TD 05

898 33 2
                                    

Our class president called me a while ago. "Gusto ka daw makita ni Pres. Klyde. Punta ka daw sa Council." he said. Kaya kahit naguguluhan man, pumunta nalang ako. Medyo nag init pa ang ulo ko sa naisip ko na baka kaya nanaman ako ipinapatawag ay may gagawin nanaman siyang 'kakaiba' saakin. Hindi pa rin ba tapos 'yon? Akala ko isang gabi lang?

Huminga naman muna ako ng malalim bago naglakad papalapit sa pinto ng students council office at bago hawakan ang door knob. Pero bago ko pa man ito buksan, naririnig ko na mula sa labas na may nagtatawanan sa loob. If im not mistaken, it's Klyde and Cyline's voice. Oo tama, masyado nang pamilyar ang boses nilang dalawa saakin kaya imposibleng magkamali ako. Lalo naman napakunot ang noo ko. Bakit pa ako ipapatawag ni Klyde kung may kasama naman pala siya sa loob? Mukhang masaya naman siya, anong gagawin ko jan, eepal lang? Taga nood sakanila? Taga palakpak? Taga cheer?

Pero bakit ba ang init ng ulo ko?!

Imbis na pumasok ay naglakad nalang ako palayo. Bahala sila jan, ayoko makisingit. Ayoko magpaka-third wheel sa loob. Kasama na niya ang girlfriend niya, hindi na ako kailangan do'n.

"Breeyana!" napatigil ako sa paglalakad nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Lumingon pa ako at hinanap ang tumawag. Nakita ko ang isang hindi pamilyar na lalaki na kumakaway saakin. Hindi ko naman siya kaklase, paano niya ako nakilala?

"H-ha?" sagot ko.

Natatawa siyang lumapit sakin. "Sorry, nabigla ba kita?"

"Medyo, hindi kasi kita kilala. Paano mo ko nakilala?"

"Ah.." kumamot pa ito sa batok niya, "kaklase ka kasi ng kapatid ko. Si Shanne? Itinanong ko sakanya yung pangalan mo.. Kaya.. Yun.."

Tumango na lamang ako sakanya at binigyan siya ng isang pilit na ngiti. Wala ako masyadong wisyo para makipag chikahan. Ewan ko rin ba, ang pangit lang siguro ng araw.

"Uhm.. So, wala ka bang klase?" dagdag na tanong pa nito, pambasag ng katahimikan na namumutawi saming dalawa.

"Meron, ipinatawag ako ni Klyde."

"Ah.." tanging nasagot niya. "hindi naman sa pinapangunahan kita pero, hangga't maaari h'wag kang lalapit dun. Marami na akong narinig na balita na, mahilig niyang paglaruan  ang mga babae, lalo na rito sa school. Pero hindi naman ako sigurado, ha. Binabalaan lang kita."

'Totoo yun, totoo yang mga nababalitaan mo.' gusto ko sanang sabihin pero kailangan ko paring mag ingat sa mga binibitawan kong salita. Yun parin ang kinakapitan ko kaya ako nakakatapak sa eskwelahan na 'to. Ngumiti nalang ako sakanya at tumango.

"Hindi naman, m-mabait naman si Klyde. Oo, hehe.." sabi ko nalang sakanya. Totoo naman, may halong kabaitan parin naman siya. Yung pagdala niya ng dinner saakin nung gabi, kahit walang bayad– meron nga palang bayad. Pero ano naman kaya yung sinasabi niyang bayad? Sinabi ko na nga sakanyang wala akong pera, ano naman kayang ipambabayad ko sakany—...

Natigilan ako nang marealize ko kung anong klaseng 'bayad' ang sinasabi niya.

Nakaramdam naman ako ng pagka-inis, hindi ba't binigay ko na sakanya nung gabing 'yon yung kapalit sa mga bagay na kailangan ko? Pati ba naman lalamunin ko, kailangan pagkababae ko pa talaga ang ibabayad ko?

"Bakit galit yon?" rinig kong sabi ng lalaking kausap ko. Lumingon naman ako sa tinitignan niya, at nakita ko si Klyde na nakabusangot na nakatingin saakin. Nanatili akong nakatingin dito hanggang sa makalapit siya sakin. Marahas niyang hinawakan ang braso ko at dinala ako pabalik sa office. Napapahiyang napatingin na lamang ako sa lalaking kumausap saakin, at binigyan siya ng pasensyang tingin.


"Ang pinakaayaw ko sa lahat, hindi ako sinusunod." galit na tugon nito at patapon akong tinulak sa couch niya. Wala na si Cyline sa loob. Nasaan na yun?

Sinarhan niya ang pinto at nilock ito.

"Hindi ba't pinautos ko sa presidente ng klase ninyo na papuntahin ka sakin? Bakit may kausap kang kupal don?"

Hindi ako sumagot sakanya, at binigyan lang siya ng nakakainis na tingin.

"Ano pa bang kailangan mo kasi?" malumanay ngunit mababakas mo sa boses ko ang pagkainis.

Lumapit siya sakin at hinawakan ang magkabilang braso ko. Pinilit niya akong halikan pero ako na mismo ang umiiwas. Lalo siyang nagalit sa ginawa ko kaya naman inihiga niya ako sa couch at tinali ang mga braso ko.

"Matigas kana ba? Ha? Tandaan mo, isang pitik ko lang, I can get you out of this school." tugon nito at inalis ang pagkakabutones ng blusa ko. Napapaiyak akong nag iwas ng tingin. Wala akong magawa, tama naman siya. Isang maling kilos ko, pwede akong mapatigil sa pag aaral. Sinimulan niyang halikan ang dibdib ko.

Derederetso lang ang pag buhos ng mga luha ko, hanggang sa hindi ko na napigilan at talagang humahagulgol na ako. Naramdaman ko siyang napatigil sa ginagawa niya at inangat ako ng tingin. Hindi ko pa rin siya tinitignan at nakatingin lang ako sa malayo. Huminga siya nang malalim at inayos ang tayo ko.

Nagulat na lamang ako nang punasan niya ang mukha ko gamit ang panyo niya.

Nilingon ko siya at nakita ko ang pagkaawa sa mga mata niya..

"Stop.." malumanay na sabi niya habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko.

"I'm sorry, please stop now."

The Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon