Masyado nabang mataas ang pride ko kung sasabihin kong hindi ko tinanggap ang sorry ni Klyde? Oo, matigas na kung matigas pero nagmatigas talaga ako. Sobra sobra na yung ginawa niya, hindi na makatarungan 'yon!
Tinabi ko narin sakanya na kung papatalsikin niya ako sa school na 'to ay gawin na niya. Dahil kaya kong kumayod mapagaral ko lang ang sarili ko sa maayos na paraan. Pero ang ikinagulat ko, ay hindi siya pumayag. Akala ko ba kaya niya? 'Yon ang panakot niya sakin diba?
"No, aren't you thinking about the possibilities? Pwedeng hindi kana papasukin pa sa ibang eskwelahan." Napabuntong hininga siya bago ulit ako pinasadahan ng tingin. "That's why i'm saying sorry, okay?"
Pero hindi napagaan ng sorry niya ang nararamdaman ko. Hindi niya lang ako nasaktan physically, kung hindi emotionally. Wala na akong pake kung magalit pa siya sakin, mas iisipin ko na ang sarili ko sa ngayon. Nakapagtataka lang, na ang demonyong Klyde Delavid na una kong nakilala ay parang biglang naging anghel ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya niyang mag sorry.
"Anong magagawa ng sorry mo? At saka, over naman ata yung galit mo, hindi lang naman ako nakapunta agad sa office mo?" tanong ko rito na ikinatigil niya. Umiwas siya ng tingin, at parang nag iisip ng malalim.
Lumiit naman ang tingin ko sakanya at napataas ng isang kilay.
"Oh baka naman, may ibang rason?" dagdag ko pa, habang sinusuri ang mukha niya.
He scratched his head out of frustration, sabay wasiwas ng kamay niya. "Just forget about it, ano, papatawarin mo ba 'ko?"
—
"Girl, tara lunch na." sabi ni Jane habang nililigpit ang gamit niya. Inayos ko na rin ang gamit ko bago tumayo at naglakad palabas ng room kasama siya.
Napakaraming estudyante ang tumambad saamin pagkarating ng canteen. Parang isang palengke ang bumungad samin dahil sa halo halong ingay. Hindi ko nalamang iyon pinansin at naglakad papuntaa sa bakanteng lamesa at umupo.
"Pasabay nalang ng akin, Jane." sabi ko kay Jane sabay kuha ng pera sa wallet ko. Tumango naman siya at tinaggap ang pera bago naglakad papuntang counter. Alam na naman niya ang gusto kong kainin. Walang iba kung hindi spag at shanghai.
Sa pag aantay, tumingin ako sa labas at nag muni muni. Ang itsura kasi rito ay para kaming nasa loob ng isang parisukat na babasaging box kaya nakikita namin ang labas. Bigla kong naalala ang mga kailangan kong gawin sa school, overload nanaman ang paperworks ko nito. Napahinga ako ng malalim at humawak sa sintido ko. Maya maya pa'y nakarinig ako ng paglapag ng tray sa lamesa ko. Andito na ang pagkain.
"Finally! Makakakain na ri–"
Hindi ko pa naipagpatuloy ang sasabihin ko nang makita ko si Klyde sa harap ko. Karamihan sa mga estudyanteng kasama namin ngayon ay nakatingin na sa amin.
"Here, i bought you lunch. For.. peace offering?"
Kunot ang noo akong napatingin sakanya. What the f, bakit ba sobra siyang pursigido sa paghingi niya ng patawad sakin? Sino ba ako?
Bigla naman akong nahiya, lalo na at maraming mata na ang nakatingin saamin ngayon. Ugh, gawa gawa eksena talaga 'tong si Klyde!
Matigas parin ang puso ko para sakanya. Sa ngayon, ayoko muna siyang makita. Nang dahil sakanya, mas lalong bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Pero bakit naman kasi ako pumapayag? Diba? Kasalanan ko ri—
Pero teka teka! Kasalanan niya dapat to!
"Salamat nalang, nakaorder na kasi yung kaibigan ko." walang ganang sagot ko sabay turo kay Jane na nakapili parin sa counter.
"Then, add this. Para mabusog ka." he said and pushed the tray towards me. At talagang mapilit kang lalaki ka. Gusto ko siyang malditahan kahit hindi ko ugali iyon at iwasan ngayon pero madami ang nakatingin saamin ngayon. At isang Klyde, na kilalang kilala sa school, presidente ng student council, anak ng may ari ng school, at heartthrob ng high school campus, susupladahan ng isang katulad ko? Sino ba naman ako para gawin yon? Baka madami pang paninira ang matanggap ko kung mangyayari yun.
Pinakalma ko nalang ang sarili ko at kinuha ang binigay niya. Ngumiti naman siya sa akin at umupo sa harap ko. Hindi pa ba siya aalis?
After a few minutes, Jane finally arrived. At habang kumakain, masaya silang nagtatawanan at nagkkwentuhan ni Klyde na akala mo matagal na matagal nang magkakilala.
"Jane, can i ask you something? About this girl right here?" rinig ko pang tanong ni Klyde. Napatigil ako sa pagkain at napatingin sakanya pero kay Jane siya nakatingin. Ano nanaman bang trip nito.
"Yes???" masigla pang tanong ni Jane.
"Pwede ko ba siyang ipag paalam mamayang gabi na.."
"Na?" sagot naman ni Jane na halatang inaabangan ang susunod na sasabihin ni Klyde.
Mamayang gabi? Don't tell me– effin no! marami akong paper works na gagawin at tsaka ayokong magpagamit ulit sakanya no!
"Date."
Para akong mabubulunan sa narinig ko.
Ano daw, tama ba narinig ko?
Date?!
BINABASA MO ANG
The Deal
RomanceIn a strenuous world where an ordinary girl named Bree Flores needs to be a slave under a Supreme Student Council's President; Klyde Delavid who happened to be a 'Sex Maniac' in order to live the life that she ever wanted. Is she gonna make it? [...