Tulala lang ako sa kawalan habang hindi maproseso sa utak ko ang mga nangyayari. Bakit naging ganito? Bakit naman nakakagulat nalang lahat ng nalalaman ko?
Una, umalis si Klyde papuntang US. Pangalawa, si Simone ang bumisto kay Klyde sa daddy nito, at ngayon,
Kapatid ko si Takehiko?
Paano nangyaring nagkaroon ako ng kapatid? Ang alam ko, isa lang akong anak ng Mommy at Daddy ko. Hindi naman pwedeng naging anak siya ng Mommy ko sa Japan, dahil mukha siyang mas matanda saakin. Kailan lang pumunta ng Japan ang Mom ko, 6 years old na rin ata ako no'n.
Tahimik lang akong nagaantay ngayon sa labas ng Guidance Councelor's Office. Inaabangan ko ang paglabas ni Takehiko mula sa loob. Dinala kasi sila rito ni Simone nang makita sila ng Guard na halos magpatayan na. Bigla namang dumating ang talong kaibigan ni Klyde nang marinig ang mga nangyari.
"Asan na siya?" Galit na tugon ni Kai at sumisilip pa sa loob. Hinawakan ko naman ang braso nito para pakalmahin at ilayo mula sa pinto. Mukhang handang handa na siyang sumapak ng tao sa itsura niya.
"Kinakausap na siya ng Council," malumanay na tugon rito. Napahinga nalang ito ng malalim bago lumayo para makalanghap ng hangin at pakalmahin ang sarili.
"Kating-kati na 'kong itanong kung ano ba talagang pakay niya at nagawa niya 'yon kay Klyde. Subukan niya lang na hindi sumagot ng maayos, babalik ulit siya sa loob ng council na yan ng may bangas ang mukha," tugon pa ni Von na napakaseryoso ng mukha habang nagsasalita.
"Siguraduhin niya lang na may maganda siyang rason!" sagot pa ni Courtney rito at napa-krus ng braso.
Natigil lamang ang pag uusap nila nang biglang bumukas ang pinto. Sabay sabay kaming napatingin rito nang iluwa nito si Simone at Takehiko na parehong may sugat sa mukha- mas malala nga lang ang kay Simone.
Agad na sinalubong ng magkakaibigan si Simone. Lahat pa ito ay tumayo sa harapan niya, suot suot ang mga seryoso nilang mukha.
Nakita ko namang paalis na si Takehiko kaya naman agad akong tumayo para sundan siya.
"T-takehiko.."
Napatigil ito sa paglalakad at napalingon sakin. Huminga ako ng malalim bago lumapit sakanya.
"Pwede ba kitang makausap?"
Hindi ito sumagot, pero nakikita ko sa mukha niya ang pag sang-ayon. Tumango nalang ito at ibinalik nalang ang tingin sa daan. Nagsimula na itong maglakad kaya naman tumabi ako sakanya para sabayan siya.
Hindi ko alam paano ko sisimulan ang tanong ko. Kinakabahan rin ako magtanong, dahil mukhang mainit pa ang ulo nito dahil sa nangyari kanina. Napalunok muna ako bago nagsimulang magsalita,
"S-salamat pala sa.. pag-tanggol sakin," nahihiyang sabi ko at tumingin sa baba habang naglalakad. Narinig ko naman itong napangisi.
"Its just a normal thing that a man will do," simpleng tugon pa nito. Kumuha muna ako ng lakas ng loob bago muling nagsalita,
"Pero.. totoo ba ang narinig ko kanina?"
He suddenly stopped walking kaya naman napatigil rin ako. Napalingon pa ako rito, at nakita ko namang nakatingin siya sa isang upuan na nakalagay sa mahabang pasilyo papunta sa ibang department. Naglakad ito papunta doon para umupo habang nanatili lang akong sumusunod sakanya.
Nang tuluyan nang makaupo, napabuntong hininga pa ito bago nagpasimulang magsalita.
"Yep, even though it's not biological,"
Doon naman ako napatingin sakanya. Kapatid ko siya pero hindi kadugo? Teka, nakakalito!
Hindi ako nakasagot pa rito kaya't tanging pagkunot lang ng noo ang naibigay ko sakanya. He looked at me and examines my face. He just chuckled and shaked his head.
"Your real mom is my step-mom, we were in a same roof in Japan,"
Nanlaki talaga ng todo ang mga mata ko sa narinig.
"Ha?! Paano-"
"Your mom works on us as a domestic helper. My dad eventually liked your mom, but your mom doesn't. So my dad's way to get your mom is.. force. He kept your mom's passport and contacts on your family here in the Philippines. And that's the reason why she can't go back and reach you out,"
. . .
Hindi ako makapagsalita dahil sa mga sinabi niya! Gulat na gulat akong marinig lahat ng 'yon. Nanatili nalang akong nakatingin sa kawalan habang pilit na prinoproseso lahat ng nalalaman ko.
Akala ko, kinalimutan na kami ng nanay ko. Akala ko, nagpapakasarap lang siya sa Japan. Akala ko, maganda ang buhay niya don.
Pero nagkamali ako,
"And that's the reason why I'm here. Your mom has been so good to me, walang ring araw na hindi ka nababanggit sakin. Habang lumalaki rin ako, pinapakilala kana niya sakin bilang kapatid. She loves you so much, I hope you know that." he nodded as approving to what he said. "Buti nalang, nakulong ang daddy ko last year kaya nagkaron ako ng chance na makauwi rito. Suits for an abuser like him," dagdag na kwento pa nito.
Nanatili lang akong nakatingin sakanya, at inaabangan ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
"Sobrang naging mabuti ang Mom mo sakin, Bree. I remember back then, whenever my dad is going to hurt me, lagi siyang humaharang para tanggapin lahat ng bugbog na matatanggap ko." sabi pa nito at napapangiti sa kawalan habang inaalala ang mga nangyari sakanya.
Napakabait pala ng nanay ko..
"Nalaman naming namatay nga ang Daddy mo. Gusto niyang umuwi, gusto niya sanang makita pa ang daddy mo, at nag-aalala rin siya sayo. But the sad thing is, she can't go home. May problema sa passport niya, kailangan pang ipare-new."
"Gusto kong makabawi sakanya, kaya pinagbigyan ko siya sa gusto niya. She wants someone to look out for you, if you are doing well, if nakakakain ka ba.." he chuckled. "I even learned speaking tagalog just for you! 4 months learning rin 'to.."
Nanlaki naman lalo ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Nagaral pa siyang magtagalog para lang sakin?! I felt.. kinda special. Kasalukuyan na siyang nakangiti ngayon, kahit may bangas ang mukha. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Masaya, dahil nalaman ko na ang kalagayan ng mommy ko sa Japan, but at the same time, i can't be totally happy. Andaming nangyayari ngayon..
"She even sends you money for support, remember the white envelope that I gave to you?"
Bigla ko namang naalala yung binigay niya sakin nung nag me-meeting kami sa Arts and Design Building.
Oo nga pala! Kaya pala binigyan niya ako ng pera. Itinago ko 'yon sa kasuluk-sulukan ng damitan ko, natakot kasi ako na baka mamaya may set-up pala 'yon at sabihing magnanakaw ako. Haha kidding.
Galing pala 'yon sa nanay ko. Gusto kong maiyak sa lahat ng sinasabi niya. My mom really cares for me, hindi ko alam na mabigat rin pala ang pinagdadaanan niya doon. Buong akala ko talaga ay kinalimutan niya na kami rito sa Pilipinas.
Napabuntong hininga naman ako at pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko.
"I want to see her, I wan't to say sorry to her.." mahinahon na sabi ko habang nakatingin sa kalangitan. Nakita ko namang napalingon siya sakin mula sa peripheral vision ko.
"I miss our mom.."
*
BINABASA MO ANG
The Deal
RomanceIn a strenuous world where an ordinary girl named Bree Flores needs to be a slave under a Supreme Student Council's President; Klyde Delavid who happened to be a 'Sex Maniac' in order to live the life that she ever wanted. Is she gonna make it? [...