TD 01

1.2K 32 1
                                    

Tinitigan ko ang kabuuhan ko sa salaming nasa harapan ko, suot ang unipormeng pinangarap kong suotin. This is it, i am now going back to school.

I am currently a 3rd year highschool. Dapat nga ay 4th year na, kaya nga lang, ay sa hindi inaasang pangyayari, naulila ako. My father died because of heart attack while my mom, well, she left us. Sinabi niyang magtatrabaho lang siya sa japan, pero ang pagtatrabaho ay nauwi sa pagpapamilya. Nakapangasawa siya ng hapon at ngayo'y may maganda ng pamilya. Hindi manlang inisip kung anong estado namin dito sa pilipinas. Hindi inisip na nagawang isuko ng anak niya ang bataan para makapag aral.

"Ano girl, tutulala ka nalang sa salamin? Aba, sayang scholarship uy!"

Napalingon ako at ngumiti sakanya. She's Jane Fabella, my dorm mate. Napailing ako sakanya at inayos ang itsura ko sa salamin.

"I just cannot believe this is happening." i said while combing my hair using my fingers.

"Oh yan nanaman siya, pang ilang beses mo na bang sinabi yan simula nang dumating ka dito? Tara na nga at pumasok na!" sabi nito at kinuha ang bag kong nakasabit sa likod ng pinto sabay hila saakin palabas. Habang naglalakad, nakaramdam ako ng pagkakulo ng sikmura ko. Oo nga pala, hindi pa kami nag aalmusal pero wala naman sakin yun. Sanay na akong hindi kumakain.

"Physics daw ang first subject natin. Grabe lang, hasaan agad ng utak?" reklamo ni Jane. Natawa naman ako sa iniasta nito.

"Madali lang ang physics.." sagot ko rito na ikinagulat naman niya.

"Madaling ano, madaling ibagsak?!" at sabay naman kaming natawa. Hindi nag tagal, nakarating na kami sa room. Marami nang estudyante ang nandoon. Base sa itsura nila, mukhang ginto talaga ang kinakain nila. Naupo kami sa medyo likurang parte ng classroom dahil ang mga katulad kong mahirap, hindi dapat nakikipagsabayan sa mga mayayaman. Napatingin naman ako sakanila. Kahit pakikipagusap lang sa kapwa kaklase, english at may accent pa. Mukha silang mga walang pinoproblema sa buhay hindi katulad ko. Napahinga naman ako ng malalim at tumingin sa labas ng bintana.

'Makakaahon din ako..'

Napaiktad kaming lahat ng biglang umalingawngaw ang tunong ng bell hudyat na oras na ng klase. Lahat ay nagsiayos ng upo nang pumasok ang lecturer.

"Good morning, class!" malakas na sabi nito at lahat naman kami ay nagsitayuan at bumati.

"I am your lecturer in physics. Mabait ako sa mabait, so be good or else maghanap kayo ng bagong teacher ninyo. Ayoko sa lahat nambabagsak, so do your job and i'll do mine." sabi pa nito at kumuha ng whiteboard marker mula sa case na dala niya. Sinulat nito sa whiteboard ang buong pangalan niya.

'Macey Bartolome..'

"But before anything else i want–"

*knock knock knock*

Napalingon kami sa pinto nang marinig naming may kumatok. Sumenyas siya samin bago lumapit si Ms. Bartolome sa pinto at binuksan ito. Sinilip nito ang kumatok at tila ba'y natuwa pa siya base sa ekspresyon ng mukha niya. Sandali pa silang nag usap bago bumalik si Ms. Bartolome sa harapan at nagsalita.

"Sana mabait at madali lang siya magturo.." bulong ni Jane sa gilid ko.

"Wag kang mag alala, magtutulungan naman tayo kung nahihirapan eh." sabi ko rito at ngumiti.

"Class," napalingon kami kay Ms. Bartolome nang magsalita ito, "since i've heard na karamihan sainyo rito ay transferees, i want you all to meet the supreme student council's president.."

Ang ibang estudyante ay nagtilian pa ng marinig ang anunsyo ni Ms. Bartolome. Bakit, sino ba yan?

"Everyone must follow his rules.." dagdag pa ni Ms. Bartolome, "and he came today, para sabihin lahat ng patakaran sa eskwelahang ito. You have two choices, to follow or to leave." nakangiti pang dagdag nito.

Sandaling katahimikan ang namutawi pagkatapos sabihin ng lecturer ang mga katagang iyon. Napakunot naman ang noo ko, paniguradong makapangyarihan ang SC president na 'to..

"Miss, can i come in already?" rinig kong sabi ng taong nasa labas ng pinto. His voice is familiar.. Too familiar.

"Yes, Mr. Delavid."

I knew it.

Dahan dahan akong napalingon dito. Naglakad ito sa harap suot nanaman ang kakaibang ngisi. His hair are so messy, pero kahit ganon hindi siya nagmumukhang dugyot. Nilibot nito ang paningin na para bang inoobserbahan kami isa isa. Parang sasabog ang dibdib ko nang magtama ang paningin naming dalawa. Para bang bumalik sa ala ala ko ang nangyari samin nung gabing iyon.

Erase! Erase!

"Good morning, i know some of you know me already, but for the others, i want to introduce myself. I am Klyde Delavid, the supreme student council's president."

Talaga? President pa siya? Tapos ganyan gawain niya?

Sabagay, anak nga pala siya ng mayari, bakit pa ako nagulat? Pero, alam kaya ng mga magulang niya na ganong paraan ang ginagawa niya para magbigay ng scholarship sa mga walang kakahayahang mag aral?

Nanatili akong nakatingin dito, at para akong naistatwa sa kinauupuan ko nang bigla itong tumingin sakin. Napalunok pa ako nang isang makahulugang tingin ang ibinigay niya sakin.

"and i want YOU,"

...

W-what?

"to follow my rules."

The Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon