TD 28

487 25 1
                                    

"You two should go ahead, i'll just go buy flowers for your dad," sabi ni Takehiko nang makababa kami ng sasakyan. Nandito kami ngayon sa tapat ng cementery kung saan nakalibing si dad. Napatango naman ako sakanya, habang nagpasalamat naman si Mommy.

Umalis na ang sasakyan ni Takehiko habang kami, ay nakatayo pa rin sa tapat ng gate ng sementeryo. Naramdaman ko pa ang pag higpit ng kapit ni Mommy sa braso ko. Batid ko'y medyo kinakabahan pa siya sa pag dalaw kay Dad.

"Tara na po," pagyaya ko dito at binigyan ng mahingin na ngiti. Huminga ito ng malalim bago napatango. Nagsimula na kaming maglakad at sabay na tinungo ang sementeryo ng magkahawak.

I missed her so much. Simula kanina, hindi na ako bumitaw pa sakanya. Paminsan-minsan pa ay yayakap nalang bigla. Todo kapit rin ako na akala mo parang bata na ayaw mawala sa mall. Buti nalang, hindi niya ako sinisita o hindi siya nakakaramdam ng inis. Tinatawanan lang ako nito o kaya naman ay hinayaan lang. I think she understand naman, ilang taon rin kaya akong nangulila sa nanay!

Patuloy lang kaming naglakad hanggang sa makarating na sa puntod ni Dad. Medyo malumot na rin ang lapida nito, hindi ko na rin ito nalinisan pa dahil hindi na rin kasi ako nakakadalaw nitong mga nakaraan. Buti nalang at dumating si Mommy, at sabay kaming muling nakadalaw ngayon.

"Hi, dad.." bati ko pa at umupo sa damuhan. Nanatiling nakatayo si Mommy habang nakatingin lang sa puntod. Alam kong alam na niya na wala na si Dad, pero sa ekspresyon ng mukha nito ngayon, mukhang hindi parin ito makapaniwala.

Sabagay, almost 13 years na rin kasi nung huli niya itong nakita. At nung panahon pa na 'yon, buhay pa si Dad. Nanlambot naman ang puso ko nang makita ko siyang napatakip ng bibig at hindi na napigilang maiyak.

Agad agad akong tumayo at lumapit sakanya. I hugged her from the side, leaning my head on hers while gently rubbing her shoulders. Bigla akong naawa sakanya. She left us happily. She left us complete. Nangibang-bansa lang naman siya para may maipakain sa pamilya, pero sa hindi inaasahan, mapapahamak pa siya ro'n. Tapos ganito pa ang uuwian niya rito; The tomb of my father.

I stayed by her side and still, comforting her, hanggang sa kumalma siya. She eventually get down on her knees, touching and wiping the dirt away from the gravestone.

"I'm sorry, Brian.. Hindi manlang kita nasamahan sa mga huling sandali mo.." basag na boses na pagkausap ni Mommy sa puntod ni Dad. Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil sa mga nasasaksihan ko ngayon.

"Kung nakagawa lang sana ako ng paraan.." dagdag pa nito, habang patuloy na lumuluha, "Gustuhin ko mang tumakas ay hindi pupwede dahil bukod sa pinagmamalupitan ako ng amo ko, ayokong iwan ang batang halos itinuring ko nang anak sa kamay ng mapang-alipustang tatay niya sa Japan.. Hindi ko kaya, Brian,"

I think he was pertaining to Takehiko. Masasabi kong napamahal na talaga siya rito. Pinagtiisan niyang mag stay sa Japan kahit na hindi na rin maganda ang trato sakanya dahil ayaw niyang iwan si Takehiko mag-isa– dahil alam rin nito kung gaano kalupit ang ama niya.

Pinunasan ni Mommy ang luha niya gamit ang scarf na nakabalot sa leeg niya.

"H'wag kang mag-alala, Brian.. Simula ngayon, hindi ko na pababayaan ang anak natin." pagkausap pa nito sa puntod ni Dad at napatingin sakin kahit namumula ang mata. Binigyan ko naman ito ng isang matamis na ngiti bilang sagot.

"There you are! Kung saan saan ako napadpad kakahanap sa inyo,"

Sabay kaming napalingon nang marinig namin ang boses ni Takehiko sa hindi kalayuan. Nakita naman namin itong naglalakad na papunta sa gawi namin habang may dala-dalang bulaklak.

The Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon