Chapter 32

1.3K 106 28
                                    

Hinayaan ni Brandon na hugasan ng malamig na tubig na mula sa gripo ang init na nadarama ng kanyang katawan. Nakailang buhos siya ng tubig mula sa tabo, binanlawan na niya ang sarili. Nahugasan na ang sabon na nasa kanyang katawan, ngunit hindi pa rin agad nawala ang init ng kanyang ulo.

He never felt so much rage in his life, so much, possessiveness, ang sabi ng kanyang sarili. Ni minsan ay hindi siya nakadama ng sobrang selos. Kahit pa, sa kanyang mga kapatid ay hindi siya nakadama ng selos sa mga magulang nila. Oo, sa tingin niya ay may competition, pero walang selos na namayani sa kanyang dibdib.

Not until that moment, nang marinig niya ang mga boses nina Justin at Lei sa loob ng kwarto at nang maalala pa niya ang kanyang panaginip ay kakaibang damdamin ang biglang nanghimasok sa kanyang dibdib. Ang itim na ulap na nasa itaas ng kanyang ulo ay tuluyan na siyang nilukuban.

At nang makita niya sina Justin at Lei sa kama ay muntik nang magdilim ang kanyang paningin sa babaeng, minsan na niyang naangkin.

He can’t imagine Lei, running her hands on Justin’s scrawny body, somehow, he felt that, Justin was his.

At mas lalo pa siyang nainis nang lumabas si Justin para sabihin na kay Oakley ito matutulog, uh-uh no way! Ang sigaw ng kanyang isipan. Mukhang mas tipo ni Justin si Oakley kaysa kay Lei, at hindi siya papayag na magkalapit mas lalo na ang magkatabi ang dalawa!

What’s happening to him? Ang tanong ng isipan niya. Muli siyang nagsalok ng tubig mula sa balde gamit ang tabo, at muli siyang nagbuhos ng malamig na tubig sa kanyang ulo at dinamdam niya ang tubig na dumaloy sa kanyang hubad na katawan.

Makailang ulit pa niya iyun na ginawa saka niya inihagis ang tabo sa balde at kanyang inilapat ang kanyang mga palad sementadong pader ng banyo. He leaned his arms and hang his head, while the water drips from his head down to his face.

Nagkakagusto na siya kay Justin, God! Nababakla na siya! Pero bakit? He was a healthy man who loves the body of a woman! Ka hot pa ang mind blowing sex niya with a virgin May, ay unti-unti nang nawala sa kanyang isipan. Nabura na iyun ni Justin.

He has to stop this! Kailangan niyang tiisin o LABANAN ang kanyang nararamdaman! Hindi siya dapat mabakla! Ano na lang ang sasabihin ng mga kapatid niya? Mas lalo lang siyang pagtatawanan ng mga ito! Would his dad gave him the seat kung isang baklita ang anak nito? Siya ba na blacksheep ng pamilya ay ang “rose amongst the thorns?” ang giit na tanong niya sa kanyang sa sarili.

Mukhang tama si Lei sa kanya, nababaliw na nga siya, nababaliw na siya dahil sa nagkakagusto na siya sa isang lalaki! For pete’s sake! Ang panaghoy ng isipan niya. He has to be strong, kailangan niyang labanan ang kanyang nadarama, hindi niya tatanggapin na nababakla na siya.

Inis na kinuha niya ang towel na nakasabit sa hook sa likod ng pinto, at saka niya itinapis iyun sa kanyang bewang. Lumabas siya ng banyo, at saka siya naglakad patungo sa kanyang kwarto at pagtulak niya ng pinto ay agad na tumambad sa kanyang mga mata ang natutulog na si Justin sa kanyang katre, at agad naman na bumilis ang tibok ng kanyang puso.

“Puso, huwag please, huwag kang tumibok ng ganyan” ang bulong niya sa kanyang sarili at mahigpit na pumikit ang kanyang mga mata. At umiwas na siya ng tingin rito, humakbang siya palapit sa kanyang bag, nag squat para kumuha ng gym shorts na isusuot niya na pantulog.

He put his legs and pulled the gartered shorts up to his waist bumunot rin siya ng isang t-shirt at isinuot niya iyun. Kasalukuyan niyang hinihila pababa ang laylayan ng suot na t-shirt habang naglalakad siya palapit sa katre at tumigil siya sa tabi nito.

Ang puso niyang trinaidor na naman siya ay muling bumayo ng mabilis sa loob ng kanyang dibdib habang ang mga mata niya ay napako sa imahe ni Justin na payapa ng natutulog sa ibabaw ng kanyang kawayan na katre.

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon