TD 17

498 21 1
                                    

Bree's POV

"Please make sure na masasagutan niyo lahat ng activities na binigay ko sa module niyo, you all are already college students, maging responsable sana kayo sa mga pinapagawa sa inyo," Our lecturer for our last subject said.

Hindi pa man uwian, isa-isa ko nang inayos ang mga gamit kong nakakalat sa desk para naman hindi na rin ako mahirapan pa mamaya. Tinupi ko na rin ang mga pages ng modules na kailangan kong sagutan para mapabilis nalang ang pag sagot ko.

"Isesend ko na rin yung web-presentations na ginamit ko kanina sa mails niyo, basahin niyo, i might give suprise quizzes in any moment," dagdag pa nito habang binubura ang mga nakasulat na lecture sa whiteboard.

Wala naman kaming ibang masagot kundi, "Yes, Ma'am," kahit nakakarinig ako ng ibang nag aasungot. Well, as a student, sino ba naman ang may gusto ng suprise quizzes?

"Good, I think, that's all for today..?" napatingin pa ito sa suot niyang wrist watch bago kami tinignan isa isa. Sakto, 5pm na, tapos na ang klase. Kinuha ko na ang tote bag ko't sinabit na sa balikat ko. Readyng-ready na kong umuwi!

Isa isa na kaming tumayo nang makita naming nag gagayak na rin si ma'am at ready nang umalis.

"Okay class, thank you for today. You are now dismissed."

Nang makapag paalam na ito at makalabas, nagsi-unahan naman ang mga kaklase ko na akala mo lahat may mga lakad. Lalabas na rin sana ako nang maramdaman kong may humawak sa braso ko.

"Teka lang! Teka lang!" aligagang sabi ni Jane habang pilit na pinapasok sa loob ng bag niya lahat ng gamit niya. Napakadami kasi nito kung maglabas ng gamit every lecture. Gumagamit pa siya ng highlighters, sticky notes at stickers kahit nag tatake down lang ng notes. Sobrang creative, yet, ang complicated.

'Hala ano ginagawa niya rito!'

'Naamoy ko yung pabango, grabe!!!'

'Hihi, hi Pres.,'

Kumunot ang noo ko nang magsimulang magbulungan ang mga kaklase kong palabas na ng room. Sinubukan ko pa sanang silipin para malaman ko kung sino yung tinutukoy nila pero masyadong maraming tao ang nakaharang sa pintuan. Di ko nalang iyon pinansin at ibinalik kay Jane ang tuon ko.

At buti nalang, natapos rin siyang magligpit.

"Lezgo!" Sabi pa nito at isinukbit ang braso niya sakin. Lumakad na kami papunta sa labasan pero masyado pang maraming nakaharang. Inantay pa naman ang mabagal na usad ng mga kaklase namin sa pintuan bago makalabas.


Pero laking gulat ko na lamang kung sino ang tumambad at sumalubong saamin sa labas ng pinto.


Si Klyde, nakasandal sa railings, dala ang bag, at nakasuot ng.. eyeglasses? Kailan pa lumabo ang mata nito?!


Nagmukha siyang sobrang bait at mukhang masipag mag aral dahil sa itsura niya! Hindi mo aakalaing may pagkapilyo siya, dahil ang ayos ng itsura niya! Kahit yung magulo niyang buhok, ay nakaayos. Kaya kapansin pansin rin ang kahabaan ng buhok nito na medyo natatabunan na ang mata.


Nandito rin pala ang mga kaibigan niya. I think apat sila? 3 boys and 1 girl. Magkakatabi silang nakasandal sa railings, pero mas kapansin pansin o mas nakakaangat siya sa lahat dahil sa kakaibang look niya ngayon.


"Owemgee girl, ikaw ata pinunta.." mahinang bulong ni Jane sa gilid ko. Siniko ko naman ito ng patago dahil baka may makarinig at akalain nilang totoo. Baka gawan pa nila kami ng issue rito, delikado na 'no.


Nabaling naman sakin ang tingin ng isang kasama niya. Saglit pa itong napatingin sakin bago kalabitin si Klyde. Nakuha naman nito ang atensyon ni Klyde na napalingon sakanya.

"Oh?"

Hindi ito sumagot, at sa halip, nilapit nito ang mukha sa tenga ni Klyde para bumulong. Napataas naman ako ng kilay, bakit naman 'to biglang bumulong nung nakita ako? Zzz.


At hindi nga ako nagkakamali. Ako nga ang ibinulong nito kay Klyde dahil napalingon siya sakin. Napangiti naman agad siya nang makita ako na may kasama pang pagkaway bago lumapit.

Bakit napapadalas ata pag ngiti niya ngayon?

"May gagawin ka?" tanong pa nito nang makalapit. Saglit ko pa itong tinitigan. Dahil kakaiba talaga ang itsura niya! Hindi ako sanay na ang ayos niyang tignan.

"Uhm, meron—"

"Okay, tara aalis tayo,"

Hanep, ano pang silbi ng tanong niya?

'Hala narinig niyo 'yon?'

'Niyaya siya ni Klyde! Omg!'

'Sila ba?'

Napatingin naman ako sa paligid dahil sa simulang bulungan nila. Bigla akong nataranta sa loob loob ko, dahil baka isipin nilang may relasyon kami!


Ipaglalaban ko pa sana ang side ko nang bigla nalang akong akbayan ni Klyde para maiwas ang paningin at atensyon ko sakanila. Hinila ako nito paalis, habang si Jane naman ay hinila nang mga kaibigan ni Klyde palayo sakin.



Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi kaba!



"Huy, ano ka ba! Baka kung anong isipin nila eh!" Sabi ko pa at pilit na inalis ang pagkakaakbay niya.


"Anong iisipin nila?" tanong pa nito habang patuloy pa ring naglalakad habang naiwan naman akong nakatayo lang rito. Nakakagulat naman kasi 'tong lalaking 'to, bigla nalang magkakaron ng ganap.


"Baka isipin nilang– t-tayo.."



Hindi ito nakasagot at tuloy lang sa paglalakad. Pero hindi pa man ito nakakalayo, itinigil niya ang paglalakad at naglabas ng malalim na hininga bago lumingon sakin.

"Ganon ba,

.
.
.

..Edi totoohanin natin,"



Third Person's POV

Mula sa dulo ng pasilyo, kitang kita ko mula rito ang kaganapang nangyayari sa hallway. Napayukom ako ng kamao habang pinapanood kung paano akbayan at hilahin ni Klyde si Bree palayo. Sa totoo lang, umaakyat na ang dugo ko sa ulo ko habang nakikita ang posisyon nilang dalawa.

At talagang, pinagmamalaki pa ni Klyde sa harap nang maraming tao, ang ginagawa niya kay Bree.

Hindi 'to maaari.

Kailangan ko nang bilisan ang plano ko.

*

The Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon