Chapter 31

1.3K 104 42
                                    

“Uh Lei” ang sambit ni Justinne at nakaramdam ng kaba ang kanyang dibdib lalo na nang makita niya sa kanyang harapan si Lei na nakatapis lang ng tuwalya. At mukhang, mula sa banyo ay dumiretso ito sa kanyang kwarto dahil sa basa pa ang buhok nito at halata na kakaligo lang nito at sumasamyo sa kanyang ilong ang mabangong amoy ng chamomile na katulad din ng amoy ng tubig na kanyang ipinaligo kanina lamang.

“Uhm, matutulog na ba tayo?” ang tanong ni Lei sa kanya at napansin niyang isinara nito ang pinto at ipinasok ang hook sa eye bilang lock ng pinto, at napalunok na lang siya.

Nakalimutan niya na kasama nga pala nila si Lei sa bahay at hindi pumasok sa isipan niya kung saan ito matutulog. At ng mga sandali na iyun ay mukhang nakapagdesisyon na si Lei kung saan ito matutulog.

“Uh Lei, uh, hindi ka ba muna magbibihis?” ang tanong niya kay Lei na parang pusa na dahan – dahang naglalakad papalapit sa kanya na ang mga kamay nito ay nakapulupot sa ilalim ng dibdib nito kaya naman halos lumuwa na ang mayayaman na dibdib nito sa suot nitong kapiranggot na tuwalya na, kapag dumukwang ito ay kita na ang pisngi ng pwet nito o kung lumiyad naman ay siguradong kita na ang pisngi ng kalangitan nito.

“Uh, mamaya na” ang sagot nito sa kanya na habang ang mga mata nito ay nakapako sa kanya habang naglalakad ito papalapit sa kanya. She look like a seductress at alam niya na sa mga lalaki ay siguradong maglalaway na ang mga iyun. Pero para sa mga LALAKI IYUN.

Humakbang paatras si Justinne pero, wala na siyang iaatras pa, at bumangga ang kanyang alak-alakan sa gilid ng katre at napaupo na lamang siya sa kama na kawayan.

At nang tumayo na ito sa kanyang harapan ay inalis nito ang mga kamay sa pagkakahawak sa maikling towel nito at kasabay ng pag-alis ng mga kamay nito ay kasunod rin ang pagkakahulog ng tuwalya na tanging tapis ng katawan nito.

At awtomatikong pumikit ang kanyang mga mata nang mahulog ang tuwalya nito pero pahapyaw na nakita na ng kanyang mga mata ang kahubdan nito.

““Uh, Lei, uhm ah, i-isuot, ibalik mo yung towel mo sa pagkakatapis” ang pakiusap niya kay Lei habang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata ng mahigpit at halos tumalon ang kanyang pwet sa kama nang maramdaman niya si Lei na naupo sa kanyang tabi, ganun na rin ang paglangitngit ng kawayan na katre nang maupo ito at siya naman ay umurong ang pwet paatras para lumayo kay Lei.

“Hi hi hi” ang bungisngis ni Lei at umurong ito papalapit sa kanya at naramdaman ng kanyang mga tuhod ang malalambot na balat ng hita nito nang dumikit ang mga tuhod niya sa hita ni Lei.

At halos tumalon siya paatras nang maramdaman niya ang mga kamay ni Lei na humawak sa kanyang mga hita na tanging jogging pants lang ang namamagitan sa hita niya sa malambot na palad nito.

Pinisil pa nito ang kanyang hita bago ito nagsalita, “magrelax ka nga, you look so tense” ang malanding saad pa nito sa kanya.

“Saka, I sleep naked under the sheets” ang mapang-akit na sagot ni Lei kasabay ng pagtunog muli ng kama nang muling umurong ito para dumikit sa kanya. At bahagya niyang ibinuka ang talukap ng kanan niyang mata para makita ang ginagawa ni Lei sa kanyang tabi. Pero, hindi na niya naituloy ang pagbuka ng kanyang isang mata nang maramdaman niya ang mga kamay ni Lei sa laylayan ng kanyang suot na t-shirt.

“Magpalit na ka ng damit” ang halos pabulong na sabi nito.

“Uhm, Lei, wag sandali!” ang malakas at mariin na pagtutol niya at hinawi niya ang mga kamay nito na nakahawak sa laylayan ng suot niyang t-shirt. At tila ba sagot sa  kanyang panalangin nang marinig niya ang boses ni Brandon mula sa labas na malakas na kinakatok ang pintuan ng kanyang kwarto.

“Justin!” ang sigaw ni Brandon mula sa labas ng pintuan.

“Justin open-up!” ang hiyaw pa nito habang malakas na kinakatok nito ang kahoy na pinto.

I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon