Chapter 27

1.3K 107 81
                                    

Tiningnan ni Justinne ang nagriring niyang phone, halos nakailang missed call na ito sa kanya. Actually, hindi naman talaga niya namiss ang tawag nito, dahil sa naririnig at nakikita niya ang mga ginawa nitong tawag. Hindi lang talaga niya iyun sinagot.

Dahil sa hindi niya inaasahan na, magugustuhan niya na makasama si  Lei, and it was surprising for her, dahil sa habang tumatagal ang mga sandali na nakasama niya ito, ay, mas nakikilala niya ang tunay na Lei. Ang Lei sa likod ng seksi na babae na mukhang walang alam ang utak at bumaba na sa dibdib nito. Humanga siya dahil sa kaalaman nito sa arts, lalo na sa mga paintings.

At pagkatapos nga nila na i- explore ang kabuuan ng museum ay, tulad ng ipinangako niya rito ay dinala niya si Lai sa isang tagpong coffee shop sa are na naghahanda ng isang napakasarap  na lokal na kape at tinapay.

Hinayaan niya na si Lei ang umorder para sa kanila, dahil na rin sa pamimilit nito, mahilig din pala kasi ito na magluto at mahilig sa mga baked goods kaya naman ito na ang hinayaan  niya na umorder ng kanilang kakainin base sa mga mapipili nito.

At habang nakaupo siya sa pandalawahang mesa ay muli na naman nag- vibrate ang telepono niya. At nang tingnan niya itong muli ay pangalan ni Brandon ang nakalagay sa screen.

Napabuntong-hininga siya, bago niya pinindot ang green na button aat idinikit ang telepono sa kanyang tenga.

“Yes?” ang walang sila niyang sagot rito, muli na naman siyang nainis kay Brandon dahil sa kalokohan nito. That time naawa na rin kasi siya kay Lei kung paanong trinato ito ni Brandon.

“Well it is about time!” ang galit na sagot ni Brandon sa kanya at sa tono ng pananalita nito, he could imagine Brandon’s eyes popping out of his eye sockets, tulad ng sa cartoons, habang umaapoy ang ulo at umuusok ang ilong nito.

“Bakit ba?” ang inis na sagot niya rito, dahil sa hindi na naman niya maintindihan ang ikinagagalit nito.

“Where the hell are you?” ang galit na tanong nito sa kanya. At dun napagtanto ni Justinne na akala siguro nito ay tinangay na niya ang babae nito. Makapang – asar nga, ang sabi niya sa kanyang sarili.

“Kasama ko si Lei, bakit ba?” ang sagot at tanong niya rito.

“Nasaan kayong dalawa?” ang galit pa rin na tanong nito sa kanya at umirap ang kanyang mga mata at sumulyap siya kay Lei na namimili na ng mga kakainin nila.

“Bakit mo ba tinatanong?” ang tanong niya rito at bahagya siyang natawa dahil sa mukhang naiinis si Brandon, iniisip siguro nito na may SOMETHING na nangyari sa kanila ng babe nito, batay sa pangalan na nakalagay sa litrato ni Lei sa phone ni Brandon.

“BASTA nasaan kayo?” ang gigil nang tanong ni Brandon sa kanya. At tinakpan niyang sandali ang kanyang bibig dahil sa gusto na niyang humagalpak ng tawa ng mga sandali na iyun. Ipinatong niya ang kanyang mga siko sa lamesa habang ang kanan na kamay niya ay nakahawak pa rin sa telepono.

“Hindi ba sabi mo na ilayo ko si Lei? AND, I can do ANYTHING with her” ang makahulugan na sagot niya kay Brandon.

“What the f*ck!” ang sigaw ni Brandon, “tell me you’re joking?” ang gigil na sagot ni Brandon sa kanya.

“Ikaw ang nagtulak sa akin na gawin ito Brandon” ang giit niya rito.

“Nasa apartment ba kayo ni Lei?” ang tanong nito sa kanya.

“NO, ano naman ang tingin mo sa akin? Sa bahay agad ng babae? Pwede naman sa mas private na lugar?” ang sagot niya rito at hindi niya alam kung naglalaro lang ang tenga niya sa kanya dahil may narinig siyang gigil na ungol sa kabilang linya, para bang umaangil na leon? Ang sabi ni Justinne sa sarili.

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon