Its been two months now when Klyde flew to America, pero pakiramdam ko ay parang kahapon lang. Sa loob ng dalawang buwan, napakadami na ring dumaan at nangyari. Tungkol naman kay Simone, hindi na rin ito nang-gulo pa ulit. Balita ko ay hindi na rin ito pumapasok simula nang insidente. Sana naman ay matuto na siya.
Nakayanan ko na ring ayusin ulit ang takbo ng buhay ko, kaya ko na ulit ibalik ang dating ikot ng mundo ko.
But I am not happy. I'm longing for someone's presence.. parang may kulang.
Kamusta na kaya siya? Is he doing good in US? Maganda kaya ang trato sakanya ng pamilya niya sa kabila ng lahat ng nangyari? I don't know, 'cause up until now, wala akong contact sakanya.
Bilib rin ako sa mga kaibigan niyang laging naglolookout sakin. Sometimes, dinadalaw nila ako sa dorm at magdadala pa ng comfort foods– katulad ngayon. They also miss their friend so much. Wala rin daw kasi silang contact kay Klyde ngayon. Hindi pa rin daw kasi ata binabalik ang phone nito sakanya.
"Kung kami ngang namimiss na si Klyde, paano ka pa?!" sabi pa ni Von habang isa isang inilalabas ang mga pagkaing dala nila sa paper bag. Nandito ulit sila ngayon sa dorm namin para tumambay.
Binigyan ko nalang ito ng isang pilit na ngiti at kumuha ng burger na dala niya. Totoo naman ang sinabi niya. Walang talagang minuto o segundo ng bawat araw na hindi nawawala sa isip ko si Klyde. Gustong gusto ko na siyang makita ulit.
Hindi ko rin aakalain na darating ako sa ganitong punto. Na hahanap-hanapin ko siya. Hindi ko naman kasi inasahan na mangyayari 'to, na balang araw, malalayo siya sakin. Ang pinakamahirap pa sa lahat, wala manlang akong koneksyon sakanya.
Minsan, sinusubukan naming tawagan ang number nito pero hindi nag ri-ring. Dahil rin siguro out of coverage area na ang lugar niya at hindi pwedeng gumana ang sim card niya ro'n.
Wala kaming ibang magawa kung hindi tumunganga at ipilit nalang iliwaliw ang sarili para naman hindi kami mamukmok sa pagalis niya. Minsan iniisip ko rin,
Namimiss niya rin kaya ako?
"Nakakamiss din palang asarin ang isang 'yon, ang tagal na rin nung huli ko siyang nakitang mapikon," iiling-iling na sabi ni Kai sabay subo ng fries sa bunganga.
"Miss mo na rin ba yung suntok niya?" Natatawa namang saad ni Courtney rito. Sumimangot naman si Kai dahil sa sinabing iyon ni Courtney.
"Biro-biruan lang naman kasi, pero nung napikon sinuntok ako sa braso! Nagkapasa kaya ako no'n.." Nakanguso pang sabi nito at hinihimas himas ang braso na akala mo'y nasuntok. Natawa naman ako sa inasal niya, ganito lang lagi ang pinaguusapan namin kapag magkakasama. Minsan nag ka-kamustahan, pero kadalasan, ay pag usapan si Klyde.
"May naalala lang ako, Bree.." tugon pa ni Von habang ngumu-nguya nguya pa ng pagkain. Kinuha niya ang soft drinks niya sa side table ng kama at uminom muna bago nagpatuloy magsalita.
"Hindi ko makakalimutan 'yon, unang beses na lumapit siya samin at nagpatulong paano ka yayayain lumabas,"
I wore a puzzled expression because of what he said. Ibinaba ko ang hawak kong pagkain at mas itinuon pa sakanya ang atensyon ko.
Nagsimula namang magtawanan ang dalawa sa tabi. Napalingon rin ako sakanila, still wearing the confused look.
"Naalala ko 'yon!" sabi ni Courtney habang patuloy paring tumatawa.
"Ha? Kailan yun?" tanong ko sakanila habang nakakunot ang noo.
"Wala akong alam kung saan ba kayo nagpunta nung araw na 'yon, pero ang naalala ko, nag-ayos pa talaga siya para magmukhang presentable sa harap mo. Pumayag pa nga siyang magsuot ng salamin dahil ang sabi ni Courtney, gusto daw ng mga babae yung mga mukhang matalino." panimulang kwento ni Kai.
Bigla namang akong naliwanagan sa sinasabi niya. Ang ibig sabihin siguro niya, ay yung umalis kami ni Klyde para maglaro sa TOM's WORLD at kumain sa isang sosyaling restaurant. Napatango naman ako sakanya na parang bata.
"Oo, naalala ko na!" pasigaw na sagot ko rito, "Kaya pala nagtataka ako, bakit siya nakasuot ng salamin eh hindi naman malabo ang mata niya?"
Mas lalo naman silang natawa ng dahil sa sinabi ko.
"Putek, first time kong makitang nagsuklay 'yon nung araw na 'yon," tatawa-tawa pang sabi ni Von. Kaya pala ang ayos rin ng buhok ni Klyde nung araw na nag TOM's WORLD kami, "Ano bang ginawa mo don, Bree?"
Bigla naman silang nagsimulang mang asar. Pabiro ko silang inirapan at iniwas pa ang tingin. Naramdaman ko naman ang biglaang pag init ng pisngi at tenga ko. Nagpanggap nalang akong kumakain para hindi ko masagot ang tanong nila. Ano nga bang nagawa ko kay Klyde? Hindi ko rin alam. Wala naman sa plano 'to. Ang habol ko lang naman rito, ay pag-aaral. Saglit lang naman akong nagpagamit ng katawan, pero bakit parang hindi na niya ako nakalimutan pagkatapos no'n?
—
Maya-maya pa ay nagpaalam na rin sila at umalis. Kailangan na raw nilang umalis dahil babiyahe pa sila. Hindi kasi sila nag dodorm rito, umuuwi pa talaga sila sa kanya kanya nilang bahay.
Nagiging malapit na rin ako sakanila habang lumilipas ang panahon. At masasabi kong, talagang masaya silang kasama. Hindi na ako nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay matatag pa rin ang pagkakaibigan nila– na kahit nasa malayo si Klyde, hindi pa rin nila ito kinakalimutan.
Sa gitna ng pagmumuni muni, bigla naman akong nakatanggap ng message mula kay Takehiko. Speaking of him, ayaw niyang tinatawag ko siyang 'kuya' dahil ayaw niya raw maramdaman ang pagiging matanda kahit mas matanda naman talaga siya sakin ng dalawang taon. Gusto niya raw na pantay lang kami. Ewan ko ba do'n. Pero hindi na rin ako nakipagtalo pa, pinagbigyan ko siya sa gusto niya.
From: Taki
Where are you?
Kinuha ko naman ang phone sa lamesa at tumipa sa keyboard para makapagreply.
To: Taki
Dorm lang, why?
From: Taki
Great, omw.
Nireplyan ko lang ito ng 'okay' at ibinalik ang cellphone ko sa lamesa. Madalas narin kaming magkasama ni Takehiko. He's also, always checking up on me na para talagang kapatid. I was so thankful. Dahil sakanya, nakaramdam ulit ako ng pamilya.
Makalipas ang halos 30 minutos, nakarinig na ako ng katok mula sa pinto na naging dahilan ng pag lingon ko rito. Ito na siguro si Taki.
Inayos ko muna ang itsura ko bago bumangon sa pagkakahiga at tumayo para buksan ang pinto.
Nang mabuksan ang pinto, agad na bumungad sa harapan ko si Takehiko. Ngingitian ko na sana ito at babatiin nang mapansin kong may isa pa siyang kasama.
Isang babae.
Na taon na rin nung huli kong nakita..
Bumilis ang tibok ng puso ko habang tinitignan ko siya. I am in awe that I can't move my lips. I can't even speak. Seeing her felt so surreal. Ngumiti ito sakin kahit na may tumutulo ng luha sa mga mata niya.
"Anak.."
*
Hi! What are you thoughts about the story? Feel free to drop it on the comment section! I'd love to read it. ♥
Keep safe everyone!
BINABASA MO ANG
The Deal
RomanceIn a strenuous world where an ordinary girl named Bree Flores needs to be a slave under a Supreme Student Council's President; Klyde Delavid who happened to be a 'Sex Maniac' in order to live the life that she ever wanted. Is she gonna make it? [...