"How was it?" Klyde said, waiting for my response. Nginuya ko muna ng maayos ang pagkain bago ko hinusgahan kung ano ba ang lasa.
"Anong tawag dito?" sabi ko pa bago tuluyang lunukin ang kinakain. Sa pagkakaalam ko, octopus ata ang isang 'to.
"Pulpo a la gallega," he answered, pertaining to the food. His eyes are focused on me and still waiting for my response.
"Ah," i nodded, sabay kuha ng baso ng tubig sa gilid. "Yung pangalan niya parang yung lasa, hindi ko maintindihan eh,"
He shook his head and took another bite. Ako pa kasi pinag-tanungan niya, eh hindi nga ako nakakapunta sa mga ganitong restaurant. Hindi naman familiar ang dila ko sa mga dolyares na pagkain. Tapsilog, hotdog at itlog ang hinahanap ng bibig ko eh.
Pero thankful rin ako kay Klyde, kahit papaano, napaparanas niya ako sa mga ganitong kainan. Katulad ngayon, lahat ng gastos ay sinasagot niya. Alam niya rin naman kasi siguro na wala akong budget para sa mga ganitong bagay. Lahat ng budget ko, nakaplanado na.
Ilang minuto rin kaming kumain bago natapos. Saglit muna kaming mag-papahinga bago umuwi. Sa gitna ng katahimikan, kinuha ni Klyde ang wallet niya at may inilabas na kung anong bagay mula sa loob.
"Here,"
Muntik ko nang masuka ang kinain ko nang ipatong niya sa lamesa ang isang debit card! Inaabot pa niya ito sakin dahil inusog niya pa papunta sa gawi ko!
"A-ano yan!" Gulat na tanong ko habang nakaturo pa sa card. Bakit niya ako binibigyan ng ganyan?
"Iyo yan, jaan ko ihuhulog ang allowance mo per month. Miscellaneous fee, maintenance mo, and all,"
Seryoso ba siya?!
Tinitigan kong maigi ang card na binibigay niya. Talagang akin nga ito dahil may pangalan kong naka engrave sa harapan.
"P-pero bakit?" hindi makapaniwalang sabi ko habang pinapalipat lipat ang tingin ko sakanya at sa card.
"We made a deal, right?"
Ah oo nga pala!
Muntik ko nang makalimutan yung napagkasunduan namin. At nang sabihin niya iyon, doon na ako nalinawan. Siya nga pala ang sasagot sa lahat ng gastos ko sa eskwelahan. Napatango nalang ako sakanya at tinanggap na ang card.
"Thank you!" masiglang tugon ko at binigyan siya ng malawak na ngiti. Kinuha ko ang bag ko sa gilid at doon ko itinago ang card.
Tinaasan naman ako nito ng kilay. "Thank you?"
Parang bata naman akong tumango sakanya. "Mhm! Salamat sa card hehe,"
"Tss," he grinned and looked at me straight in the eyes,
"You have a task, remember?"
And i remembered.
Our deal.
Holy Moly.
—
Day after day, schoolworks are getting heavier. Overload na talaga. Nalalapit na rin kasi ang examinations, and also, the Foundation Week.
Kanina, nakatanggap ako ng mail na nagsasabing magkakaron ng meeting mamaya ang booth na sinalihan ko. Kailangan na raw naming mag-plano para hindi na kami gagahol pag dating ng event. Okay lang naman sakin ang idea na 'yon dahil tama nga naman, para hindi na kami aligaga pag dating ng oras.
BINABASA MO ANG
The Deal
RomanceIn a strenuous world where an ordinary girl named Bree Flores needs to be a slave under a Supreme Student Council's President; Klyde Delavid who happened to be a 'Sex Maniac' in order to live the life that she ever wanted. Is she gonna make it? [...