Hindi nakauwi si Jane sa dorm namin, hindi na raw muna kasi siya pinauwi ng family niya because they want to spend more time with her. Naintindihan ko naman iyon, kaya hindi na rin ako nangulit pang pauwiin siya para lang may makasama ako.
Naglalakad lang ako ngayon mag isa sa loob ng campus. Kakatapos ko lang kumain ng lunch sa cafeteria, at marami pa 'kong bakanteng oras bago ang 1st class ko sa afternoon. Napagisipan kong maglakad lakad nalang muna para maiwas ko rin ang sarili ko sa lunkot at pangungulila sa pagiging magisa, at sa pagalis ni Klyde.
Wala rin kasi akong makasama ngayon. Wala din naman akong ibang kaclose dito. Busy naman ang mga kaibigan ni Klyde sa ganitong oras dahil iba-iba ang schedule nila. Mas matanda sila sakin ng isang taon, Freshman ako while 2nd year college na sila this year.
Ganon pa rin naman ang takbo ng buhay, wala pa rin namang bago. Wala pa ring bagong balita kay Klyde. Wala ring bagong balita sa taong nanira sa kanya.
Nakakadown rin na wala akong magawa para makatulong sa problema na 'yon. Wala rin kasi akong kakayahan, hindi ko alam paano ko gagawin. Wala naman akong kapangyarihan para magawa ang mga malalaking bagay gaya non. Napabuntong hininga na lamang ako habang sinisipa ang mga maliit na bato na madaraanan ko.
"Breeyana!"
I looked up to see the person who called out my name.
He looks familiar to me..
"Naalala mo ba 'ko? I'm Simone. The one you have met before malapit sa office ng SSC?"
Ohh, siya nga 'yun. Binigyan ko nalang ito ng isang ngiti.
"Kapatid ni Shanne, right?" tanong ko pa bilang paglilinaw. Naalala ko lang kasi, yun ang sinabi niya nung nagpakilala siya sakin.
Napatango naman ito at napahagikgik, "Ako nga, buti naalala mo,"
"Muntik ko na ngang makalimutan, buti nagbigay ka ng memory," sabi ko pa at napakamot sa likod ng ulo. Sinabayan ako nito maglakad kahit tahimik lang siya sa tabi ko.
"Saan mo ba balak pumunta?" tanong nito na nilingon pa 'ko.
I shrugged of my shoulders, "Ewan ko, kung saan lang ako dalhin ng paa ko,"
Napatango naman ito. "I know a place, you want to come?"
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Kung sasama ako, baka hindi rin ako makabalik agad. Hindi dapat ako lumayo dahil may classes pa 'kong kailangan kong pasukan mamaya.
Binigyan ko ito ng ngiting mapagpasensya, "Sorry ah, hindi kasi ako pwedeng basta basta nalang umalis. May pasok pa kasi ako,"
"Mabilis lang! Hindi rin tayo mag tatagal," dagdag pa nito at tumigil sa harapan ko para hindi ako makadaan.
Napakamot naman ako sa batok.
"Hindi talaga pwe—"
"Mag-eenjoy ka promise!" masigla pang tugon nito at hinawakan ako sa pulso. At doon na ako naalarma. Bakit ba masyado siyang mapilit?
"H-hindi, ayoko talaga.." sagot ko pa at pilit pang inaalis ang pagkakahawak niya sakin. Pero masyado siyang malakas, hinihigpitan niya pa ang paghawak dito kaya naman nakaramdam na 'ko ng konting kirot.
"Sige na, tara na," muling pamimilit nito at hinihila na ako paalis. Nagsimula na akong kabahan. Hindi ko maialis ang kamay niyang nakahawak sakin, kaya naman napatingin naman ako sa paligid para humingi ng tulong, pero wala nang tao!
"P-pwede ba, ayoko nga sabi!"
"Bakit ba pag si Klyde ang nag-yayaya sayo ang bilis mong mapasama?!"
Tila nagulat naman ako sa bigla nitong pag sigaw sa harapan ko. Bakit alam niya ang ganong bagay sakin? Bakit niya rin kailangang idamay si Klyde dito?
"Eh sa ayoko ngang sumama! Bakit, si Klyde kaba?!" hindi ko na ring napigilang mapasigaw dahil sa inis. Pilit ko pa ring inaalis ang kamay niya pero ayaw niya talagang magpatinag.
Napasinghal naman ito at mababakas na ang galit sa mukha niya.
"Klyde? Klyde pa rin? Nabastardo ko na nga 'yang hayop na yan, pero siya parin ang hanap mo?!"
Natigilan ako sa sinabi niyang 'yon. Halos bumilog talaga ang mata ko sa gulat. At kahit siya, ay nagulat din sa nasabi niya. Mas lalong tumaas ang dugo sa ulo ko, kaya't hindi ko na napigilan pa ang sarili kong masampal siya gamit ang kabilang kamay ko.
"Fuck you! Fuck you for destroying somebody who is making a progress on his life!" nagsimula nang manggilid ang mga luha sa mga mata ko dala na rin ng inis at galit dahil sa tao na 'to. Siya pala, siya pala ang bumisto kay Klyde!
Hindi ako makapaniwala, wala sa itsura niya na kaya niyang sumira ng tao. Tuloy tuloy nang bumagsak ang luha sa mga mata ko. Gusto ko siyang pagsususuntukin sa inis na nararamdaman ko.
Bakit niya ba 'yon ginawa?!
Umigting ang panga nito at napatingin sakin. Hinawakan niya ang pisnging sinampal ko at huminga ng malalim. Medyo nakakatakot pa ang tingin nito dahil namumula mula ang mga mata niya.
Nagulat nalang ako sa sumunod na nangyari. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinanda ang sariling masaktan nang makita kong inangat niya ang kamay niya para saktan ako. Pero laking gulat ko nalang nang may biglang tumulak nalang sakanya galing sa gilid na dahilan ng pagkabitaw niya sakin at ikinalaglag niya sa sahig.
"T-takehiko!"
Hindi pa ito nakuntento at ipinaibabawan si Simone at pinaulanan ng suntok sa mukha. Gulat man, agad kong hinila palayo si Takehiko para awatin dahil kahit nakakailang suntok palang siya, ay pumutok na ang labi ni Simone.
"Don't you dare go near my sister ever again!"
Napabitaw ako mula sa pagkakahawak sa braso ni Takehiko nang marinig ang mga katagang binitawan niya, nanlalaking mata akong napatingin sakanya.
'Sister?'
*
BINABASA MO ANG
The Deal
RomanceIn a strenuous world where an ordinary girl named Bree Flores needs to be a slave under a Supreme Student Council's President; Klyde Delavid who happened to be a 'Sex Maniac' in order to live the life that she ever wanted. Is she gonna make it? [...