TD 11

729 30 5
                                    

Nakatulala akong nakatingin sa ceiling ng kwarto ko habang pinapatunog ang mga daliri ko. Sobrang bagsak ng katawan ko mula nang makauwi ako kagabi galing sa club. Yes, i admit, i made out with a girl-or girls, i can't even remember pero hindi ako masatisfy nito katulad ni Bree. This girl really give me satisfaction. Ewan ko, kakaibang kamandag ata nakuha ko sakanya. She's so hot and cute and pretty and—

Napatigil ako sa pag mumuni muni nang makarinig ako ng tawag mula sa phone.

It's Cyline.

"Hello?" walang ganang boses na sagot ko.

"Hey! Can you come over?" tanong niya mula sa kabilang linya.

"Why? What do you want?"


"Wala lang, bonding? Di mo ba ako namiss?"


Natawa na lamang ako. Ang kulit talaga ng babaeng 'to.

"Yeah, maybe," bumangon ako at umupo sa kama. "Sige, i'll be there in 30 minutes."

"Yehey! You're really a good friend, Klydey boy! See ya! Mwa!"


At bago pa man ako makasagot, ibinaba niya na ang linya. 3 araw na rin ata kaming hindi nakakapag kita nito. Sobrang hectic ng sched niya na kahit pagpapahinga niya, ay hindi na niya magawa. Nakakaawa.

Mabilis akong naligo at nag bihis. After 20 mins, lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse. Mabilis ko na ring inumpisahan ang pagmamaneho kaya agad rin akong nakarating sa unit ni Cyline. Nagdoorbell ako ng tatlong sunod sunod na beses sa pintong nasa harapan ko. Maya maya nama'y lumabas si Cyline nang may malawak na ngiti sa mukha.

"Klydeyyy!" sigaw ni Cyline sa mismong mukha ko. Napakasakit sa tainga ng boses nito! Nagulat pa ako nang tumalon siya sakin at parang koalang nakasabit na sa leeg ko.


"Ouch, Cy. Ang bigat mo!" singhal ko dito habang hinahawakan siya sa bewang para ayusin ang tayo niya.


"I missed you so much, my boy!"


"I missed you, too!" natatawang sabi ko dahil mukha na siyang batang tuwang tuwa dahil nakauwi na ang papa niya. Pumasok ako sa loob at sa wakas, wala nang Cyline ang nakasabit sa leeg ko. Inilibot ko pa ang paningin ko sa loob, pero otomatikong nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Bree na nakaupo sa couch habang kumakain. Medyo nakatalikod siya mula saamin kaya baka hindi niya ako nakitang pumasok. Sa pagkakaalam ko, nabanggit nga ni Cyline na mayroon siyang former classmate na naglilinis ng unit niya. Hindi ko naman aakalaing, si Bree 'yon.


"Oh-Bree?" sabi ko habang inaayos ang suot kong damit.


Dahan dahan siyang lumingon saakin at ngumiti habang ngumunguya nguya parin ng kinakain niya. Sa itsura niya ngayon, para siyang batang napabayaan ng magulang dahil ang dungis ng gilid ng labi nito.


"Long time no see, where have you been?" kunot noong sabi ko at naglalakad papunta sa tabi niya. Fuck, its been a while. Tinakbuhan niya nalang ako pagkatapos ng kondisyon na binigay ko sakanya. At simula no'n, madalang nalang kami kung magkita.


"A-ah.. Haha! Naging busy sorry. Walang time for hang outs." uutal utal at natatawang tugon niya sabay kuha ng maraming fries sa tray. Ganito ba siya kagutom ngayon at akala mo aagawan ng pagkain.


"Guys, wait lang ha, imma take a shower muna 'cause may schedule ako later after we chika chika. Jan muna kayo, babush!" tinignan muna ako ni Cyline at kinindatan ng palihim bago naglakad papunta sa kwarto niya. Damn, Cyline!


Saglit pa kaming natahimik nang umalis si Cyline. Nakatuon lamang ang atensyon ko sa pinapanood kong movie. Fifty shades of Grey. I cant help myself but to feel something inside me. Para maiba ang nasa laman ng utak ko, nag isip nalang ako ng pwedeng itopic para naman hindi kami tahimik na dalawa dito.


"Funny isnt it? Ang small world.." sabi ko sakanya at nilipat ang channel dahil halata rin namang hindi makatingin si Bree sa palabas. She's too naive.


Tumingin siya saakin at napatango.


"Oo nga eh, hindi ko inexpect na yung 'tumulong' saakin para makapag-aral, ay boyfriend ng taong tumutulong saking makakain."


Natawa ako nang talagang sabihin niya yung word na boyfriend. Hindi ba ikinekwento ni Cyline kung ano ba talaga kami?



"Why? What's funny? May mali ba sa sinabi ko?" tanong pa nito habang nakakunot ang noo.



Umiiling iling nalang ako, "wala naman. Lahat naman tama."



Bakas sa mukha niya ang pagkagitla. Natatawa naman akong pinapanood ang reaksyon siya pero pilit ko lang pinipigilan ang sarili ko dahil baka magalit nanaman siya. Hirap hirap pa namang suyuin ng babaeng 'to.



"But, there is something you need to know." dagdag ko pa para naman hindi na siya naiistress kakaisip jan.



"Hm?" tanong niya nang ngumunguya nang chicken.




"Na, yung relasyon namin, is just friendship." natatawa kong sabi sakanya.



"Ano?!" gulat na sagot niya. Talagang nag form ng o yung dalawang mata at bibig niya. Bakit ba ganyan ang reaksyon niya? Bakit ba kasi hindi ineexplain ni Cyline yon?



"Haha! We've been friends since we where 11 ata, kasi lagi kaming sinasama ng parents namin sa work kasi walang magbabantay. Sakto naman, siya lagi nakakalaro ko so we became friends. We are actually, childhood friends." pagpapaliwanag ko pa rito. Medyo natigilan pa ata siya, at parang hindi makapaniwala sa narinig.


So all this time, she thought that I was in a relationship with Cyline?


This girl, really...


"Pero.. you like her, right?"

Tumingin ako sa kanya at napangiti. Yung mga bilugan niyang mata, matangos na ilong at magandang labi, sinong hindi maaakit jan, Bree? Gusto kong pasalamatan ang mga magulang mo dahil napakagaling nilang bumuo ng isang katulad mo. Yung pag didikit ng kilay kapag nagagalit, yung pag labas ng cheekbones everytime na ngingiti at tatawa siya, yung mga mata na lalaki kapag nagugulat, sinong hindi mahuhulog jan? Dagdag mo pa yung sexyness mo. So i answered,

"Yes, ofcourse."

I think,


I like you, Bree.

The Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon