CHAPTER 14

22 9 0
                                    

PAIN

Hindi na ako lumingon pa sa itinuro ni Stella. Hindi ko alam kong tatayo ako aalis. O kong uupo nalang dito at mag kunawaring okay lang ang lahat. Na walang may nangyaring kakaiba sa amin last time. Na baka lasing lang siya kaya niya ako hinalikan.

"Anong oras na?" tanong ko sa kanila pero ni isa sa kanila wapang sumagot. Natahimik silang lahat. Parang may kakaiba sa likod ko na naging dahilan konng bakit sila natahimik. Kinabahan ako dahil malabong mangyari ang iniisip ko. Pero ang tingin nila ay hindi na sa akin kundi sa likod ko pero binalewala ko iyon. Ayokong tignan. Natatakot ako. Natatakot akong baka mag break down ako dito. Na baka sumabatan ko siya. Na baka mag demand ako. Natatakot ako sa maaring mangyari pag mag usap kami o mag tagpo ang mga tingin namin.

Kahit kinalabit na ako ni Naohmi ay hindi padin ako nakinig at kinuha nalang ang cellphone sa purse ko. Tinignan ko ang oras. sampung minuto nalang at 5 pm na.

Tinignan ko si Stella. "Let's go baka ma late pa tayo." sabi ko sa kanya. Wala din itong nagawa kundi ang tumayo. Nakangiti akong nag paalam kina Brena. Pero agad ding itong nawala ng pag harap ko sa likod siya ang bumungad sa akin.

Nag simula na namang magbadya ang mga luha ko at gusto ng pumatak but I hold my tears. Ayokong makita niyang umiiyak. Ayokong isipin niya sobrang affected ako.

Sinubukan ko siyang lagpasan pero hinarang niya ako. Tiningala ako siya at sinamaan ng tingin.

"Excuse me." sabi ko pero hindi padin ito umalis.

"You're blocking my way Mr. Jalandoni." sambit ko at tinignan siya ng masama. Agad naman itong pumunta sa kabila para makadaan ako. Sobrang hirap ihakbang ang mga paa ko. Nasasaktan ako dahil umalis siya doon. Pakiramdam ko he let me go. Pakiramdam ko binalewala ako.

Naiinis nadin ako sa sarili ko. Alam kong hindi namam dapat big deal iyon. Pero lahat nalang ng bagay dinadamdam ko. Hindi ko alam na ganito na pala ako ka sensitive ngayon.

Ihahakbang kona sana ang mga paa ko ng may humila sa kamay ko at pinigilan ako. Kahit hindi ko tignan alam kong siya ito. At ito mismo ang gusto kong gawin niya. Ang pigilan ako. Ito ang gustong gusto kong gawin niya. To hold my hand kasi pakiramdam ko ayaw niya akong mawala at gusto niya akong makasama. Hindi yong umiwas na pakiramdam ko pinagtatabuyan niya ako at ayaw niya sa akin.

Pero siguro kahit gaano ko kagustong pigilan niya ako. I want more. I want him to chase me and for once I want to feel. Yong pakiramdam na ipaglaban ka.

Kinuha ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at nasaktan ako ng husto ng hinayaan niya. Para akong tanga. Ako mismo ang nanakit sa sarili ko.

Binilisan ko ang lakad palabas at hindi pinansin ang tingin ng mga tao. Hindi ko na nagawang punasan ang mga luha na kanina pa pumatak aa pisngi ko.

Hindi ko alam kong saan ako tutungo. Saan ako pupunta. Dahil nahuli si Stella at wala sa alin ang susi. Kaya wala sa sariling nag lakad ako sa daan. Para akong baliw na nag lalakad na naka heels.

Medyo natagalan na din akong naglalakad kaya sumakit na ang paa ko. Umupo ako sa gutter at napatingin sa sasakyan na huminto sa harap ko.

Agad nanlaki ang mata ko ng makita kong sino ang lumabas. Ngayon kolang napansin na kanina pa pala ito naka sunod sa akin habang nag lalakad akala ko ay mahina lang talaga ang patakbo nito o sira. Pero ngayon alam ko na kong bakit ganon.

Hindi ako tumingin sa kanya at yumuko nalang. Ito yong pina ka ayaw kong gawin eh. Ang ipakita sa kanyang mahina ako. Pero wala eh. Lahat na ata nagawa kona. Kaya baka sakaling maawa siya sa akin. Pero ayoko namang pilitin niya lang ang sarili niya kasi naaawa siya sa akin.

Hope (L'Fern FirstLove Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon