Klyde's POV
After my quick class, walang pahi-pahinga't nagtungo agad ako papuntang office para gawin ang mga nakataka as a handler of the school. Hindi naman ako yung totally gumagawa ng lahat, pero halos lahat ng mga importanteng papeles, ako ang nagchcheck at pumipirma.
"These are the papers you need to sign up, Pres." My secretary- or the SSC's secretary said, while holding a piles of papers and folders.
"Nandito na rin ba ang mga planned events for the upcoming foundation week? Next month na rin pala 'yon," I said, before getting the piles of files from her arms. Medyo makapal ang mga ito. Mukhang gagabihin pa 'ko bago matapos basahin ang lahat.
"Yes, Pres. Lahat ng suggestions ng students ay najaan na din. Kinuha ko rin lahat ng laman ng drop box para naman masigurado talagang makuha natin lahat ng ideas ng mga students,"
"Okay, good. Thanks Shane," iyon nalang nasagot ko sakanya. She bid her goodbye before walking out of the office. She still have classes to attend.
Umaga palang pero ramdam ko na ang pagod habang tinitignan sa lamesa ko ang lahat ng mga papeles na kailangan kong icheck at pirmahan. As a president, kailangan kong masiguradong malinis ang bawat papel na pipirmahan ko dahil baka ikapahamak pa ng eskwelahan kung pipirma lang ako nang pipirma.
And if ever that happens, my Dad would probably kill me.
Mataas pa naman ang expectations nila sakin. They really sees me as a great son, and so far, maayos ang nagagawa ko para sa eskwelahan. I can say that, nagiging responsable naman ako sa kabila nang pag gigimik ko. Kaya siguro up until now, I have their 100% trust. Hindi ko dapat masira iyon.
Mabilis ko munang inubos ang cold coffee na iniinom ko, na dala rin ng secretary kanina bago sinimulan ang gawain. I need to start this shit para matapos na rin agad. Isa isa kong sinuri bawat papel, at ang lahat ng barumbadong suggestion ay dinederekta ko na sa basurahan.
'Pahabaan ng dura contest po! O kaya pataasan ng ihi hehehehe..'
'Sleeping contest, sinong magising talo lmao,'
'Patayan tayo for one day,'
Napailing na lang ako. These students, really..
Nasa kalagitnaan nako ng pagbabasa ng files nang maramdaman ko ang pag kalam ng tiyan ko. Oh yeah, I forgot to take breakfast. Napatingin ako sa orasan at nakitang mag 11:30 na ng tanghali. Naisipan kong pumunta na ng cafeteria para kumain breakfast and lunch.
Brunch, it is.
"I'll go after these 3 papers," Sabi ko pa sa sarili ko at nagsimula ulit magbasa ng files. Nang nasa 2nd to the last file na 'ko, napakunot bigla ang noo ko nang makakita ng kulay pink na papel, with glittered hearts design nang buksan ko ang folder.
'Ano 'to?'
I felt the cruelty of life when my path crossed with yours
I wanted to blame you for that, but I know in myself that I can't.
Because I admit, It was also nice being with you.
May isang tao lang na pumasok sa isip ko pagkabasa ko ng letter na 'yon.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakaharap sa kulay pink na letter na hawak ko.
Fuck, this is so gay!
-
Bree's POV
Tama ba 'tong ginagawa ko?
Napapakagat nalang ako ng labi habang tinitignan 'tong art materials na nasa harapan ko. I even woke up early just for this.
Huminga nalang ako ng malalim bago isa isang nilabas ng colored papers sa supot nito. Bahala na kung anong kalabasan, kahit hindi ko rin sigurado kung magugustuhan niya ba o maappreciate man lang. And knowing that guy, parang ang hirap niyang mapasaya.
Argh, bahala na talaga!
I started to make a letter, with pink cute glitters sa harap. Gusto ko pa sanang baguhin kasi parang masyadong girly, pero wala na akong oras! May pasok pa akong kailangan kong attendan. Physics pa naman ang isang iyon.
Hindi na ako gumawa pa ng madrama o mala essay na letter sa loob. Simpleng letter lang, pero totoong nararamdaman ko.
Totoong mga gusto kong sabihin sakanya.
After 20 minutes of making, inipit ko na ito sa isang notebook ko at nagsimula nang mag ayos para pumasok ng first class.
"Hi, I am the secretary of Supreme Student Council and I am here to collect your suggestions for the upcoming foundation week next month, palagay nalang sa folder na ito lahat," Sabi ni Shane at nilagay ang folder sa teacher's table sa harap.
Hinayaan ko munang maunang makapagpasa ang mga kaklase ko, because I have a plan. Nanatili lang akong nakaupo sa gilid hanggang makita kong nakapagpasa na ang lahat.
Maingat pa akong tumayo at naglakad papunta sa harapan. Pasimple kong pinasa ang suggestion paper ko sa loob ng folder, kasabay nang pag-singit ko ng pink letter sa hulihang parte. Sana naman ay walang ibang makakita bukod kay Klyde!
Pagkatapos ng klase, agad na rin akong niyaya ni Jane sa cafeteria para kumain.
"Wait girl! Naiwan ko wallet ko, una kana para makapagsave ka ng table for us!" nagmamadaling tugon ni Jane at patakbong umakyat ulit papuntang classroom. I just shrugged my shoulder off and walked towards cafeteria.
Hindi pa man nakakarating, napahinto ako sa paglalakad nang makakita ako ng pares ng sapatos na tumigil at humarang sa harapan ko.
Unti unti kong inangat ang ulo ko para makita ko kung sino iyon.
Laking gulat ko na lamang nang makita ko siya sa harapan ko, with a big smile on his face. Inangat niya ang kamay niya, at doon makikitang, hawak hawak niya yung pink letter na ginawa ko kanina.
"Nice letter,"
*
Readers of DWTSM, please let me know kung may opinions kayo ha. Kung naguguluhan din kayo sa takbo ng storya para malaman ko kung anong babaguhin hehe.
BINABASA MO ANG
The Deal
RomanceIn a strenuous world where an ordinary girl named Bree Flores needs to be a slave under a Supreme Student Council's President; Klyde Delavid who happened to be a 'Sex Maniac' in order to live the life that she ever wanted. Is she gonna make it? [...