EPILOGUE

644 27 26
                                    

"GRADUATION BATCH 2024."

Everyone's smiling from ear to ear, wearing our black togas and graduation caps. This is it, the final wait is over. Tapos na ang paghihirap at pag ca-cram sa mga school works!

The MC already started talking, pero hindi ako matigil kakaikot ng mata ko sa mga taong nandito ngayon sa loob ng stadium dahil may isang tao na hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating.

Si Klyde.

Wala ba siyang balak masaksihan ang graduation ko?! Napabusangot naman ako at ibinalik ang paningin sa harapan. Alam kong nag take na 'to ng day off ngayon kaya imposibleng nasa trabaho siya. Nagsimula naman akong mang gigil. Lagot talaga 'to sakin eh.

Nanatili lang akong nakatingin sa harapan at pilit na makinig sa sinasabi ng MC. Sayang, at malayo sa upuan ko sina Jane at Takehiko kaya wala akong madaldal. Iba kasi ang seating arrangement namin ngayon, buong college students ang nandirito ngayon na nakaupo sa gitna ng stadium at pinag alphabetical order pa kami.

Nakakatuwang isipin, naalala ko lang nung mga panahon na iniisip ko paano ba ako makakapag aral ng college. Kapos talaga ako nung mga panahon na 'yon eh. Pero akalain mo nga naman, lahat talaga ng bagay ay may rason. Gasgas man sa pandinig, pero totoo nga ang kasabihan. Dahil sa naging kasunduan namin ng Presidente ng SSC, na anak ng may-ari ng eskwelahan, napakadaming nangyari sa buhay ko. May mga malungkot, pero meron di namang masasaya. Nakakilala ako ng mga bagong kaibigan, nagkaroon ako ng kapatid, nakasama ko muli ang nanay ko,

at nakilala ko si Klyde.

I never thought that we would end up here- as a couple. I hated him at first, but look at us now. 3 years in a relationship, and still going on.

Nagkakaron rin ng problema, oo. Pero kinakayang ayusin basta magtagpo lang sa gitna. Piliting ilagay ang sarili sa sitwasyon ng isa, para naman talagang magkaintindihan. Dumating rin kami sa mga puntong muntik nang mag hiwalay, pero tignan mo ngayon..

Nandito pa rin. Because we always choose each other.

Speaking of, nasaan na ba kasi siya?!

Hanggang sa natawag na lahat ng estudyante at wala pa ring Klyde na lumilitaw. Nakita ko namang kumaway si Courtney, Kai at Von mula sa crowd. Ngumiti naman ako sa kanila at kumaway pabalik. Buti pa sila, nandito!

Matatapos na ang ceremony pero hindi ko pa rin siya makita. Hindi na ako nakatiis pa at kinuha ko na ang phone ko mula sa ilalim ng togang suot ko.

To: Babe

Nasaan kana ba?!

From: Babe

I'm sorry, may emergency sa office.

Napahinga ako ng malalim at napaiwas ng tingin mula sa phone. Hindi naman sa hindi ko intindi 'yung sitwasyon, pero nakakatampo naman. Akala ko ay tinake niya 'tong araw na 'to as free day dahil gusto niyang dumalo sa graduation ko, pero mukhang hindi na siya makakapunta pa. Syempre, as a girlfriend, gusto ko ring masaksihan niya ang tagumpay ko.

Tumingin ako sa itaas para mapigilan ang mga luha ko na gusto nang tumulo. Napaka-emotional ko naman!

"And for the final speech, please welcome, the former president of SSC Batch of 2020, the one who run and manage the school, the soon to be the owner, let us clap our hands to Mr. Klyde Delavid!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabing 'yon ng announcer. Ano daw, tama ba pagkakarinig ko, Klyde Delavid?!

Nakita na ng mismong mga mata ko ang paglakad nito mula sa likod papunta sa MC. Kumaway pa ito bago kinuha ang mic.

"Good morning, everyone,"

Anong ginagawa niya rito? Akala ko ba wala siya?!

"I'm sorry kung mapapatagal ko pa yung ceremony niyo," he chuckled, "mabilisang speech lang naman 'to."

"First of all, I want to congratulate each and everyone of you. This is already one step closer to your dreams, y'all have already complete your schooling, and I know that it's not a walk in a park; it's been a roller coaster ride. I have also experienced the things that y'all have, that's why i'm here to say, that i'm very proud to all of you. Pinilit niyong nilabanan ang pagsubok ng pag-aaral, kaya nandirito kayo ngayon sa stadium na 'to is because you all made a success! Congratulations!"

Nagpalakpakan naman ang mga tao sa sinabi niyang iyon. Napangiti naman siya sa mga madla, habang nanatiling nakatayo roon. Saglit pa nitong ibinaba ang mic at muling ibinalik sa bibig para magsalita.

"And to my loml,"

Nanlaki lalo ang mga gulat kong mata nang sabihin niya ang mga katagang 'yon! Sinabi niya pa iyon as 'lowmel' imbis na love of my life. Napalingon naman sakin ang mga estudyanteng nakakaalam na ako ang girlfriend niya at binigyan ako ng mga nakakakokong tingin at ngiti. Hindi ako makatingin sakanila dahil sa hiya! Pakiramdam ko tuloy, parang may spotlight na nakatutok sakin.

"I'm sorry for lying," nakatingin na ito ngayon sakin. He slightly laughed and scratched the back of his head, "but I want you to know that I am so proud of you. We are so proud of you. I know what you have been through, I know it's not easy. I saw you cried so many times, I saw you cram, I saw you procastinating, but look at you now.."

"Still looking good as ever. Nastress ka man lang ba?"

Nagtawanan naman ang mga tao, habang hindi naman ako makagalaw habang nakatingin sakanya. Pakiramdam ko tuloy, pinapanood ng mga tao ang bawat galaw ko. Binibigyan ko naman ng tingin na 'ano-bang-ginagawa-mo' look si Klyde pero parang baliwala ito sakanya. Kahit kailan talaga ay napakagaling niyang gumawa ng eksena!

Ramdam ko ang pag init ng mga pisngi ko. Hindi ko alam kung sa kilig ba o sa hiya!

"I know you are strong, an independent woman, can go on with life kahit mag isa ka lang.."

I saw sparkle in his eyes as he blink. Wait, is he tearing up?!

"But,"

He stopped talking and get something inside his pocket. A box. A small box. My heart started to beat so fast na parang lalabas na sa dibdib ko. Iisang bagay lang ang pwedeng magkasya sa box na 'yon.

"Will you let me accompany you in every step of your journey?"

A ring.

A tear fell down from my eyes, as my lips starts to form into a smile. I immediately stood up from my seat and run towards him.

And this, is how our happily ever after started.

END OF DWTSM.

*

Thank you all so so much for supporting my first story! I'm *proud* i finished this. I honestly wrote this story last year pa, year 2019 but for some reason, hindi ko natuloy. Buti nalang may back-up nung mga first chapters kaya naisipan kong dugtungan nalang at baguhin ng kaunti. I actually had an original plot dito, pero mas pinili kong ibahin ang takbo ng story. And I think mas deserve naman 'to ni Bree and Klyde hehe.



Will y'all still support me IF EVER i'll write a BOOK 2 of this story? Leave your answers on the comment section!

-


THANK YOU!

                       - Bree, Klyde, & Author.

The Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon