sabi sa kanyang mommy na tila nabigla sa kanyang sinabi.

"B-bakit?" ang takang tanong ng mommy niya pero sinimulan na nitong damputin ang mga box ng goodies nito para itabi sa isang rack.

"Ang diyan ang boss ko" ang mabilis niyang sagot at mabilis siyang naglakad patungo sa pintuan ng bahay at dinampot niya ang payong na nasa likod ng kanilang pintuan.

"A-ano? Si Brandon?" ang tila aligaga rin na tanong ng mommy niya.

"Opo mommy, kaya ako si Justin okey?" ang bilin pa niya sa kanyang mommy at nagmamadali niyang hinila ang pinto para buksan iyun, binuksan niya ang dalang payong at nagmamadali siyang naglakad sa gate at halos bumaliktad ang kanyang payong dahil sa bumati sa kanyang malakas na hangin dahil sa bagyo.

"Ano bang nakain nito, o baka lasing na naman" ang gigil na sabi ni Justin at binuksan niya ang kanilang gate at paghila niya ay ang basang-basa ngunit nakangiting mukha ni Brandon ang bumati sa kanya, at tulad ng malakas na ulan at hangin, bumayo na naman ng signal number three ang kanyang puso nang masilayan ang mukha ni Brandon.

"Hi!" ang pasigaw na bati nito sa kanya sa gitna ng malalakas na ulan at hangin may malapad itong ngiti na tila si alintana ang masamang panahon.

"Ano bang ginagawa mo rito?!" ang sigaw na tanong niya.

"Aakyat ng ligaw!" ang sigaw na sagot nito sa kanya na di pa rin naalis ang malapad na ngiti.

"Huwag mong babanggitin yan sa harap ng mommy ko!" ang galit na sagot niya rito at mabilis na tumangu-tango ito at napangiwi siya dahil sa ang lapad ng ngiti nito.

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon