TD 08

826 33 9
                                    

GIRL ANG TARAY LUMELEVEL UP KA NA! ANG PAPI KLYDE NIYAYA KA MAKIPAG DATE! HINDI PA NAMAN MAHABA ANG BUHOK MO NIYAN?!" malakas na sabi ni Jane habang inaayos ko ang sarili ko. 6:30 na ng gabi, at heto ako ngayon, nag aayos kahit papaano, magmukha namang tao para sa sinasabing "date" ni Klyde. But i don't take this as a romantic date. Peace offering date siguro.

Well maybe this is his way para humingi ng tawad. Tignan mo nga naman, at medyo maeffort rin pala 'tong mokong na 'to?

"This is just a friendly date, Janey. Siguro, bumabawi lang yung tao." Sabi ko pa habang sinusuklayan ang dulo ng buhok ko.

"Bumabawi? Bakit, ano ginawa niya?"

Natigilan ako sa sinabi kong yun at mabilis na nag isip ng irarason. Hindi pwedeng malaman ni Jane na ganon ang trato sakin ni Klyde, at may pinagkasunduan kami! Baka kung ano pang mangyari if ever na kumalat man 'to sa campus!

"A-ah, ano umutang kasi siya tapos hindi siya nagbayad. Oo, tama hehe."

Napalunok naman ako sa naging rason ko na 'yon.

Kunot noo siyang napatingin saakin. "Ang isang Klyde na nag hahandle ng school, mangungutang sa shoklang katulad mo? Ay iba ka rin!"

Napalunok naman ako at tumitig sa salamin. Inayos ko na lamang ang sukot kong black leather jacket na bigay pa sakin ni Dad noong 17 ako.

"K-kasi, ano daw, nakalimutan niya yung wallet niya nung ano, isang araw."

Tatango tango nalang ang itinugon saakin ni Jane habang nakapout ang labi niya. Shit, ang tanga ko ata mag rason.

Pasadong 7:00 na ng matapos ako sa pag aayos. Kinuha ko na ang pabango ko at inispray sa buong katawan. Baka maya maya ay nandito na rin si Klyde, siya na rin daw kasi ang bahala sa transportation. Foods, location, and all ay siya na rin. Big time!

Maya maya ay nakarinig na kami ng katok mula sa pinto. Binigyan muna ako ng nakakalokong ngiti at tingin ni Jane bago siya tumayo at binuksan ang pinto.

"Oh my, ang pogi pogi naman nireng batang ire!" sabi ni Jane habang nakahawak pa sa magkabila niyang pisngi. At tama nga siya, kahit nakakapikon 'tong lalaking 'to, hindi maitatago ang kamandag ng pagkatao niya. Isang naka polong shirtsleeves at pants na bitin si Klyde. Tila dahon dahon pa ang disensyo ng damit nito, at plain light brown ang kulay ng pants. Ang buhok nito'y katulad parin ng nakagawian. Magulo. Pero ang hot tignan- wait, what???

Naglakad ako papalapit sa pinto. Simple lang naman ang damit na suot ko, black sleeveless na top, black leather jacket, pants and converse. Yep, all in all, all black. Sinadya ko talaga 'to, para naman hindi talaga maging romantiko yung gabi.

"Tara na?" yaya ni Klyde. Binigyan ko naman siya ng blankong tingin at simpleng tungo saka lumabas ng bahay.

"Ay taray," natatawang tugon ni Jane. "ingat kayo!"

Narinig ko naman ang pagsara ng pinto. Nagpamaunang maglakad si Klyde sabay bukas ng pintuan ng kotse niya. "Pasok."

At nanatili akong blanko, pumasok ako sa loob ng hindi siya pinapansin. Ewan ko ba, feel ko lang mag matigas sakanya. Suyuin niya lang ako para matuwa ako sakanya. (hehe)

Sumakay narin siya ng kotse pagkasakay ko. Inistart niya ang makina at nag drive na rin. Walang nagsasalita sa buong biyahe. Ewan, feel ko nga ang awkward ng sitwasyon namin ngayon. Tumigil ang kotse sa isang sikat na restau bar. Parang titigil ang tibok ng puso ko, shet, sigurado ba siyang libre niya? Baka mamaya scam lang pala, tapos wala akong maibayad!

"Dito tayo kakain?" di makapaniwalang sagot ko kay Klyde. Tatango tango siyang tumingin saakin.

Suminghal pa ako bago nagsalita ulit, "eh isang meal jan allowance ko na ng isang linggo eh!"

"Dont worry," sabi niya at bumaba ng kotse. Pumunta siya sa side kung nasaan ako at pinagbuksan ako ng pinto, "my treat."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Putek akala ko mamumulube nanaman ako. Pumasok kami sa loob at ang nakakagulat, kilala siya ng mga staff. May nakareserve na palang table para samin. Ano planado?

"What do you want to have?" tanong niya nang makaupo na kami. Napakamot naman ako ng batok dahil never pa akong nakakain dito at hindi ko alam kung ano bang masarap.

"Kung ano nalang iyo." sagot ko sakanya. Tumango nalang siya at sinabi sa waiter ang order naming dalawa. Nag order rin siya ng isang bucket ng alak. Siraulo naba 'to, mag dadrive pa siya pauwi.

After 10 minutes, dumating na ang order namin. We started eating without even talking.

"So, anong pinagkakaabalahan mo ngayon?" pambabasag katahimikan niya.

"Pag aaral?" patanong na sagot ko at sumubo pa ng isa.

"Wow," he chuckled. "Sipag mo naman pala." natatawang sabi niya sabay inom ng tubig. Tapos na agad siya? Nahiya naman ako kaya binilisan ko nalang din ang pagkain ko. Nagbukas siya ng isang bote at uminom.

"Tanungan tayo." ani Klyde.

"Hm?" tipid na sagot ko at kumuha ng isang boteng alak at binuksan din iyon.

"Getting to know each other?" He chuckled.

Ano nanamang trip niya? For what? Pero sige na, kaysa tahimik kami dito.

"Ilan kayong magkakapatid?" tanong niya.

"Ako lang. Solo. Kayo?"

"Tatlo. Asa states yung dalawa. Fav movie?"

"Anime movies, madami eh. Spirited Away, Hello World, and Your Name top 3 ko."

"Ohh," he nodded. "I know that movies too,"

"Mhm, bitin yang mga 'yan for me."

Nakakailang tanong pa kami hanggang sa naging tipsy na kami pareho.


"Uh bree, this one is a weird question but i want you to answer it honestly,"

Natigilan naman ako sa naging tanong niya.


"O-okay?" nag aalinlangan kong sagot na medyo kinakabahan pa nga.

"What are you thoughts about, uh, love?"

Napainom ako sa tanong niya. At hindi pa nga ako nakuntento, uminom ulit ako ng isang lagok.

"I think.. it is a feeling?"

Antanga ata ng sagot ko!

Pero totoo naman diba?!

Natawa nalang siya at napailing.


"As much as i wan't to laugh, parang wala akong karapatan. I don't have any idea about it."

Nginiwian ko na lamang siya tumingin sa malayo. Ilang minuto pa ang namutawi, at pareho lang kaming tahimik. Mula sa labas, nakikita ko na ring lumalalim na ang gabi. Magyayaya na sana akong umalis nang bigla ulit siyang masalita.

"I have another condition for you."

Hindi ako sumagot at deretso lamang na nakatingin sakanya, habang hinihintay na ituloy niya ang sasabihin.


"Let's stop the sexual thingy, I'll give you another condition."


Napalunok ako. Ano nanaman 'to, Klyde Delavid!


"W-what is it?" kabadong tanong ko habang inaayos ang pagkakaupo ko.


He smiled lightly and stared at me straight in the eyes.

"Teach me about love,"

The Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon