Chapter 21

1.3K 100 20
                                    

Halos patakbo na nakasunod si Justinne kay Brandon, napakalaki naman kasi ng mga hakbang nito at napakabilis, hindi niya alam kung nagmamadali ito o talagang sinasadya na iwasan siya.

Naalala niya tuloy ang sinabi ng daddy nito, na mahirap ito na katrabaho. Maybe he thought of her as a hindrance and a baggage for being an apprentice. Ni isa sa mga ginagawa ay wala pa ito na ipinaliwanag sa kanya. Though naintindihan niya ang mga procedures, iba pa rin syempre kapag actual na. Iba ang nasa libro kaysa sa actual na ginagawa, doon masusukat ang tunay na galing mo bilang engineer dahil sa mga sound decisions na gagawin paggawa ng isang structure.

Pero, dahil sa si His Almighty Brandon Burke ay mataas ang tingin sa sarili, malamang na ayaw nito na kumunsulta sa kanya dahil isa siyang baguhan at inexperienced na engineer.

Nakinig siya sa usapan ng foreman at ni Brandon at tinitingnan nga nila ang site, siya man ay naging mapanuri ang mga mata sa kapaligiran. Tama nga si senior engineer Lewis Burke, maikling tulay lang ang gagawin at kung steels ang gagamitin with a bit of concrete to support the weight, hindi aabutin ng taon ang pagtatayo ng tulay.

Kumunot ang kanyang noo nang may mapansin siya sa paligid. They were going to build the bridge between two baranggays na pinaghihiwalay ng isang ilog. Sandali niyang iniwan sina Brandon at ang foreman at naglakad siya palapit sa hangganan ng lupa at sumilip siya sa ibaba nito at nakita niya ang ilog.

Hindi niya alam kung gaano kalalim ang ilog, pero may lapad ito na, estimated ni Justinne na twenty meters. Not that wide, ang sabi niya sa sarili, ang cliff naman ay may six meters ang taas. Kumunot ang noo ni Justinne nang may mapansin siya sa lupa sa gilid ng bangin.

It was a bit loose and wet, naalala niya na ang weather sa Aurora ay madaling magbago dahil na rin sa malapit ito sa Pacific Ocean, ang kumpol ng mga ulap at galaw ng hangin ang nagdedesiyun kung anong panahon ang babalot sa probinsiya. At dahil sa hindi pa opisyal na pumapasok ang summer season sa Pilipinas, nakararanas pa rin ng amihanin ang probinsiya ng Aurora.

Kung basa ang gilid na lupa at loose, ibig sabihin? Ang tanong ni Justinne sa sarili. Mabilis na pumihit ang kanyang katawan paharap kay Brandon na, ng mga sandali na iyun ay bumalik na sa lamesa nito malapit sa mga supplies, may tarpaulin na nakatali sa mga puno para magsilbing bubong ng lamesa para hindi mainit sa kanilang, makeshift na opisina.

Muli siyang naglakad pabalik sa lamesa kung saan nakatayo si Brandon at may nakalatag na papel na binabasa ito. He was wearing a gray slim shirt, kaya naman bakat na bakat ang well toned na dibdib nito at tiyan. And she knew how it looks underneath those sexy shirt is also a sexy chest and torso.

Shit! Ang gigil na sabi niya sa kanyang sarili, hindi ito ang oras para lumandi! Ang sabi niya sa sarili, habang mabilis ang mga hakbang ng kanyang mga paa na nakarubber shoes at hindi tulad ni Brandon na nakaslim shirt, siya ay nakahoodie na maluwag at maong na pantalon.

Sumulyap lang sa kanya ito nang tumayo siya sa tabi ng lamesa na may sukat ng area. Kung saan itatayo ang tulay, pinagmasdan niya ito at kumunot pang lalo ang kanyang noo.

“Sir” ang pagkuha niya ng atensyon nito pero hindi siya nito tiningnan at nagpatuloy lang ito sa pagbabasa. She pushed the rim of her widerimmed eyeglasses sa bridge ng kanyang ilong.

“Sir Burke?” ang muling pagtawag niya sa atensyon nito. At marahan niyang kinatok ang ibabaw ng lamesa kung saan nakapatong ang mapa.

“What?!” ang inis ang bulyaw nito sa kanya at nagpamewang pa ang mga kamay nito habang magkasalubong ang kilay na inis na nakatingin sa kanya ang mga mata.

“Pwede ko po ba makita ang plan?” ang magalang na paghingi niya ng permiso, kahit pa ayaw niya ang pambubulyaw nito. Sa ganitong trabaho hindi ka dapat balat-sibuyas lalo pa at may mga pagkakataon na maiiksi ang pasensiya ng mga tao sa pagod at stress sa trabaho.

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon