Tuluyan na ngang nakaalis si Klyde ng bansa. Wala din akong ibang contact sakanya kaya hindi ko siya pwedeng makausap. Sabi naman nila Kai, hindi na raw sila kinocontact o wala silang natatanggap na message galing kay Klyde. Mukhang hindi na rin daw kasi nagamit pa ni Klyde ang phone ng kasambahay nila kaya hindi rin nila ito makamusta.
Nabalitaan kong, iba na rin pala ang in-assign para magpatakbo muna ng eskwelahan habang nasa Amerika ang pamilyang Delavid. Mabilis din ang naging pagkalat ng balita sa buong school, bawat kabilaan ng eskwelahan ay ganon ang maririnig mo. Si Klyde ngayon ang bagong Hot Issue ng campus.
Hindi ko kayang iwasan ang lungkot na nararamdaman ko ngayon. Bawat taong makakasalubong ko, ay nahahalata ang lungkot na dala ko dahil andali nitong basahin sa mukha ko. Hindi naman ako iniwanan ni Jane mag-isa simula nang umalis si Klyde, pero ngayon, kinailangan niya na ulit umuwi sa bahay nila dahil celebration raw ng kuya nitong nakapasa sa board exam. Paminsan minsan naman, ay dinadalaw ako ng isa-isa ng mga kaibigan ni Klyde para tignan ang lagay ko.
"Alam mo, sa tagal naming nakasama si Klyde, nito lang kami nanibago. Kaya naisip naming, grabe rin pala ang nagawa mo sakanya. Grabe ang naging epekto mo sa siraulong 'yun," sabi ni Courtney na ngayon ay nakaupo sa tabi ko. Siya naman ngayon ang nandito, habang kahapon, si Von ang dumalaw.
Isang linggo na rin kasi ang nakalipas nung huling nakita ko si Klyde, at aaminin kong nahirapan akong mag adjust. Parang iba na yung atmosphere, ang hirap isipin na nasa malayo na siya.
Napalingon naman ako kay Courtney dahil sa sinabi niyang 'yon. Napatango naman ako bilang pagsang ayon sa sinabi niya habang pinapanood ang mga JHS students na naglalaro ng soccer sa field, na sa tingin ko ay PE nila.
"'Yun nga rin ang napansin ko sakanya. Nung una, hindi ko maipinta ang ugali nu'n, then later on, nagugulat na ako sa mga kilos na pinapakita niya. Kaya nilayuan ko rin siya nung una, dahil akala ko, may girlfriend siya. Pero kahit anong layo yung ginawa ko, talagang pinaglalapit kami." kwento ko pa habang inaalala yung nangyari sa unit ni Cyline nang magkataong nagkasama kami sa iisang lugar nung mga panahong nilalayuan ko siya.
"Pero ngayon namang gusto kong malapit sakanya, saka naman siya nilayo. Ang gulo talaga minsan ng buhay," dagdag ko pa at napabuga ng malalim na hininga.
Ngumiti naman si Courtney sakin at tinapik ako sa balikat. "H'wag kana masyadong malungkot, kilala ko si Klyde. Maayos 'to, magiging maayos rin 'to."
Ngumiti rin ako sa kanya pabalik at napatango. Swerte nilang magkakaibigan sa isa't isa. Sa mga nakalipas na araw na nakasama ko ang mga kaibigan ni Klyde, masasabi kong maganda talaga ang pinagsamahan nila. They lift each other up whenever someone's down. Balanse silang lahat.
Maya-maya ay nagpaalam narin si Courtney na mauuna na dahil may klase pa ito. Nagiwan pa ito ng mga motivational quotes at mga paalala bago umalis.
Naiwan ako ngayong mag isa sa bench. Still, nanonood kung paano mag laro ng soccer ang mga bata.
Tungkol naman sa taong naglaglag kay Klyde, wala pa ring balita hanggang ngayon. Hindi nila alam paano mat-trace ang taong 'yon dahil hindi rin nila makuha ang information no'n sa daddy ni Klyde. Hanggang ngayon, patuloy pa rin kaming nag iisip ng paraan paano mahuhuli ang taong nanira kay Klyde sa dad niya.
Gusto ko talagang malaman ano bang pakay niya para gawin niya 'yon.
"You don't have any classes?"
Napalingon naman ako sa likurang bahagi ko nang bigla akong makarinig ng boses ng lalaking nagsasalita. Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng wind breaker na jacket sa ibabaw ng uniform niya ang bumungad sakin.
Si Takehiko.
"Free time. Wala kaming prof sa second subject eh," sagot ko rito at ibinalik ang tingin sa mga naglalaro ng soccer. Naglakad naman ito papunta sa harapan ko at umupo sa bakanteng espasyo sa tabi ko.
Nilingon ko ito at napansin kong nanonood na rin siya ng nilalarong soccer ng mga bata.
"Have you heard about the news?" saad nito na hindi inaalis ang tingin sa field. Ibig siguro niyang sabihin, ay yung balitang kumakalat ngayon sa campus tungkol kay Klyde. Napatango nalang ako rito biglang sagot.
"What can you say about it?" dagdag pa niya habang pinagko-kross ang mga braso. Napaayos ako ng upo at isinandal ang likod sa inuupuan.
"Whoever that guy who manipulated Klyde, sana tumama ang hinliliit niyang daliri sa paa sa kanto ng kabinet,"
He chuckled and didn't answered.
Pero bakit ba 'to nandito, wala rin ba 'tong klase? Nilingon ko naman ito pero nanatili lang siyang nanonood sa mga bata habang naka-cross ang mga braso.
"Ikaw pala? Bakit pagala-gala ka?" tanong ko sakanya. Hindi niya ako nilingon at inayos lang ang kulot niyang buhok na humaharang sa mukha niya.
"Hm? I'm just strolling around the campus, trying to find my sister,"
Oh. So may kapatid pa pala siya dito.
Napatango na lamang ako at itinuon ang atensyon sa ibang bagay.
*
BINABASA MO ANG
The Deal
RomanceIn a strenuous world where an ordinary girl named Bree Flores needs to be a slave under a Supreme Student Council's President; Klyde Delavid who happened to be a 'Sex Maniac' in order to live the life that she ever wanted. Is she gonna make it? [...