Chapter 33

1.3K 101 32
                                    

Pinagmasdan ng mga mabibigat ng mga mata ni Brandon ang ibabaw ng mesa. Halos takip na ang kanyang mga mata dahil sa pamumungay ng mga iyun, habang nakatitig siya sa mga nagkalat na mga baso, ice buckets, lata, at iba’t ibang mga bote ng alak. Naghalo-halo na ang mga alak na kanilang ininom at sa tingin niya ay nag-rambulan na ang alcohol sa kanyang tiyan at umakyat na sa kanyang ulo.

Pag-uwi niya kahapon galing ng Aurora ay dumiretso muna siya sa isang convenient store para bumili ng beer at gusto niya na pagpasok niya sa kanyang unit ay iinom siya agad ng beer hanggang sa dalawin na siya ng antok at wala ng anuman o SINUMAN ang uokupa ng kanyang isipan.

Ilang araw din siya na hindi nakatulog ng maayos sa Aurora simula nang muntik na niyang halikan si Justin habang tulog ito sa loob ng kanyang kwarto. Pilit niyang nilabanan ang kakaiba at nakakatakot na nadarama ng kanyang puso.

Pero kahit na anong gawin niyang pag-abala sa kanyang sarili, ay hindi pa rin naalis sa kanyang isipan si Justin. At hanggang sa mga sandali na iyun, na magpasya siyang yayain ang mga kaibigan niya para uminom at lunurin ang kanyang sarili sa alak, ay hindi pa rin nabubura ng alcohol ang imahe ni Justin. At muli niyang naalala ang mukha nito kahapon. Habang kausap niya ito sa loob ng bahay na inuupahan nila at nang sabihin niya na mauna na itong umalis dahil sa hindi naman na ito kailangan sa site.

Oo nga at hindi na ito kailangan sa site nang oras na iyun, pero hindi iyun ang dahilan para pauwiin niya ito ng mas maaga. Gusto niya na umiwas dito, dahil sa gulong- gulo na siya sa kanyang nadarama. At alam niya, that he would do something stupid kung hahayaan pa niya ang sarili na mapalapit kay Justin.

He took a swig on his can of beer, at pumikit-pikit na ang kanyang mga mata dahil sa hilo na kanyang nadama. Mukhang magiging effective ang pag-inom niya, he was so wasted that his mind would be free of Justin’s image.

Nang may maramdaman siyang palad na lumapat sa kanyang kaliwang hita at pinisil iyun. He slowly bowed his head and looked at the well manicured hands na nakapatong sa kanyang hita at dahan-dahan na umangat ang kanyang mga mata para tingnan ang nagmamay-ari ng kamay na iyu.

Hindi na niya masyado maaninag ang mukha nito, he was so groggy, at umiikot na ang kanyang paningin.

“Hey, okey ka pa ba?” ang tanong nito sa kanya. Her voice was like wine, it was warm and silky. She’s beautiful, she’s a stunner, alam niya dahil sa napansin niya ito agad at niyaya na umupo sa kanilang lamesa with the rest of the other girls na kasama nito.

“Of course babe I’m okey” ang sagot niya rito na may ngiti sa kanyang mga labi at inilapit niya ang kanyang ulo sa babae. Hinawakan niya ang batok nito at hindi man lang ito umiwas nang ilapat na niya ang kanyang mga labi rito. Her lips were soft and an expert. He felt her tongue skimmed his lips, and he too tasted hers, at narinig niya ang ungol sa lalamunan nito. She pulled her head and whispered in his left ear.

“Your place or mine?” ang bulong nito sa kanyang tenga sabay marahan nitong kinagat ang malaman na parte ng kanyang tenga.

Tiningnan niya ang mukha nito, pero hindi mukha na unfamiliar to him ang kanyang nakita, kundi ang mukha ni Justin na nasaktan sa kanyang sinabi kahapon.

And he quickly pulled his head away  from her, giving his face enough distance away from her face.

“Brandon?” ang taka na tanong nito sa kanya. He shook his head at nahihilo man ay bigla siyang tumayo.

“Oh Brandon pare?” ang taka na tanong ng mga kaibigan niya sa kanya.

“Hey Brandon?” ang muling narinig niyang boses ng babae.

Kinuha niya ang kanyang pitaka, he pulled a few bills at in ihagis niya iyun sa ibabaw ng mesa na unti-unti nang lumalabo sa kanyang mga mata.

“Oh saan ka pupunta?” ang taka na tanong ng kanyang mga kabarkada sa kanya.

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon