Nanatili kaming tahimik sa loob ng office. Ni isa, walang balak mag salita. Nababalutan ng tensyon ang buong opisina at tanging tunog lamang ng aircon ang bumabasag ng katahimikan.
Inabutan niya ako ng tubig pero hindi ko ito pinansin, kaya naman napapabuntong hininga na lamang ito at inilapag na lamang niya ito sa lamesa. Wala narin ang tali sa braso ko, pero medyo namumula ito dahil sa higpit ng pagkakalagay niya ng tali. Hindi narin ako nakapasok sa klase ko kaya naman paniguradong marami nanaman akong hahabuling lesson at paper works. Huminga muna ako ng malalim bago tumayo. Inayos ko pa ang uniform at sarili ko bago tumingin sakanya para mag paalam nang umalis.
"Una na 'ko." malumanay na sabi ko. Hindi ko na inantay pa ang sagot niya. Umiwas na ako ng tingin sabay talikod palakad sa pinto.
"Wait–" hindi ko na siya binigyan pa ng pansin at dali daling naglakad palabas ng opisina niya. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, masyado siyang 'bossy' at gusto niya lagi siyang nakakataas. Nagdadalawang isip pa ako kung ipagpapatuloy ko pa bang mag aral dito o mag aapply nalang ulit ako ng scholarship sa ibang eskwelahan. Pero mukhang mahihirapan ako sa bagay na iyon, dahil nagsimula na ang klase. Mahirap makakuha ng slot lalo na sa mga state university.
Naglakad ako papunta sa dorm. Ayokong pumasok nang ganito ang itsura ko. Hindi rin ako makakapagfocus kung ganito ang lagay ko. Mabilis akong pumunta sa banyo at naligo. Habang naliligo, muli kong tinitigan ang kabuuhan ko sa salamin. Hindi maitatangging maganda nga talaga ang katawan ko. Hindi ito napapabayaan simula nang bata ako. Ngayon nalang siguro nang naging mag isa na lang ako sa buhay. Napabuntong hininga na lamang ako at tinapos ang pag ligo. Nilinisan ko ang bawat sulok at parte ng katawan ko.
Pagkatapos maligo, agad din akong lumabas ng banyo at nagbihis ng komportableng pang tulog.
Umupo ako sa kama at sumandal sa headboard habang nagiisip isip.
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Masyado na akong nagiging pabaya. Nagsisimula nang pumasok sa isip ko na ayoko nang ipagpatuloy ang ganitong gawain. Siguro nga mas magandang magkandakuba nalang ako magtrabaho kaysa mag pagamit. Inalagaan ako ng mabuti ng magulang ko simula pagkabata, parang nakakakunsensya naman ang pinag gagagawa ko sa sarili ko ngayon.
Mukhang tama nga ang nga matatanda, lahat talaga ng bagay, kailangang pinaghihirapan. Napailing na lang ako at humiga. Maya maya ay naramdaman kong bumibigat na ang mga talukap ng mga mata ko kaya naman hinayaan ko ang mga ito at saka natulog.
—
Alas singko na ng hapon nang magising ako. Umunat unat muna ako bago napagdesisyonang bumangon sa kama. Tatayo na sana ako para mag banyo nang makaramdam ako ng magaspang na bagay sa gilid ko. Napatingin ako rito at napakunot ang noo. Wala naman 'to dito kanina ah?
Kinuha ko iyon at binuksan. Nakita ko ang iba't ibang klase ng tsokolate sa loob.
'Baka kay Jane..'
Ibabalik ko na sana ito sa gilid ng kama nang mapansin ko ang nakasulat sa paper bag.
'Bree..
Meet me in the garden when you wake up. I'll be waiting for you."
Oh kanino naman 'to galing?
Mabilis akong tumayo at nag ayos ng sarili. Nang masiguro kong maayos na ang lahat, naglakad na ako patungong garden. Wala akong makitang tao ni isa. Niloloko ba ako nito?
"Bree.."
Natigilan ako nang marinig ko ang boses niya mula sa likod. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano, pero nanatili akong nakatalikod sakanya. Narinig ko ang mga yapak niyang papalapit saakin.
'No, Bree. H'wag kang lilingon.'
Naramdaman niya atang wala akong balak lingunin siya kaya naman naglakad siya papunta sa harap ko. Bigla namang pumasok sa isipan ko na takbuhan nalang siya. Pero masyado naman atang nakakawalang modo kung gagawin ko iyon. After all, malaki rin naman ang naitulong niya. Anlaki nga lang din ng hinihingi niyang kapalit. Humugot ako ng isang napakalalim na hininga at nilingon siya.
Akmang magsasalita na sana ako nang iabot niya sakin ang isang teddy bear na may nakasulat na..
'Sorry'
Tumingin ako sakanya. Bakas ang pagkagulat sa mukha ko. Hindi ako makapaniwala na..
Marunong siyang mag sorry..
Naglakad pa siya para mas mapalapit saakin sabay ngiti ng tipid. Hindi ko alam kung delusional lang ba ako pero nakikita ko rin sa mga mata niya ang kunsensya sa nagawa niya.
"Please..?"
BINABASA MO ANG
The Deal
RomanceIn a strenuous world where an ordinary girl named Bree Flores needs to be a slave under a Supreme Student Council's President; Klyde Delavid who happened to be a 'Sex Maniac' in order to live the life that she ever wanted. Is she gonna make it? [...