Bree's POV
Napuno ng tili ang buong kwarto dahil sa boses ni Jane. Medyo nag-aalala pa 'ko dahil baka rinig siya sa mga kabilang kwarto at mareklamo pa kaming dalawa.
"Hindi nga?! Totoo ba 'yan?!" hindi makapaniwalang tanong nito sakin.
Naikwento ko kasi sakanya yung mga nangyari samin ni Klyde nitong mga nakaraan. Simula sa pag alis-alis namin, pagpuntang arcade center, hanggang sa pag aminan ng nararamdaman.
Pigil ngiti naman akong tumango-tango sakanya. Muli nanaman itong tumili at paulit ulit akong hinampas sa braso.
Masakit 'yon ah!
"Napakaswerte mo, girl! Klyde na yan oh! Ay, ewan ko nalang kung sayangin mo pa 'yan!"
Napakagat naman ako sa labi ko. Ewan ko ba, hindi ko naman magawang aminin sa sarili ko na gusto ko na nga siya. Pero hindi ko rin naman masabing wala nga akong nararamdaman sakanya. Dahil kapag sinasabi ko iyon sa sarili ko, kahit ako mismo, ayaw maniwala.
Dahil iba ang sinasabi ng nararamdaman sa sinasabi lang ng bibig.
"So ano! Ano nang meron sa inyo, kayo na? Ha? Kayo na?!" pag kukulit pa nito sabay hawak pa sa magkabilang balikat ko at inalog alog ako.
Mabilis naman akong napailing sa sinabi niya. "Hindi ah! Wala naman kaming napagusapang ganon, ang usapan, susubukan!"
"Susubukang ano?!" takang tanong pa nito, at tinigilan na ang pag alog sa'kin.
Napaayos ako ng upo at kumuha ng unan para mayakap. "Susubukang palaguin kung anong meron kami. Yung nararamdaman, ganon. Saka, hindi naman ibig sabihin non, eh, kami na. Siguro, nasa first stage palang kami."
"Palang? 'Pa'? Edi may balak?!"
Napaiwas naman ako ng tingin, at napangiti. "I can say na, we're getting into it.."
"AAAAAAA! Bree, ano ba! Ano ba yan! Tanghaling tapat pinapakilig niyo 'ko!"
Bigla naman akong natawa sa naging reaksyon niya. Abang na abang siya sa kwento namin ni Klyde. Gusto niya pa nga sanang magpakwento pero parang wala na rin akong masabi. Hindi ko naman pwedeng ishare nalang basta basta yung mga malalalalim na kwento sakin ni Klyde dahil privacy niya rin 'yon. Siguro, hindi rin naging madali sakanyang ikwento lahat ng 'yon.
Maya maya, bigla nalang nagbukas ulit ng panibagong topic si Jane. At dahil don, natuloy ulit ang kwentuhan namin. Ito ang isang magandang bagay kay Jane, napakadaldal. Hindi ka maboboring kasama siya dahil kahit kakakilala niyo pa lang, papakisamahan kana niya. Nagtuloy tuloy pa ang kwentuhan namin, hanggang sa makarinig kami ng mabilis na pagkatok sa pinto namin.
Pareho kaming gulat na napatingin sa isa't isa. Nagkakapaan pa kami kung sino ang magbubukas, but eventually, tumayo na siya at napagdesisyonang siya na ang sisilip kung sino iyon. Nanatili lang ako sa kama at nakatingin sa kanya.
Naging mabilis at malakas pa rin ang pagkatok sa pinto bago ito buksan ni Jane.
"Kai?!"
Napatayo ako at sumunod kay Jane nang marinig ko siyang magsalita para sumilip. At doon, tumambad ang isang lalaking naka suot pambahay pa. Naningkit pa ang mata ko para kilalanin kung sino siya.
Medyo namumukhaan ko rin siya ah..
Siya yung kumalabit kay Klyde nung nakita niya ko sa labas ng room!
"Bree!" halos papaos na sabi nito dahil hingal na hingal siya. Nagsimula naman akong magtaka sa inaasal niya, kaya naman umalis ako sa likod ni Jane para lapitan siya,
"Anong nangyari sayo?" tanong ko rito habang pinapanood siyang hingalin habang nakahawak pa sa pader para suportahan ang sarili.
"May kailangan kang malaman!"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niyang 'yon, lumingon din ako kay Jane at gaya ko, naguguluhan rin siya.
"B-bakit?"
Huminga muna ito ng malalim bago muling nagsalita,
"Si Klyde, lilipad papuntang Amerika.."
—
"Cinonfiscate pati yung phone niya kaya hindi ka raw macontact. Buti nalang at napahiram siya ng kasambahay nila ng cellphone para macontact kami. Hindi niya rin daw kasi kabisado ang number mo kaya gusto niyang kami nalang daw ang magsabi nito sayo,"
Hindi ako mapakali habang nakasakay na kami ng van papuntang airport. Hindi rin namin sigurado kung maabutan ba namin si Klyde dito pero sinubukan pa rin namin, baka sakali, makita ko pa siya.
Habang nasa biyahe kami papuntang airport, ipinaliwanag din saakin ni Kai ang mga nangyari. Na nalaman pala ng Dad ni Klyde lahat ng kagaguhan na ginawa niya.
"Hindi ko nga maintindihan, ngayon lang nalaman ng Daddy niya lahat ng 'to, nung kailang hindi na niya 'yon ginagawa," tugon pa ni Kai.
"Nakaka-gigil ng laman erp, gusto kong sapakin yung gumawa no'n, siguro inggit kay Klyde 'yon," dagdag pa ni Von habang nag dadrive.
Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ni Klyde sa loob ng van na sina Kai, Von, at Courtney, pati na rin si Jane. Mabilis ang pagpapatakbo ngayon ni Von dahil kahit sila, ay gusto maabutan si Klyde.
Nagsimula narin daw silang maghanap ng connections para malaman kung kanino nang galing ang mga pictures na nakalap ng Daddy ni Klyde. Hindi ko rin maintindihan bakit may gumawa sakanya nang ganito. Wala naman daw nakakaaway si Klyde, ayon sa mga kaibigan niya, na kahit may pagka-barumbado ay kaya niyang umiwas sa gulo. Kaya wala silang makuhang lead kung sino ang posibleng gumawa nito sakanya.
"Jan! Jan mo ipark!" sigaw ni Courtney habang tinuturo ang isang malawak na space malapit sa pasukan ng airport. Mabilis naman itong ipinarada ni Von sa lugar na itinuro niya at tinigil ang makina. Nang maipark na niya ito, isa isa na kaming mabilis na nagsilaban sa van.
Nagsitakbuhan kami papasok ng airport. Pinagtitinginan pa kami ng mga taong nakakasalubong namin dahil lahat kami ay nakasuot pa ng pang bahay at halos gulo gulo pa ang buhok sa pagmamadali.
"Teka, magtatanong ako!" sabi ni Von at tumakbo papunta sa check-in counter.
Naiwan naman kaming nakatayo lang rito, habang palinga linga rin ng tingin dahil baka makita pa namin sila. Napakadaming tao ang nandirito ngayon, at medyo mahirap talagang makita sila isa isa. Karamihan pa ng pasahero o taong nandirito ay nakasuot pa ng sumbrero, shades, at face mask.
Nabalik lang kami sa ulirat nang tumakbo si Von pabalik sa kinatatayuan namin. Kinabahan naman ako ng makita ang itsura niya. Bagsak ang balikat nito at hindi na rin maipinta ang mukha.
Napalunok ako habang inaantay ang balita mula sakanya. Tinignan pa nito isa isa ang mga kaibigan, bago huling tumingin sakin.
"Nakaalis na,"
*
Song for this chapter:
"Darating din ang gabing walang pipigil sa'tin."
BINABASA MO ANG
The Deal
RomanceIn a strenuous world where an ordinary girl named Bree Flores needs to be a slave under a Supreme Student Council's President; Klyde Delavid who happened to be a 'Sex Maniac' in order to live the life that she ever wanted. Is she gonna make it? [...