TD 04

908 28 0
                                    

Lunes nanaman. Katabi ko si Jane habang nag aantay ng lecturer. Andami niyang baong kwento pagkabalik niya ng dorm. Akalain mo nga namang bigtime pala siya? Ang Dad niya pala ay isa sa mga stockholder ng school na 'to. Parang bigla nalang akong nanliit.

"Girls! Guess what? Do you guys know that i was with Klyde last night?" rinig kong sabi ng isa naming kaklase. Napalingon naman ako sakanila at pasimpleng nakinig sa usapan nila.

"Ano nanaman ginawa niyo?" mataray na sagot nung isa niyang kasama.

"He marked me on my chest.. hihi!"

Hindi lang pala talaga siya sakin ganon. Kahit sinong babae ay kaya niyang gawan ng ganong klaseng bagay. Sabagay, masyado siyang makapangyarihan para masunod ang lahat ng gusto niya.

Pero ano naman? Wala na dapat sakin 'yon. He is just doing me a favor, sa totoo lang ako pa nga dapat ang magpasalamat..

Dapat nga ba?

Bigla ko nanamang naalala ang nakita ko sa kwarto ni Cyline. Hindi ba.. girlfriend niya si Cyline? Bakit nagagawa niyang makipag momol, or more than that sa ibang babae while he has a gf? Alam ba ni Cyline 'to?

Pero hindi ko mapagkakaipang, medyo bumababa ang tingin ko sa sarili ko. Isa lang pala ako sa mga babae ni Klyde na pang kama lang. Na kapalit ng mga bagay na hindi ko afford. Wala narin akong pinagkaiba sa puta. Bumigat naman ang naramdaman ko sa naisip ko. Naramdaman ko nanamang nang gigilid na ang mga luha sa mga mata ko. Nagpaalam ako kay Jane na magbabanyo lang. Tumayo ako at naglakad palabas papuntang banyo. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, pababa sa dibdib. Hindi ako pinalaki ni dad ng ganito. Hindi ako dapat maging ganito pero bakit wala akong magawa? Binuksan ko ang gripo at naghilamos para mahimasmasan. Palabas na sana ako nang maramdaman kong may nagvibrate sa bulsa ko. I fishes out my phone from my pocket and saw Cyline calling.

"Hello?" sabi ko habang naglalakad pabalik ng room.

"Yes, hello.. Bree?"

"Hmm? Bakit?"

"Are you busy? Can you come over to my unit?"

"No, okay sure.. After class punta ako jan."

"Okay, thank you! See you later, mwaps!"

Pinatay niya ang tawag, at sakto namang nasa room na ako. Pumasok ako at hindi rin nagtagal, dumating na ang lecturer at nagsimula na kaming magklase.

Pagkatapos ng klase ay nagpaalam ako kay Jane na hindi na ako makakasabay sakanya umuwi dahil may pupuntahan ako. Deretso akong pumunta sa unit ni Cyline. Derederetso akong pumasok sa unit niya at nadatnan ko naman siyang nakahiga sa couch, habang nanonood ng movie.

"Cy.." tawag ko dito.

"Oh, bree!" sabi nito at napaupo. Shet pat the space beside her telling na umupo ako sa katabi niya. So, I sat beside her.

"Bakit? Magpapalinis ka ba?" tanong ko dito pero natawa naman ito.

"Nope, i called you para sa salary mo." sabi niya sabay hugot ng white envelope sa small table na nasa harap namin. "Here.."

Nginitian ko naman siya, "thank you! Sakto paubos narin ang allowance ko." natatawa kong sabi sakanya.

"No prob, i doubled it na yan para sa last time. Sorry nakalimutan ko."

Sandali pa kaming nagkwentuhan ni Cyline tungkol sa buhay niya o sa trabaho niya. Again, nakwento niya gaano kapagod ang trabaho niya at ngayon lang din siya nakakuha ng oras para mag pahinga. Buti nalang talaga at hindi ko pinili magkaroon ng ganyang trabaho. Kaya tignan mo ngayon, naghihirap ako at konti nalang mag didildil na ako ng asin.

Naalala ko nanaman ang sakanila ni Klyde. Eh kung tanungin ko kaya siya? Pero paano? Nakakahiya naman. Hindi ko naman boyfriend si Klyde kaya kahit sila man o hindi, labas na ako dun.

Pero dapat ko bang tanungin? After all, malaki na rin ang naging parte ni Cy sa buhay ko, and if ever na sila nga ni Klyde and he is really cheating on her, aba, kailangan ko mag take actions!

"Ah, Cy.. May itatanong lang ako.."

"Hm.. Ano yun?"

Lumunok muna ako bago nagsalita.

"Nung saturday kasi, diba naglinis ako dito? T-then um, napansin ko kasi yung bago mong picture frame sa kwarto.. yung nakasabit, hehe.."

"Ahh, me with Klyde?"

Tatango tango akong sumagot sakanya. Tumpak, nadali mo! Mismo!

"What about that?" tanong pa niya.

"Ah, kasi schoolmate ko yun, si K-klyde, madalas ko siyang makas-salubong.. Hindi ko alam na, magkakilala pala kayo?"

Tumango naman siya sakin. "Yes, we've been together since 12. Ngayon ko lang din naisipan mag lagay ng picture namin kasi recent lang din kami nagkasama. Actually yung picture na yon, last week lang. Busy na kasi, i've heard na siya ang inantasan ni Tito sa pag mamanage ng school since siya rin naman daw kasi mag mamana nun."

'We've been together since 12'

'We've been together since 12'

Nagpaulit ulit sa tainga ko ang sinabi niyang 'yun.

Oh.

So.. totoo nga..

The Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon