TD 18

538 22 1
                                    

"TOM's WORLD?"

Napataas talaga ang kilay ko nang tumigil kami sa tapat ng isang amusement center sa Megamall. Dito niya ko dinala? Seryoso ba siya? Bakit parang hindi ko makonekta sa image at personality niya 'to?

"Uh-huh," he said, looking at me and examining my facial expression. "It looks fun, i've never been here." dagdag pa nito at tinignan ang kabuuan ng amusement center.

Me neither. I mean, yeah i have but siguro huling punta ko pa rito, batang bata pa talaga ako. Si Dad pa ang nagdadala sakin rito every sunday after church. Matagal na rin nung huli akong nakaranas ng ganito.


"Ano, teka? Hindi ka pa nakakapunta dito?" paglilinaw ko. Parang ang imposible, mukha kaya siyang spoiled nung bata, na laging pinapasyal ng magulang kung saan saan. Tapos laging may dalang PSP with matching yougurt milk.

"Yup, laging out of town ang destination namin nung bata ako, while puro bar naman ako nung lumaki,"

Oh.

Kaya naman pala. Pang big time kasi yung kanya. Akalain mong mamamasyal kana lang, sa ibang bansa pa? Parang pag naisipan mong kumain ng noodles, sa korea pa. Ibang level na ng yaman 'yon. Grabe, ganon sila kayaman.

"So ano, tara?" pag yaya ko pa rito. Medyo naexcite na rin kasi ako sa idea. Rinig na rinig ko na rin yung tunog ng mga arcades mula sa kinatatayuan namin sa labas.


He just smiled and nodded before heading down to the token outlet. And heck, isang libo lang naman yung pinapalitan niya!


"Mauubos mo ba 'yan?!" gulat na tanong ko habang tinitignan yung dala dala niyang tray na punong puno ng tokens.

"Why?" he glances at me, "Anjan ka naman,"

I scratched my nape because of his response. Ang gastador niya! Ang isang libo sakin, kaysa na ng isang linggo habang siya, ilang oras lang?

But i did it anyway, kumuha ako ng isang pack ng tokens at pumunta sa shooting, yung basketball. Naghulog ako ng dalawang token at pinindot ang start button.

Pero maling ideya ata na ito ang pinili ko, dahil hindi ko maabot ang ring! Wala ni isang bola ang pumapasok manlang, at ang mas nakakahiya, lumalabas pa ng net at napapadpad yung bola kung saan saan!

Last two balls, pumwesto pa ako at tinantya ang sukat para makashoot na. Pero kahit anong gawin ko, sumasablay.

Biglang sumulpot si Klyde sa gilid ko at kinuha ang natitirang bola. Without any effort, shinoot niya ito sa ring and boom!

Pasok!

Nakanganga akong napabaling ng tingin sakanya. Busy pa ito sa pagkuha ng tickets ko– na dalawang piraso lang naman ang lumabas. Inangat niya ang paningin niya sakin para sana ibigay ang tickets, pero natawa lang siya sa reaksyon ng mukha ko. Isinara niya ang bibig ko gamit ang hintuturong daliri niya at kumindat.

"You need to practice more, lady." sabi nito at nagtungo na sa ibang playing station.

-

"Isn't this plushie looks cute?" sabi niya habang nakaturo sa isang stuff toy sa claw machine. That stuff toy is shaped as heart with a face on it. It doesn't look like the usual plushies na pinapacute, this one is unique. The face is cute but in other way. So, I agreed with what he said.

"I'll get this one," dagdag pa nito at naghulog ng token. Focus na focus pa itong isakto yung claw sa mismong plushie, kumukunot kunot pa ang noo with matching kagat labi. Gusto kong matawa, ang layo ng Klyde na nakikita ko ngayon sa Klyde na una kong nakilala. He is really enjoying the moment.


"Argh, shit!" mura nito at napahawak sa ulo nang malaglag ang plushie at hindi niya ito nakuha. Kumuha ulit siya ng isang token at naghulog. For another time, he failed to get the plushie again.


At hindi pa nga sumuko, naghulog ulit.



Nang naghulog.


Ulit.

At ulit.


Hanggang sa,


"Nevermind, i'll just buy it," kinuha nito ang phone mula sa bulsa. Napangiti naman ako sa inakto niya. Andami pa naman sana niyang tokens at pwede pa ulit siyang sumubok pero naubusan na ata siya ng pasensya. Umayos ito ng pwesto, hindi naman sa sinasadya, pero naging dahilan 'yon para makita ko kung anong ginagawa niya sa phone.

My eyes widened when i saw what he was doing..


He is really buying that plushie online! Talagang gumawa pa rin ng paraan para lang makuha yung plushie na 'yon, he find ways!


"Let's eat now," sabi nito at ibinulsa ang phone. He also left the tray of tokens sa upuan ng claw machine. Hindi niya rin naubos, sayang ng pera!

Nagpauna na itong maglakad palabas ng TOM's WORLD, habang ako, was left dumbfounded. Napansin ata nitong hindi ako naglalakad kaya naman hinawakan nito ang kamay ko at hinila palabas. At habang naglalakad kami palabas, ayaw mawalay ng mga mata ko sa tokens.

Sayang!

*

For everyone that is curious kung ano itsura nung plushie, here it is: TATA BT21

For everyone that is curious kung ano itsura nung plushie, here it is: TATA BT21

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon