TD 09

750 23 0
                                    

Medyo napadalawang isip pa ako sa sinabi niya. What does he mean about "teach me about love?"


Need ko ba gumawa ng web-presentation?


Itututor ko ba siya paano pahalagahan at mahalin ang isang bagay?


O tao?



O, kailangan ko siyang paibigin? Sakin?



No no no, I don't get it.



Bakit sa dinami-dami, ako pa? Hindi kaya, may pag tingin na 'to? Ang imposible pakinggan pero, sa mga galaw niya, parang kakaiba eh.



Mabilis akong tumayo at naglakad paalis. Hindi narin ako nagpahatid sakanya pauwi dahil hindi ko rin alam anong isasagot ko sakanya. Nakakaramdam talaga ako ng kunsensya, dahil ayokong madisappoint sakin si Cyline. Masyadong mabait ang girlfriend niya saakin at hindi ako yung tipong nantitira patalikod.



Habang naglalakad pauwi, nagiisip na ako ng plano paano maaayos 'to. Oo, nakapag isip isip na ako at napagdesisyonan kong iiwas muna ako. Ayoko munang lumapit sakanya dahil naiilang rin ako. Sa mga kilos na ginagawa niya, hindi ko maiwasang mag assume na baka.. gusto niya ako.



Bakit nga ba ang isang masamang Klyde ay naging mabuti nang makilala ako? Bakit nga ba siya nagiging ganito sakin? Nagsisimula siyang mag effort para saakin, ano sa tingin niyang maiiisip ko non?



Ang mali lang, may Cyline na siya. Hindi na dapat siya nagiging ganon sa iba pang babae. Dahil kung ako man si Cyline sobra akong masasaktan sa ginagawa niya.




Ngayon, pinilit kong hindi siya makita. Kada pasilyo na daraanan ko ay para akong isang spy na iniimbistigahan muna ang paligid bago maglakad. Naisipan ko ring sabihin ni Jane na kapag pumunta si Klyde sa bahay ay wala ako o kaya naman natutulog.



"Ano bang trip mo?" takang tanong ni Jane habang nasa library kami. Nagtatago ako ng mukha gamit ang libro at kunwaring nagbabasa.



"Basta!" mahinang sigaw ko sakanya.



"Alam mo, kung ayaw mo kay Klydie, sabihin mo nalang ng deretso hindi yung paiwas iwas ka pa. Pinapahirapan mo lang din sarili mo."



Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya. Ayun na nga ang problema.



Ayoko siyang ireject dahil bukod sa kapalit 'to ng scholarship ko, ayoko siyang saktan.



Kahit sinasaktan niya sarili niyang girlfriend sa ginagawa niyang kagaguhan.




Napailing nalang si Jane at pinagpatuloy ang binabasa niyang libro.




Tama nga siya, pero kapag ginawa ko yun, baka siraan niya ako sa buong campus katulad ng mga nababasa ko. Ayoko naman non!





Pumikit na lang ako at kinalma ang sarili ko. Hindi ko dapat iniistress ang sarili ko sa mga ganong bagay.




Mabilis akong napamuklat ng mata ng marinig ko ang mga boses na nagtatawanan at mukhang papalapit sila sa library. At isa sa mga boses na iyon ay kay Klyde!




Nagpalinga linga ako ng mata at mabilis na naghanap ng taguan. Pero wala, masyado na silang mabilis maglakad kaya naman wala akong choice kung hindi magtago sa ilalim ng lamesa. Sinitsitan pa ako ni Jane pero alam niya naman kung sino ang tinataguan ko. Buhay nga naman, kung hindi mo hinahanap tsaka lang lilitaw. Parang siya lang, kung kailan ako lumalayo tsaka naman siya kusang lalapit.




"Talaga pre?! Kakaiba talaga karisma mo, akalain mong mauuto mo yung babaeng yun?"




"Tss, kasalanan ko bang uto-uto yun?" natatawang sabi ni Klyde. Napakunot ako ng noo habang nakikinig sa usapan nila. Teka, ako ba pinaguusapan nila? Ako ba yung uto uto?



"Minsan yang katigangan mo wala na talaga sa lugar. Umayos ka nga Klydero!" rinig kong sambit ng isang babaeng kasama nila.




"Matututo yang si Klyde kapag nakahanap yan ng babaeng maiibigan niya." sambit ulit ng isa.




I heard Klyde laughed, "Tss, is that even possible? I just admire someone, at that girl, pantawid libog lang." ani Klyde.



Nanigas ako sa nasabi niyang iyon.


At don ako natauhan.


Paniguradong si Cyline ang natitupipuhan niya, at ako ang pantawid libog niya.

Yung mga pinapakita at pinaparamdam niya sakin..

Yung efforts..

Yung kondisyon niya kagabi..

Wala lang lahat ng 'yon..


Pero sabagay ano nga namang lugar ko sakanya? Baka masyado lang akong nag assume. May girlfriend siya in the first place at epal lang ako. Pero bakit ko naman pinoproblema yung bagay na yon? Hindi ko naman siya gusto diba?

Hindi nga ba?

The Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon