TD 10

705 29 2
                                    

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa unit ni Cyline. Pinapunta niya raw ako para naman may nakakausap daw siya. Andami niyang inorder na pagkain, dadalawa lang naman kami bakit grabe grabe naman ata?

"Go lang sis, libre lahat nang yan kuha kalang." sabi ni Cyline at patalong naupo sa sofa kaharap ko. Hindi na ako nagpaatubili pa at kumuha na ng pagkain. Pizza, pasta, fries, mashed potatoes, fried chicken and barbeque. Antagal na ata bago ako nakakain ng mga 'to ah, last na kain ko ata eh nung buhay pa si daddy. Nung mga panahong okay pa ako, at hindi nahihirapang isipin ang kakainin ko. Ngayon namuhay na ako magisa at natuto narin akong kumayod para sa sarili ko.

"Sis, i just wanna know, kamusta naman si Klyde sa school?"

Napatigil ako sa pag nguya at napatingin sakanya. Kinuha ko ang isang basong soft drinks sa harap ko at tinungga iyon.

Yung boyfriend mo na yon? Ayon, maharot na.


"Hindi naman kami close k-kaya.. hindi ko alam hehe. Tanungin mo nalang siya." sabi ko at kumain ulit.

"Ayun na nga eh! Everytime i ask him if nagpapakabait ba siya sa school or what, tinatawanan lang ako! Tss, whatevs, ano pa bang bago sakanya."

Nanatili nalang akong tahimik pagkatapos ng linya niyang yon. Baka mamaya kung anong masabi ko na ikasira pa ng image ng lalaking 'yon.


Speaking of, 3 days straight na kaming hindi nakakapagkita. Wala narin akong balita sakanya at kung ano nang nangyayari sakanya. Mabuti na yung ganito, iwas muna tayo sa gulo para walang distraction.

"Oh! Ako na!" masiglang tugon ni Cyline at tumayo mula sa kinauupuan niya. Sinundan ko lamang ito ng tingin nang maglakad siya papunta sa pinto nang makarinig kami ng tunog ng doorbell.


"Klydeyyy!" biglang tili ni Cyline na ikinagulantang ko.


Napaubo ako dahil nasamid ako ng sarili kong kinakain kaya muli akong nagsalin nang inumin ko at tinungga iyon. Shit, tama ba ang rinig ko?


"Ouch, Cy. Ang bigat mo!"

"I missed you so much, my boy!"

"I missed you, too!" natatawang tugon ni Klyde dahil halos sumampa na si Cyline sakanya.

Tama pa bang andito ako? O alis na lang ako? Third wheel lang ako dito eh.

"Oh- Bree?" rinig kong sabi ni Klyde sa gilid ko.

Shit eto na nga ang sinasabi ko eh.

Dahan dahan akong lumingon sakanya at binigyan siya ng isang pilit na ngiti. Inangat ko pa ang isa kong kamay para mag-hi sakanya.

"Long time no see, where have you been?" kunot noong sabi nito habang naglalakad papunta sa tabi ko.

Bakit ka ba tumatabi sakin, yung jowa mo asa harapan oh!

"A-ah.. Haha! Naging busy sorry. Walang time for hang outs." natatawa kunwaring tugon ko sabay kuha ng maraming fries sa tray.

"Guys, wait lang ha, imma take a shower muna 'cause may schedule ako later after we chika chika. Jan muna kayo, babush!" maarting sabi ni Cyline at dumerederetso sa kwarto niya.

Ilang minuto pang namutawi ang katahimikan samin. Ako, busy sa pag ngunguya. Siya, busy sa tv. Palibhasa, SPG ang palabas.

"Funny isnt it? Ang small world.." biglang usal nito.

Tumingin lang ako sakanya at tumango.

"Oo nga eh, hindi ko inexpect na yung 'tumulong' saakin para makapag-aral, ay boyfriend ng taong tumutulong saking makakain."

Bahagya pa siyang natawa sa sinabi ko.

"Why? What's funny? May mali ba sa sinabi ko?" tanong ko pa rito.

Umiiling iling ito, "wala naman. Lahat naman tama."

So..

Sila talaga?

Eh ano namang pake ko?! Edi sila!

"But, there is something you need to know."

"Hm?" walang ganang tanong ko at ngumuya nguya ulit.

"Na, yung relasyon namin, is just friendship." natatawa niyang sambit.

"Ano?!"

Napalakas ata ang sabi ko..

"Haha! We've been friends since we where 11 ata, kasi lagi kaming sinasama ng parents namin sa work kasi walang magbabantay. Sakto naman, siya lagi nakakalaro ko so we became friends. We are actually, childhood friends."

Hindi ako makapag-salita sa narinig ko.

Ganon pala?


"Pero.. you like her, right?"

Tumingin siya ng deretso sa mga mata ko at biglang ngumiti. Isang malawak at totoong ngiti na talagang lalabas sa mukha ng isang tao kapag masaya. Tumingin siya sa bintana nang hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya.

"Yes, ofcourse."

The Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon