TD 20

482 24 2
                                    

Bree's POV

Tumigil kami ni Klyde sa isang park. Pero kakaiba ang isang 'to, dahil hindi ito pangkaraniwang park na pinapasyalan.

Kinuha nito ang isang boquet ng bulaklak mula sa likod ng kotse bago lumabas. Tinanggal ko na rin ang pagkakakabit ng seatbelt ko at sumunod sakanya palabas ng kotse. Nanatili lang akong nakasunod sa likod niya habang naglalakad siya papasok ng MEMORIAL PARK.


Sa buong biyahe, hindi na ako nag abala pang kulitin siya para magtanong kung saan nga ba kami pupunta at anong gagawin namin doon dahil iisa lang din ang nagiging sagot niya,


"Maghintay kana lang,"


Tahimik lang akong nakasunod sa likuran niya habang siya ay patuloy na naglalakad. Ingat na ingat pako kung maglakad dahil baka kung kani-kaninong lapida pa ang matapakan ko.

Tumigil kami sa ilalim ng isang malaking puno, at doon siya napaluhod para linisan at alisin ang mga naglaglagang tuyong dahon sa ibabaw ng lapida.



Doon niya ipinatong ang dala niyang bulaklak sa gilid, at kasabay nito ang pagkuha niya ng tatlong kandila at lighter mula sa bulsa niya. Ipinwesto niya ang tatlong kandila sa lapida at isa isang pinatirik ito.

In loving memory of,
Florencio R. Delavid
1952—2016

Nanatili pa rin akong nakatayo sa likod ni Klyde habang nakaupo na siya sa tapat ng lapida.


"Hi, lolo. I'm sorry kung ngayon lang nakadalaw, i've been busy.." pagkausap pa nito.


So, lolo niya 'tong nakalibing dito. Apat taon na rin pala ang nakalipas nang mamatay ang lolo niya ayon sa nakasulat sa lapida. Patuloy pa rin ang pagkausap at pagkwento niya sa lapida ng lolo niya. Grabe, hindi ko aakalaing may mga ganitong side pala si Klyde. The way kung paano niya kausapin ang puntod ng lolo niya, na parang buhay na buhay ito dahil ang sigla niyang mag kwento.


Nanatili lang akong tahimik habang pinapanood siya sa ginagawa niya. Siguro sobrang lapit nila sa isa't isa nung buhay pa ito. Napaayos ako ng tayo nang bigla ako nitong lingunin at sabay na binigyan ng tingin na, 'anong ginagawa mo jan?'

"Bakit?" tanong ko pa, mababasa mo kasi talaga sa mukha niyang may gusto siyang iparating.

"Why are just standing there? Maupo ka sa tabi ko," he said, and patted the space beside him.


Hindi na ako nakipagtalo pa at sinunod nalang ang sinabi niya. Ibinalik niya ang tuon niya sa lapidang nasa harapan namin.


"'lo, this is Bree." dagdag pa nito at hinawakan ako sa balikat, "Bree, this is my lolo," tinignan pa ako ng deretso ni Klyde. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin, mag hi ba ako?


"A-ay, hi po Lolo... ni Klyde hehe," sabi ko pa at kumaway sa lapida.


Humugot pa ng malalim na hininga si Klyde at pinagkross ang mga braso.


"Since i was a kid, lolo ko ang madalas na nakakasama ko. Siya ang madalas na kalaro ko, he spoils me at everything. I can say na, I am really his favorite," pagsisimula ni Klyde sa pagkwento.


Napatango naman ako. So it all makes sense. Totoo nga ang conclusion ko kanina. Kaya naman ganito niya nalang pahalagahan ang lolo niya kahit wala na ito.


"Madalas niya akong kwentuhan, hanggang sa nag-binata ako. Siya lang–bukod sa mga kaibigan ko, ang pinagkakatiwalaan ko sa mga bagay bagay. I can share everything to him without any judgement,"


"But then, sa isang iglap, ganito na. He died because of Cardiac Arrest. Inatake habang natutulog,"

Mababakas ko sa boses ni Klyde ang sakit at lungkot kahit na ang tapang ng mukhang pinapakita niya ngayon. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya. I also felt that when my Dad died. Hindi ko rin alam paano mag sisimula nung mga panahon na 'yon, o paano ko tatanggapin na wala na akong tatay.


"I was 17 year old when that incident happened, sobrang vulnerable ko. My family flew to US for good, gusto nila akong isama, pero hindi ako pumayag. Ilang pilit pa ang ginawa nila pero talagang nagmamatigas ako. Kaya tri-nain nalang ako ni Dad to handle his business—the school, para may point naman ang pag stay ko rito sa Pilipinas,"


"It still hurts 'til now, i can still feel the pain, the longing for my grandfather. Walang gumagabay sa bawat ginagawa ko." sabi nito at nagpalabas ng mabigat na hininga.


"I know this is bit dramatic haha! Just tell me if you want me to stop the story telling," natatawang sabi nito, pero bakas ang kalungkutan sa boses niya. Parang lumambot bigla yung puso ko. Hindi ako sanay na makita siya on his weakest point.

Sa hindi ko ring malaman na dahilan, hinawakan ko ang kamay niya, dahilan para mapalingon siya sakin. Binigyan ko lang siya ng isang mahinhin na ngiti, para sabihin sakanyang magiging okay rin siya.


Mahina nalang itong napatawa at napatingin sa kalangitan.


"Do you have any idea why i brought you here?" tanong niya habang nanatiling nakatingin pa rin sa taas.


Oo nga 'no, bakit niya nga pala ako biglang isinama rito? Ang sinabi niya lang kanina, may ipapakilala siya sakin. Akala ko naman, mga kaibigan niya. Hindi ko naman aakalaing lolo niya pala.


So i shook my head, telling him 'no'.


He again, let out a heavy breathe before talking, "My grandfather once told me, gusto niyang ipakilala ko sakanya yung babaeng.."


Napataas naman ang kilay ko nang hindi niya ituloy ang sasabihin niya. "Babaeng? Babaeng ano?"

I watched his face, and waited for the next few words na sasabihin niya. He turned his gaze on me, staring straight into my eyes. I don't know why, but i saw his eyes started to sparkle, and eventually, gave me a warm smile.


"The girl that i want to pursue,"

*

Last 10 Chapters! Thank y'all so much for supporting the story!

The Deal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon