Bree's POV
I really do not have any idea how to start the plan. To help that Delavid Guy about love. I know it kinda sounds so cringey, Klyde and love in one frame? Hindi ko ma-imagine!
Ilang oras pa akong nakatunganga sa harap ng laptop ni Jane habang nag sesearch ng ways how to learn about love. Pero kadalasan, puro quotes lang ang lumalabas. I sighed and leaned my back on the head board of the bed. Napaisip naman ako bigla.
Kung wala siyang idea about love, ibig sabihin, since birth wala man lang siyang naging karelasyon? So NGSB siya? Hindi nga? Parang hindi naman kapani-paniwala.
Pero sabagay, baka puro flings and momol-mates lang ang meron siya. Pero bakit naman bigla siyang nacurious sa pag-ibig? May plano na ba siyang pumasok sa isang pang seryosohang relasyon?
Saglit pa akong natigilan at napatingin nalang sa kawalan. Ano kayang pwede kong gawin sa mokong na 'yun?
Tila naningkit pa ang mga mata ko nang bigla akong nakaisip ng idea.
Base sa pagkakaalam ko, ways ng guys para mafall ang girl is to court them. To make them feel special, a one of a kind, to make them feel that they are loved. Paano kaya kung..
Nanlaki ang mata ko at agad akong napaayos ng upo.
What if i court him and make him feel special? That he is lovable? That no one can ever be like him?
Teka— tama ba 'tong naiisip ko? Papasa na kaya?
Sinubukan kong umisip pa ng ibang paraan, pero parang natutuyuan na ata ako ng utak. Wala nang mapigang ibang ideya, tuyo't na tuyo't na.
Napakamot naman ako ng bahagya sa ulo ko.
"Bahala na si batman," sabi ko sa hangin at napabalikwas sa kamang kinauupuan ko.
—
Klyde's POV
"Everything's going well, Dad." sabi ko sa kabilang telepono habang pinupunasan ang basa kong buhok. I just got done taking a shower when my dad called para mangamusta sa school.
"You sure ha, I am trusting you with that so make sure to do well," he said over the line.
I silently sighed and nodded, "Yes dad, do not worry too much,"
Their expectations. Nakakapressure.
After a few minutes, the call finally ended.
Napapikit ako at pabagsak na inihiga ang katawan ko sa kama. I let myself rest for a while. Sa aming tatlong magkakapatid, ako lang ang pinagkakatiwalaan ni Dad magpatakbo ng business niya, where little did he know, mas maayos pa nga yung mga kapatid ko kaysa sakin.
My family doesnt have any idea of what i am doing here in the Philippines. They trust me THAT enough. They really work hard for money, while I just freely throw money away—not literally. (Gastador) But well, allowance ko naman 'yon, they gave that to me out of willingness so, ako pa rin ang bahala sa pera. But i know wasting money is not right.
Kinuha ko ang remote sa side table ko para manood ng Netflix sa TV ng kwarto. This is all i do every weekends. Or sometimes, I go to bar with my friends kapag bored sila or wanna jerk off. Pero these days, ewan ko ba, nawalan ako ng interest about bars, girls, sex, and makeouts. I'd rather stay at home to watch series kaysa magloko sa labas.
Yep, and that's WEIRD.
Nasa kalagitnaan na 'ko ng panonood nang kumatok ang kasambahay namin at pinapasabing may bisita ako sa labas.
Napakunot ang noo ko, hindi naman ako nagpapunta ng kaibigan ngayon. I immediately wore a shirt and walk downstairs.
"Sino daw, manang?" I asked my kasambahay.
"Aba'y ewan, nag doorbell la-ang, ikaw ang hinahanap. Aba'y hindi ko rin makilala ang mukha."
Mas lalo na akong nagtaka sa sinabi ni manang. Kung mga kaibigan ko 'to, malamang sa malamang papasok nalang sila rito kahit wala namang nagpapasok sakanila. Kung family members din naman, papapasukin sila ni manang at ofcourse, kilala sila. Pero etong sinasabi niya ngayon? Suspicious.
I walked towards the gate, sinilip ko pa sa maliit sa siwang pero wala akong maaninag. Hindi naman sa takot ako, pero nag iingat lang. Magisa lang akong natira rito sa Pinas, at tanging kasambahay lang ang kasama ko.
Nang wala akong maaninag mula sa siwang, napagdesisyonan ko nang buksan ang pinto. Pero laking gulat ko na lamang nang walang ni isa, kahit anino, ang tumambad. Sinilip ko pa sa magkabilang kanto dahil baka mamaya hindi pa nakakaalis, pero wala na akong nakita.
Papasok na sana ako sa loob nang may napansin akong supot na nakalapag sa sahig. Kung madumi ito, aakalain mong basura– pero etong isa, napakalinis at mukhang pinaghandaan pa.
Nagtataka man, kinuha ko na lamang ito at kinapa. Sinuri ko pa ito, wala manlang letter or note kung kanino galing. Hinawakan ko ang bukana at maingat na binuksan.
"Huh? What in the hell is this.."
Kinuha ko ang laman nito at tinitigan ng maigi. Hindi na maipinta ang mukha ko ngayon habang nakatingin sa bagay na hawak ko.
"Fucking Chocolates and Love Letters?!"
*
BINABASA MO ANG
The Deal
RomanceIn a strenuous world where an ordinary girl named Bree Flores needs to be a slave under a Supreme Student Council's President; Klyde Delavid who happened to be a 'Sex Maniac' in order to live the life that she ever wanted. Is she gonna make it? [...