Chapter 13

1.6K 106 24
                                    

Justinne was seriously watching the make-up tutorial sa you tube, habang nakapikit ang isa niyang mata at mula at naman ang kanan niyang mataa, ang kamay naman niya ay may hawak na brush na habang nilalagyan niya ang nakapikit na talukap ng kanyang mata ng kulay charcoal na kulay na eyeshadow. She’s going for the smokey eye look, minsan na siyang inayusan ng ganun ni Justin, at bumagay sa kanya ng husto, dahil na rin sa ang kanyang mga mata ang sa tingin niya ang kanyang asset.
At ngayon na magpaparty siya, to celebrate her success of getting her dream job at her dream company. Hindi nga lang bilang si Justinne May, pero, tanggap na niya iyun. Ang tonight, she’s also going to celebrate her last night of being a woman, dahil sa makalawa, siya na si Justin Rey Santillana.
She wiped some mascara for the finishing touch and she looked at herself on the mirror and she was glad with the outcome. Mabuti na lang at magaling siya sa pagkukulay dahil na rin sa galing niyang mag-paint. She put on her nude colored lipstick and she’s done. Tumayo na mula sa silya para magbihis, ng ka isa-isa niyang dress. Binili pa iyun sa kanya ng kanyang kakambal, at kulay red wine ang kulay nito, that hugged her feminine curves.
She shook her hair with her hands at hindi na niya ginawa pang suklayin, tousled look daw ang tawag doon ang sabi ng kakambal niyang mas marami pang alam, pagdating sa pag-aayos sa kanya.
Naupo siya sa gilid ng kanyang kama at isinuot na niya ang kanyang nag-iisang pares ng high-heeled strappy sandals. She was praying na hindi niya gagawin tanga ang sarili niya sa pagsuot niyun, by tripping herself and fell face flat on the ground. Baka magsa- Justin Rey na siya agad, para makaalis lang sa kahihiyan.
Muli niyang pinagmasdan ang kanyang hitsura sa salamin mula sa kanyang closet. She looked, well, good? Ang sabi niya sa sarili. She sighed and walked towards her bedroom door, kasabay ng pagdampot niya ng kanyang handbag, saka siya lumabas ng kanyang kwarto at dahan-dahan siyang bumaba ng kanilang hagdan, habang nakakapit ng mahigpit ang kanyang kamay sa hawakan ng hagdanan. Kailangan niyang tiisin ito, at kailangan naman niyang magmukhang presentable sa lugar na kanilang pupuntahan at exclusive pala na club ang pupuntahan nila. Puntahan daw ng mga yayamanin at kilalang mga tao. At ang kasama ni Frances na kaibigan nito na anak daw ng may-ari ng isang Italian na may-ari ng isang kilalang casino sa City.
Pagkababa niya ng hagdan ay nadatnan niya ang kanyang mommy na nakaupo sa may sofa at nanunuod ito ng isang koreanovela. At nang mapadpad ang mga mata nito sa kanya ay nakita niyang nanlaki ang mga mata ng kanyang mommy at napatayo pa ito mula sa sofa para humakbang papalapit sa kanya.
“Oh my god! Justinne May!” ang gulat na sabi ng kanyang mommy sa kanya pagkalapit nito sa kanya. Her mom held her hands and squeezed them.
“Bakit ba hindi ka mag-ayos ng ganyan lagi?” ang tanong ng mommy niya sa kanya habang pinasadahan siya ng mga mata nito, na labis na may paghanga sa nakita sa kanya. Isang buntong- hininga naman ang pinakawalan niya.
“Mom, alangan namang maghatid ako ng mga brownies ng naka-kuntodo smokey eyes at high-heels?” ang di makapaniwala niyang tanong sa kanyang mommy, na tinaasan na lang siya ng isang kilay.
“Susunduin ka ba ni Frances?” ang tanong ng mommy niya sa kanya, at binitiwan na nito ang kanyang mga kamay at muling bumalik ito sa sofa para manood.
“Uhm hindi po mommy, sa club na po kami magkikita, kasi dadaanan pa niya yung kaibigan niya sa bahay nito, kaya sabi ko na magkita na lang kami roon, may reservation naman na daw sila at sabihin ko nalang yung pangalan” ang sagot niya sa kanyang mommy.
“Magdidrive ka ba? Baka magpakalasing ka nang husto Justinne May” ang paalala ng kanyang mommy sa kanya.
“Nagpabook na lang po ako ng ride mom, mahirap na magdrive na magdrive, kahit pa malapit lang doon yung condominium building kung saan naroon ang unit ni Frances” ang sagot niya sa kanyang mommy.
“Eh bakit wala kang dala na damit kung doon ka kay Frances matutulog?” ang tanong ng mommy niya sa kanya.
“Uh, marami daw siyang extra na damit doon sa apartment niya” ang sagot niya sa kanyang mommy at tiningnan niya ang kanyang phone.
“Mommy, alis na po ako nandiyan na yung sasakyan na nabook ko” ang sabi niya sa kanyang mommy habang naglalakad siya palapit rito para halikan ang malambot nitong pisngi. Hinawakan ng kanyang mommy ang magkabila niyang pisngi at hinagkan siya nito sa kanyang pisngi at ngumiti sa kanya ng matamis.
“Congrats anak, natupad mo na ang pangarap mo” ang sabi ng kanyang mommy sa kanya nang may buong pagmamahal.
“Thank you mom” ang sagot niya sa kanyang mommy, kahit pa hindi niya masabi na nagpanggap siya bilang si Justin para lang makuha niya ang gusto niyang trabaho.
“Mag-enjoy ka, saka na tayo mag-celebrate pagkatapos ng interview mo” ang sabi ng kanyang mommy sa kanya, ang through her eyes she could see how proud she is with her.
“I will mom” ang nakangiting sagot niya.
“Ingat, sige na, wag magpakalasing Justinne okey?” ang paalala pang muli ng kanyang mommy sa kanya habang naglalakad na siya papalapit sa may pintuan.
“Yes mommy” ang sagot niya bago pa siya tuluyan na lumabas ng kanilang bahay.

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon