Iba't ibang estudyante, halo halo, ang nandirito ngayon sa open field ng school. Binigyan kami ng free time ng profs namin para humanap ng org na sasalihan, also booths na sasalihan for the upcoming event which is Foundation Week.
Nakaupo ako ngayon sa isang bench, sa ilalim ng puno, habang pinapanood ang iba't ibang mga estudyante na abalang maghanap ng sasalihan. Ipinatong ko ang ulo ko sa kamay habang inisiip saan ba ako sasali.
Kanina pa kasi ako rito, at hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung saan ako sasali. Nakahanap na si Jane ng sasalihan, at sa journalism team siya. Gagawa sila ng newspaper about the event. Gustuhin ko mang kasama si Jane, hindi ko gusto ang journalism.
Naisip ko na rin sana sa cookery, doon naman, baking cakes, cup cakes, and different types of desserts, then yun ang ibebenta sa event. Maganda naman sana, kaya nga lang malaki-laking puhunan rin ang kailangan don. Tapos hindi rin sigurado kung maibabalik ba yung puhunan mo, dahil baka hindi rin maubos ang tinda.
Napahugot nalang ako ng hininga, sayang ang oras kung tutunganga lang ako rito. Kaya't napagdesisyonan kong tumayo mula sa pagkakaupo sa limliman at susubukan kong maghanap sa kabilang dulo. Baka may makita ako doon ng s-swak na booth para sakin.
Sa paglalakad, may isang bagay na nakaagaw ng atensyon ko. Napatigil ako sa isang booth na puro art crafts ang nakadikit sa stall nila. Medyo marami ring estudyante ang nakapila sakanila para mag sign up kaya medyo nahirapan akong silipin at pakinggan yung babaeng nagpapaliwanag ng booth sa gitna ng stall.
Interesado sana ako, hindi naman ako magaling sa designing pero, kapag interesado ako sa isang bagay, nagagawa ko nang maayos.
Kaya lang napakahaba ng pila!
Napakamot nalang ako sa batok at tumalikod na para umalis. Pero laking gulat ko na lamang nang saktong pag lingon ko, may lalaking nakaharang sa daanan ko. Ang tangkad niya, sobrang tangkad niya na dibdib niya ang tumapat sa mukha ko.
Inangat ko pa ang ulo ko para lang matitigan siya sa mata.
"E-excuse me, dadaan ako," sabi ko pa rito pero hindi siya gumalaw. Nakatingin lang siya sakin nang deretcho.
"Sasali ka ba?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Huh? Sasali saan?"
Hindi na siya nagsalita pa at tinuro nalang ang booth na nasa likuran ko. Nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin, napanganga nalang ako at napatango bilang tanda na naintindihan ko na ang sinabi niya.
"Oo sana, kaso ang haba ng pila," sabi ko pa at nilingon ang booth na kung saan ang haba ng pila para sa mga sasali.
Napaayos siya ng tayo, sinuklay pa ang buhok at hinawakan ako sa pulso. Aangal palang sana ako nang nagsimula na itong maglakad, at hila hila niya ako!
Nanlalaki ang mga mata ko habang nagpapadala sa hila niya. Hindi ko rin alam bakit nagpapasabay ang katawan ko sakanya. Aba, saan ako dadalhin nito!
"H-hoy! Saan mo ko—"
"Sign her up, under my name,"
Napakurap ako nang ilang beses sa sinabi niyang iyon. Sinabi niya 'yon sa babaeng nakataka sa pag sisign-up sa booth! At mas ipinagtaka ko pa, nang walang ibang angal yung babae at binigyan nalang ako ng form!
Hindi pa nag sysync-in sakin yung nangyayari. Tinignan ko pa yung lalaki pero hindi na ako nito pinagtuunan pa ng pansin. Naguguluhan ako sakanya at andami kong gustong itanong katulad nang kung sino siya at bakit napasunod niya nalang ng ganon kabilis yung babaeng naghahandle ng booth?!
Pero bago ko pa man mabuka ang bunganga ko, tumalikod na ito at nagpamauna nang umalis. Naiwan akong nakatunganga rito! Napatingin nalang ako sa kawalan habang hindi pa rin napoproseso yung utak ko. Nanatili akong nakatayo hawak hawak ang form sa kamay ko.
Nabalik lang ako sa ulirat ko nang narinig kong nagsalita yung babaeng naghahandle ng booth ngayon.
"Miss, pasign up nalang nung form para marecord ko na,"
Para akong batang aligaga na naghahanap ng ballpen sa katawan. Buti nalang, hindi ko naialis ang ballpen na nakasabit sa necktie ko. Agad akong naghanap ng flat na surface para masulatan yung form.
Ang unfair man nito para sa ibang pumila nang mahaba, pero, nakakapagtaka talaga. Sa dinami-daming nakapila, ako pa ang napansin niya at tinulungang makapag sign-up nang walang kahirap hirap!
Sino ba yung lalaking 'yon?
*
BINABASA MO ANG
The Deal
RomanceIn a strenuous world where an ordinary girl named Bree Flores needs to be a slave under a Supreme Student Council's President; Klyde Delavid who happened to be a 'Sex Maniac' in order to live the life that she ever wanted. Is she gonna make it? [...