TD 29

510 26 4
                                    

Kai and Von called, saying na they will be having a little party in Von's house in BGC. Kakauwi lang ng mga ito galing sa isang bakasyon, at sa pagkakaalam ko, sa ibang bansa pa sila nag punta.

"Punta kayo ha! Kung hindi, 'di niyo makukuha ang pasalubong niyo!" Kai said over the phone call.

"Oo na, sige na, mag aayos na ako," natatawa kong sabi habang nagsisimula nang magligpit ng school works na sinasagutan ko.

Wala na rin pala kami sa dorm ngayon ni Jane dahil nasa kanya-kanya na kaming bahay ngayon nakatira. May apartment na nahanap si Mommy na pwede naming matuluyang tatlo. Ito ang napili niya dahil bukod sa napakaganda ng interior at tahimik na paligid, ay malapit lang din ito sa school. Convenient siya para samin since same school lang din naman kami nag aaral ni Takehiko.

Kailangan pa ring bumalik-balik ni Mommy sa Japan dahil nakapatayo na pala ito ng business doon, at kasalukuyan na ring lumalago. Naintindihan naman namin ito dahil hindi niya ito pwedeng pabayaan nalang.

I messaged Jane, telling her to attend the party in Von's crib. Hindi ko alam sino sino ba inimbita nila Von pero if ever man na marami, atleast may isa man lang akong makasama do'n!

From: Janna Jane

Pupunta talaga ako don 'no, nakabihis na nga ako eh!

Napamadali naman akong mag ayos dahil sa reply na 'yon ni Jane. Bwisit, akala ko pa naman wala pa siyang idea about do'n, mas nauna pa pala siyang nakaalam kaysa sakin at nakapag ayos na.

Simpleng damit nalang ang pinili ko para naman komportableng gumalaw. White sweater, maong shorts, and low cut converse. Nagsuklay na rin ako ng buhok kong abot ilalim ng dibdib. Hindi pa man ako natatapos, nakarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto. Saglit kong iniwanan ang pag-aayos at naglakad sa pinto para buksan.

Si Jane.

"Hindi ka pa rin tapos?!"

Nakasuot ito ng cropped top polo, at fitted jeans. Naka todo make up rin ito. Wow, hiyang hiya ang maputla kong mukha.

"'Di pa, ang bilis mo naman?" takang tanong ko pa dito. Ilang minuto lang ata nung tawagan ko siya, ngayon readyng ready na talaga siyang pumarty. Anong oras ba 'to nasabihan bakit ang late ko ata ma-update.

"Excited ako eh hihi, sige na tapusin mo na yan!" parang batang pagmamaktol nito na inaalog alog pa ang braso ko. Napailing naman ako sakanya at agad na tinapos ang ginagawa.

After 5 minutes, natapos na rin lahat ng pag aayos. Kinuha ko na lang ang maliit kong bag sa kama at lumabas ng kwarto kasama si Jane. Saglit pa akong nagpaalam kay Mommy at Taki na nakaupo sa sala. Sinabihan lang ako ng mga ito na mag-ingat at wag magpapagabi. Kumaway ako sakanila bago tuluyang lumabas ng bahay.

Gulat ako nang salubungin kami ng isang puting kotse sa labasan.

"K-kanino 'to?" gulat na tanong ko habang nakaturo pa rito. Binigyan naman ako ng isang malaking ngiti ni Jane.

"Mine!"


Napaawang ang bibig ko sa sinabi niyang 'yon. Mukhang mamahalin ang isang 'to, big time!


Niyaya na ako nitong sumakay na sa kotse. Nang makasakay, pinakabit niya sakin ang seatbelt at sinabing mag chill lang. Medyo kinakabahan ako sa isang 'to ah. Kaya naman talagang inayos ko ang pagkabit ng seatbelt at kumapit pa roon pagkatapos.


Sa awa ng Diyos, nakarating kaming ligtas sa bahay ni Von. Pigil hininga ako buong biyahe! Medyo maalog pa kasi itong magdrive, siguro ay dahil kailan lang din naman siya nag karon ng kotse.

"Nandito na rin sa wakas!" malakas na tugon ni Kai habang nakatingin saming dalawa ni Jane. Nakataas pa ang dalawang kamay nito na parang sinasalubong kami.

Napatingin naman ako sa paligid, wala masyadong tao. Si Kai, Von, Courtney, Jane, at ako lang ang nandito!

"Tayo tayo lang?" tanong ko sa kanila habang iniikot ang paningin ko.

Tumango naman si Von, "para sa tipid sa pag bili ng souvenirs.."

Naupo na kami sa pahabang mababang lamesa na nasa gitna ng living room ng bahay nila Von. Bali, nakaupo kami sa sahig para sakto lang ang taas namin sa lamesa. Isa pa 'to, napalaki at ganda ng bahay. Iba't ibang paintings ang nakasabit sa dingding na para pang kinuha pa galing ibang bansa. May malaki ring chandelier na nakasabit sa gitna ng bahay nila. Napakabigtime ng mga kasama ko!

Napakadami ring pagkain na nakahanda sa baba kahit ilan lang naman kami. Nang sinenyasan kami ni Von na kumuha na, ay hindi na ako nagsayang pa ng oras. Kumuha ako ng slice ng pizza at kinain iyon. Grabe, hindi ata ako magsasawang kumain ng pizza buong buhay ko.

Nagsimula naman silang mag kwentuhan ng kung anong nangyari kay Kai at Von sa ibang bansa. Andami rin pala nilang pinasyalan. Sayang nga daw at hindi na nakapagbook pa si Courtney ng flight kaya dalawa lang silang nakaalis ng bansa. Patuloy lang silang nag kwentuhan habang patuloy lang din ako sa pagkain nang walang imik-imik.

Yeah, 'cause pizza is life!

"Pareho pala kayo ng gusto ni Klyde, Bree." napalingon ako kay Courtney ng sabihin niya 'yon. Patuloy pa rin ako sa pag nguya nang bigyan siya ng 'confused' look. Nginuso naman nito ang hawak ko.

"Pizza,"

Tumango naman ang iba niyang kaibigan.

"Pag ganito rin ang kinakain namin, pizza lang madalas niyang kinukuha." dagdag pa ni Kai habang may pagkain pa sa bibig. Uminom naman ako ng tubig bago nagsalita.

"Miss niyo na talaga 'no?" tanong ko pa sa mga ito. Sabay sabay naman silang napangiti.

"Oo naman 'no, sino bang hindi? Ikaw ba, hindi?" sagot ni Kai habang binibigyan ako ng pang-asar na tingin.

"Of course I do!" sabi ko pa at kumuha ng panibagong pizza. Kumagat muna ako rito bago muling tumingin sakaniya,

"I do miss him like crazy,"

"Really?"

.

.

.

Talagang napatigil ako sa pag kain ng pizza kahit napakasarap nito nang makarinig ako ng pamilyar na boses na nagsalita sa likod. Nanatili akong nakatingin kay Kai dahil pinilit na nirerehesistro ng utak ko kung kanino galing ang napakapamilyar na boses na 'yon. Binibigyan naman ako nito ng mga kakaibang ngiti, at itinataas-taas pa ang dalawang kilay.

Dahan-dahan akong napalingon sa likuran ko. At doon ko na nga naklaro, nang makita ko ang isang katangkarang lalaki, undercut ang gupit ng buhok, naka hoodie na gray, habang nakapamulsa sa suot niyang pantalon.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Nanatili lang akong gulat na nakatingin sakanya habang nginisian naman ako nito.

"I missed you, too, like crazy.."

*

Finally, may matutuloy na ring naudlot! Next update will be the last chapter!

The Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon