Chapter 39

1.3K 109 29
                                    

Pilit na nilunok ni Justinne ang alak na nasa kanyang bibig kaysa sa ibuga ito kay Brandon. Masakit na gumuhit ang likido sa kanyang lalamunan pababa ng dibdib niya. At pinigilan niya ang ubo na lumabas sa kanyang bibig.

“Okey ka lang?” ang tanong ni Brandon sa kanya at aabutin sana siya nito, pero iniangat niya ang kanyang kamay at iniharap niya ang kanyang palad dito para pigilan na lumapit si Brandon sa kanya.

“O-ok-ey l-lang” ang sagot niya kay Brandon at tinapik-tapik ng kanyang palad ang sarili niyang dibdib.

“Sabi naman sa iyo na huwag ka ng uminom eh” ang giit ni Brandon sa kanya.

Huwag ka kasing kung anu-anong pinagsasasabi! Ang sigaw ng isipan niya kay Brandon.

“A-ano ba kasi yung sinabi mo?” ang galit na tanong niya kay Brandon at inilapag niya sa mesa ang hawak niyang beer. Mabuti na lang at hindi pizza ang laman ng bibig niya kundi nabulunan na siya at namatay na ng tuluyan sa harapan ni Brandon.

“Ang tanong ko ay kung ang pangalan ng kapatid mo ay May?” ang tanong ni Brandon sa kanya.

“Hindi” ang mariin na sagot na pagsisinungaling niya.

“Oh ganun ba?” ang sagot ni Brandon pero wala namang bahid ng panghihinayang ang boses nito.

“Bakit mo ba na-itanong?” ang usisa niya rito. Aminado siya na bumilis ang tibok ng puso niya sa tuwa dahil sa naalala pa rin ni Brandon si May.

Napabuntong-hininga lang muna si Brandon bago ito uminom ng beer mula sa latang hawak nito. Matiyaga ngunit kinakabahan naman siyang naghintay sa isasagot ni Brandon sa kanya at para maitago nerbiyos niya ay dinampot niyang muli ang kanyang beer.

“May, pagkakahawig kasi kayo” ang sagot ni Brandon sa kanya, “wala ka naman sigurong kakambal?” ang tanong ni Brandon.

Mabilis siyang umiling sa tanong nito sa kanya, “Uh wala, wala akong kakambal” ang mabilis na tanggi niya.

“Sino ba yung, May na yan? Girlfriend mo?” ang patay malisya na tanong niya, gusto niyang malaman kung ano ba si May kay Brandon.

Bahagyang natawa si Brandon kasunod ng pag-iling ng ulo nito at nakangiting tiningnan nito ang hawak na lata ng beer.

“Uh, hindi – hindi, hindi ko masasabi na girlfriend ko siya” ang nakangiting sagot ni Brandon sa kanya.

“Eh hindi pala bakit interisado ka?” ang usisa ni Justinne habang malakas ang kalabog ng tibok ng kanyang puso.

“Kasi nga hawig mo siya, then, uhm, may nangyari kasi” ang matipid na sagot ni Brandon sa kanya at tiningnan siya nito sa kanyang mga mata. Mabuti na lamang at madilim ng oras na iyun dahil sa dama niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi at alam niyang namumula siya.

“I really like her, pero, napagkasunduan namin na hindi na magkita kaya, tinanggap ko at iginalang ang pasya niya” ang sagot ni Brandon sa kanya.

“May gusto ka ba sa kanya?” ang umaasang tanong ni Justinne kay Brandon. At mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya habang hinihintay ang sagot ni Brandon. Sumandal pa siya sa backrest ng armchair, ipinatong niya ang kanyang sakong sa kanyang kaliwang tuhod para magde-kwatro at ipinatong niya ang kanyang kamay sa paa niyang nakapatong sa kanyang tuhod at saka siya uminom ng beer.

Si Brandon ay uminom din ng beer at katulad niya ay nag-dekwatro din ito. Napabuntong-hininga ito at kumiling ang ulo nito para siya tingnan.

“Sa totoo lang, kakaiba ang babaeng iyun, may similarities nga ang ugali ninyo, pareho kayong mga parang pusa na palaban, siya pa lang ang babaeng nakuha akong sagot-sagutin” ang pag-amin ni Brandon.

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon