CHAPTER 8

25 8 0
                                    

WRATH

"One last try before we proceed to the stage." Sabi ko at umupo para tignan muli ang lakad nila bago kami tumungo sa labas at mag practice sa stage.

Last day nalang ng preparation and final rehearsal ay mamaya. It's 2 pm in the afternoon at ngayon kami mag p-practice sa stage. Hanggang 5pm then 8 pm babalik sila for final rehearsal sa stage.  We will run through the from the start of the event to end. It's like a final performance pero isa lang itong practice para sa gaganapin bukas. Hindi lang ang candidate ang nandito. We will be practicing with the dancers. Yong mga sasayaw pag break time at pag magbibihis ang contestant para may mapanood ang audience at hindi boring.

Pagkatapos ko silang panoorin. Hinayaan ko na sila kay Franczine and Rihanna para sa kani kanilang talent portion. As I've said last time. Hindi ito isang simpleng modelling lang. At dahil nadin sa modelling with beauty pageant ito and they're  implying the history of our town and indicating the native clothes
na pag aari ng sikat na designers.

Para mas malibang ang mga tao at hindi puro pag mo- model lang ang makikita nila kaya ang iba nababagot. So naisip ko why not give them a show. A worth to watch performance. Iyong manonood ang tao dahil sa unique at magandang performance ng models hindi dahil lang sa magaganda ang mga nag mo-model. So naisip ko na kahit hindi ito beauty contest ay gawin itong medyo slight lang. Mayron pading talent portion, Q & A for the finals, and syempre di mawawala yong mga maglakad para mag model ng damit. So sa mga talents naman dapat nandon padin yong goal na eh endorse yong damit. At sa finale mayron isang show about the history of town. Kasama ang mga contestants na sumali sa dance drama. At iyon talaga ang dapat pang eh practice dahil medyo may palpak doon.

Siguro dahil sa hindi masyado sanay ang mga contestant sa sayaw o arte. Mayron ding hindi nila kayang makipag salamuha sa dancers. They're not compatible to match. At last they aren't good enough to get along with the dancers. I mean the contestants are all good but the dancers are perfect. I mean no one was perfect pero kong may ikitaas sa lahat before the perfect sila iyon.

They dance very well. I kinda got impressive  and amused.

It's almost 4pm ng matapos silang mag practice sa talents nila at pina break ko muna sandali bago kami mag practice sa labas. May mga tao din naman sa labas at ang iba ay nanonood sa amin ang iba naman ay walang pakialam at masaya habang kasama at kausap ang mga kasintahan.

"Don't be intimidated by their presence!" Sigaw ko dahil sa kinakabahan ang mga ito at alam kong takot ang iba. Naramdaman ko nadin iyan ng unang sabak ko sa modelling. Pero hindi ka dapat mag papatalo dahil hindi ito makakatulong sayo.

"Mag focus kayo!" Sigaw ko habang nasa baba ng stage. "Ulit!" sigaw ko at nakita ko naman pagod na pagod na ang ibang pabalik balik nalang. Yong iba nag re-reklamo na.

"If ito palang pagod na kayo, then don't dream to become one of the most highly paid models in the Philippines. Wala pa nga ito sa katiting ng naranasan ko lalo na ni Zariah." Pagsasalita ni Stella ng pina upo ko sila para makausap. Ngunit naunahan na ako ni Stella na pagalitan sila. Which is ipinag pasalamat ko nalang baka marami akong masabi na makakasakit lang ng damdamin nila.

"Again. Please cooperate ladies. Make me proud. Make us proud." Yon nalang ang sinabi ko at bumaba at umupo sa unahan.

Si Stella ang naiwan doon at pinagsasabihan ang mga models.

Alam ko namang first time lang ng iba pero kailangan nilang masabihan ng masama for them to do well and get motivated. To prove their self to us.

"Last one then break." Sabi ko da kanila dahil kahit papano naawa din ako.

"Good!" Sabi ko pagkatapos nilang mag perform sa stage. Pinaupo ko na sila para makausap.

"Okay let's take a break. Pwede kayong umuwi mona depende sa inyo. Basta dapat andito na kayo before the call time." Tinignan ko sila isa isa.

Hope (L'Fern FirstLove Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon