TD 03

975 25 4
                                    

"Have you eaten your dinner?" Klyde asked while i'm cleaning myself in the bathroom.


"Hindi pa." sagot ko bago nagpunas ng twalya at nagbihis.


"Why not?! Its late already," di makapaniwalang tanong nito. Sabagay, pag mga mayayaman, sa tamang oras kumakain.


"Nagtitipid ako. Next week mo pa ako mabibigyan ng allowance, wala na kaya akong budget dito." sabi ko sabay labas ng banyo habang pinapatuyo ang buhok. Kunot noo siyang napatingin sakin.


"Oh, bakit?" tanong ko, "alam mo naman background ko diba? Kaya nga ako pumayag makipag deal sayo, because of the benefits," natatawa kong sabi sakanya bago sinampay ang twalyang ginamit ko.


"Ah, yeah." He said and sighed. He stoop up from his seat and walks towards the door. Tinanggal niya ang lock sa pinto at lumabas. I just stared at the door, and sat on the chair infront of my study table. Buti naman at umalis na siya, magagawa ko na ng maayos ang mga kailangan kong gawin. I started to answer my paper works, para naman wala na akong aabalahin pang gawin this weekends. Hindi 'to matatapos kung hindi ko sisimulan.


Quarter to 9 na nang matapos ako sa ginagawa ko. I stretched my arms bago ko inayos ko ang mga gamit ko at umayo. Finally makakatulog na rin, medyo nanakit ang likod ko ro'n. Pahiga na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at tumambad nanaman ang mukha ni Klyde– with a plastic bag in his hand.


"Oh, dinner." sabi nito at inilapag ang plastic bag at coke sa study table ko.

Kunot-noo akong napatingin dito. Palipat lipat ang tingin ko sakanya, at sa plastic bag.

"Wala akong pera pambayad jan–"

"Bukas ka nalang magbayad. If you know what i mean.."

Nakangiwing mukha ang ibinalandara ko sa kanya. "Huh?"

"Idiot." He let out a frustrated sight at inirapan ako bago lumabas nanaman ng dorm ko. Anong problema ng lalaking 'yon?

I shrugged my shoulders at pinaglagpas ang pag aattitude ni Klyde and get the plastic bag that he gave. May supermeal jollibee sa loob. Kumalam ang tiyan ko nang maamoy ko ang pagkain sa loob. Shit, nakakagutom! Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at sinimulan ko nang lapain ang pagkain. Ang tagal na siguro nung last kong kain sa jollibee. Hay, mapapaisip ka nalang talaga kung blessing ba si Klyde o karma, eh.

Saturday. Kailangan kong pumunta kay Cyline para magtrabaho. Meron akong spare key ng unit niya, binigay niya sakin nung una ko palang mamasukan sakanya dahil minsan wala naman siya sa unit pero kailangan linisan.

Pagkapasok ko pa lang sa unit niya, tumambad na agad sakin ang mga damit na nagkakalat sa sahig. Isa isa ko itong pinulot at inilagay sa laundry basket niya. Kinuha ko ang mop sa gilid at sinimulan ang trabaho. Masasabi kong maganda nga talaga tong si Cyline pero napakapabaya. Ang dumi ng tiles, ang daming dikit dikit na pagkain. Pero sabagay, isa siyang artista. Busy na, wala nang oras para mag ayos pa. Minsan ay nakwento niya pang madalas na siyang nakukulangan sa tulog dahil sa schedule niya. Dahil pagkatapos niya mag shooting, imbis na magpahinga ay isusunod niya ang pag momodelo. Pero hindi naman daw siya nagsisi sa ginagawa niya, dahil napakataas naman ng kinikita niya.

Nang maayos ko ang sala niya, sunod akong pumunta sa kwarto. Isa pa din, napakagulo ng bed sheet pati narin ang mga unan. Sabagay, ano ba namang nakakagulat eh simula naman noon ganito na ang tatambad saakin. Kumuha ako ng punda at bedshit para mapalitan ko na. Pati ang kurtina ay pinalitan ko din.

Pinunasan ko rin pati ang mga picture frames na nakalagay sa taas ng kabinet niya. Tinignan ko naman ito isa isa. Bata palang talaga, nagmomodel at nag aartista na siya. Kaya naman ngayon sobrang galing na niya sa ganong bagay. Madalas siyang mapalabas sa mga sikat na palabas kasama ang mga iba pang kilalang artista. Aalis na sana ako nang mahagip ng paningin ko ang isang bagong picture frame na nakasabit sa ding ding. Ngayon ko lang 'to nakita ah? Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang nasa picture frame na iyon.

Si Cyline..

Kasama si Klyde..?

They are smiling and lightly hugging each other..

Are they together?!

The Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon